webnovel

The Ring

Lisa's Pov

Nailipat na ako sa private room dito sa headquarters. Babalikan daw ako mamaya nila Jennie at Jisoo kasi may bigla silang pinatawag ni Agent Silver. Ito daw kasi ang pumalit kay Boss pansamantala dahil hindi pa ito magaling. Binalikan muna ni Rose ang kanyang anak. Naalala ko naman ang pinag usapan naming apat kanina sa ICU.

Lumabas si Jk at tinawag ang 3 kong kaibigan. Nagulat ako nang nag uunahan sila sa paglapit sa akin. Niyakap naman nila ako ng mahigpit at nag iyakan sila.

"Grabe ka pinag alala mo kaming lahat. Ang tagal mong matulog." sabi ni Jennie.

"Oo nga pinahirapan mo ako sa kambal nyo. Alam mo bang iyak ng iyak yung kambal. Tinatanong ko nga sarili ko kung doktor ba ako o hindi. Wala kasi akong makitang sakit sa kanila." sabi ni Rose.

"Oo nga alam mo ba habang natutulog ka walang ibang sinasamahan ang kambal kundi sila V at Jimin lang kapag wala si Jk?" sabi naman ni Jisoo.

"Alam ko. Araw araw nagkukwento si Jk sa akin. Naririnig ko sya palagi. Akala nyo tulog ako? Hindi dahil gising ako at hindi lang ako makadilat at makagalaw. Sobrang hina ko pa kasi." sabi ko naman.

"Ayoko nang maulit yung nangyari sayo Lisa. Para akong mamamatay sa pag aalala sayo. Lalo na yung asawa mo." sabi ni Jennie

"Alam mo ba nakita namin si Jk sa chapel. Awang awa kami sa asawa mo. Sabi ni Jin nuon lang daw nya nakita si Jk na umiyak ng ganon. Nung makita namin sya halos madurog ang puso namin. Gusto ko sanang lapitan kaso pinigilan ako ni Jin. Kasi pumasok ng chapel sina V at Jimin. Sabi ni Jin sila daw ang kailangan ni Jk ng mga panahong iyon. Hindi ko alam kung gaano karami ang iniluha nya. Sobra din syang magmakaawa sa Diyos na bigyan tayo ng milagro." kwento ni Jisoo. Hindi ko mapigilan ang maiyak.

"Hindi ko nga sya nakitang mapagod sa pag aalaga sayo. Tapos aalagaan nya din ang kambal. Kahit nakaalalay si Jimin at V, sinisigurado nya pa din ang kailangan ng kambal." sabi ni Rose.

"Grabe saan ka pa makakahanap ng ganyang lalaki. Sobra magmahal, maunawain at hindi babaero. May makikita ka pa bang ganyan? Wala na, wala." sabi ni Jennie.

"Alam ko naman yun eh. Kaya nga sobra akong nagpapasalamat sa kanya. May naiisip lang ako. Pwede ba ako humingi ng tulong sa inyo?" sabi ko sa kanila. Tumango naman sila sa akin. Inexplain ko sa kanila ang mga gagawin nila.

Nang maalala ko lahat ng sakripisyo ni Jk sa akin naisip ko kung karapatdapat ba ako sa pagmamahal nya? Nung ikwento ni Jisoo ang pag iyak ni Jk sa chapel, halos madurog ang puso ko. Ganun nya ako kamahal? Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos kasi binigyan nya pa ako ng pagkakataon na makapiling ko ang mga mahal ko sa buhay. Sana lang matuwa sya sa gagawin ko para sa kanya.

Natapos ang aking pagmumuni muni nang biglang bumukas ang pinto. Isa isang nagsipasok ang BTS kasama si Jk at ang kambal.

"Welcome back Lisa!" sabay sabay nilang sabi.

Lumapit sa akin si Jk at ibinigay sa akin si Lala na umiiyak. Niyakap ko si Lala ng mahigpit at di ko napigilan na umiyak.

"Kamusta na mga baby ko? Akala ko hindi ko na kayo ulit mahahawakan. Huhuhu. Namiss nyo ba si mommy?" pinupog ko ng halik si Lala.

Nakipagpalit naman ako kay Jk at kinuha ko naman si Leo. Nakangiti naman ito. Pinupog ko din ito ng halik habang naiyak. Alam mo yung pakiramdam na akala mo wala nang pag asa, yung bibigay ka na dahil sa sakit ng nararamdaman mo. Pero napakabait ng Diyos kasi kasama ko pa rin sila.

Walang nagsalita sa kanila. Pinabayaan lang nila akong umiyak ng umiyak. Panay naman haplos ni Jk sa buhok ko. Mayat maya din nyang pinupunasan ang luha ko. Ilang minuto din akong ganun.

"Mahal tahan na, baka mabinat ka." sabi ni Jk. Tumango ako at pinigilan kong umiyak. Nakatulog naman ang kambal. Inihiga ko sila sa tabi ko.

"Sya nga naman sis, wag ka na umiyak kita mo tulo na uhog ni Jhope." sabi ni V. Binatukan naman ito ni Jhope.

"Aattend pa tayo ng kasal ni Jhope next month kaya magpagaling ka. Hahaha!" sabi ni Jimin. Hinabol naman ni Jhope si Jimin.

"Huh? Kasal? Sino papakasalan ni Jhope." tanong ko.

"Sino pa kundi ang love of his life na si Agent Violet hahaha" sabi ni Jin.

"Hindi nga ako magpapakasal sa kanya. Hindi!" sigaw ni Jhope. Mukhang napipikon na sya sa mga kaibigan nya.

"Bakit suot suot mo pa din ang singsing na binigay sayo?" tanong ni Suga. Wow lang binigyan ng singsing ni Agent Violet si Jhope. Tumingin ako kay Jk at tumango ito.

"Talaga? Di kayo nagbibiro? Patingin nga." sabi ko. Tapos pinakita ni Jhope ang singsing na nasa daliri nito. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Ayaw nga matanggal eh. Kahit anong pilit kong tanggalin ayaw pa din." malungkot na sabi ni Jhope.

"Seryoso si Agent Violet, Jhope." seryosong sabi ko sa kanya. Natawa lang sila.

"Paano mo nasabi yan Lisa?" tanong ni Namjoon.

"Dahil sa singsing. Sabi nya kasi ibibigay nya lang daw iyan sa papakasalan nya." sabi ko.

"Di ka nagbibiro Lisa?" tanong ni Jimin.

"Hindi nga. Yang singsing na yan ay nag iisa lang sa mundo. Sya ang gumawa nyan. At isa pa hindi mo matatanggal yan hanggat si Agent Violet ang magtatanggal nyan." sabi ko.

"Huh sabihin mo na binibiro mo lang kami Lisa." sabi ni Jin.

"Gustuhin ko man biruin kayo pero hindi talaga. Alam mo ba kung magkano yang singsing? Binibili ito sa kanya ng isang mayamang negosyante na dati nyang nagawan ng mission." sabi ko.

"Magkano tong singsing na to at ng mabili ko sa kanya. For sure hindi naman ito ganon kamahal at ano bang espesyal dito." tanong ni Jhope.

"Nagkakahalaga lang naman yan ng 25 milyon. Kaya ko nasabi na seryoso sya sayo kasi ibinibigay nya sayo ang 25 milyon na singsing." sabi ko. Nakita ko nakanganga sila lahat.

"Talaga mahal? Bakit ang mahal naman nyan?" tanong sakin ni Jk.

"Purong ginto yan at may mga diamonds. At ang ikinamahal pa nyan si Violet lang ang nakakaalam kung paano matanggal yan. Its her second invention. Diyan yumayaman ang mga agent. Sa mga imbensyon na ganyan. 5 lang kami na legal na nakakapagbenta ng mga imbensyon namin." sabi ko.

"5 kami? Eh di ibig sabihin kasama ka?" tanong ni Suga. Tumango tango ako.

"Oo kaya ako maraming pera at ari arian dahil dun sa mga nabenta ko. Yung binigay kong kotse kay Jisoo kapalit nun ay isang imbensyon ko. Sa agency natin marami ang imbentor. Nasa 30 ata at marami pang sumusubok. Kasi malaki ang kapalit nito. Marami nang naiimbento pero kailangan munang dumaan sa tamang proseso." sabi ko.

"Tapos lima lang kayong pumasa?" tanong ni Jimin. Tumango naman ako ulit.

"Actually apat na lang. Namatay na si Errol eh so ako, si Agent Silver, Agent Violet at si Agent Aquamarine lang ang mga legal na imbentor sa ngayon." sabi ko.

"Teka yung mga binigay mo sa amin imbensyon mo yun?" tanong ni V. Umiling ako.

"Kay Errol yun. Actually madami pa sya sa taguan nya. Milyones din yun hahaha." sabi ko.

"Tangna Jk hindi kayo maghihirap ni Lisa. Pautang nga bawasan nyo kayamanan nyo hahaha." sabi ni Jin.

"Paktay ka Jhope mukhang ikaw ang maghahabol kay Violet para matanggal yan hahaha." panunukso ni V.

Biglang tumayo si Jhope at lumabas ng kwarto ko. Isa isa na ring nagpaalam ang iba pang mga kaibigan namin. Natitira na lang si V at Jimin.

"Gusto nyo bang kunin muna namin ang kambal para makapagpahinga kayong dalawa?" tanong ni V.

"Sige brad pakialagaan muna ang kambal. Kukunin ko sila pagnakabawi na ako ng tulog." sabi ni Jk.

"Wag mong alalahanin yun ang importante magpalakas kayo." sabi ni Jimin.

"Salamat V at Jimin. Salamat sa lahat lahat." pagpapasalamat ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin bago umalis.

Inihiga ako ni Jk dahil nananakit na ang likod ko. Tumabi naman sakin si Jk sa kama. Malaki naman ang kama ko.

"Salamat talaga at gumising ka mahal." sabi ni Jk.

"Ako ang dapat magpasalamat sayo kasi hindi mo ako sinukuan. At tsaka paano ako hindi gigising eh panay kwento mo sa akin ng masasayang bagay lalo na ang tungkol sa kambal." sabi ko sa kanya.

"Huh? Di kita maintindihan." pagtataka ni Jk

"Actually lahat ng sinabi mo sakin nuong akala nyo ay tulog ako, lahat yun naririnig ko. Gusto kong magmulat at gumalaw kaso nanghihina pa ako Sobrang nakatulong ka sa akin." paliwanag ko sa kanya. Ngumiti ako at ngumiti din sya.

"Pahinga na tayo mahal. Magpagaling ka pa." sabi ni Jk pagkatapos hinalikan nya ang noo ko bago ako nakatulog.