webnovel

Lunch

Lisa's Pov

Tapos na kaming magluto ni inay. Naligo muna ako kasi pinagpawisan ako kakaluto ko. Nalinis na ung mga sugat ko at ang sabi ni inay medyo magaling na ung ibang sugat. Iniwan ako ni inay sabi nya may gagawin daw sya sa baba. Nababato ako pag ganito na mag isa ako. Bababa na nga muna ulit ako. Mas malilibang ako pag may kausap ako.

Bumaba ako para hanapin si inay, kaso di ko makita. Naupo muna ako sa sala at binuksan ang tv. Seryoso akong nanunuod ng nang bumukas ang pinto. Ang BTS lang pala. Binalik ko ang tingin ko sa tv.

"Hala! Di tayo pinansin. I feel rejected huhuhu." kunwari naiyak si Jhope.

"Seryoso ka talaga jan sa panonood mo? Seriously Lisa spongebob talaga?" sabi ni Suga.

"Syempre naman no. Ganda kaya ng spongebob." sabi ko.

Lumabas si inay galing sa kusina upang tawagin kami para kumain.

"Halina kayo para magsikain. Nak naiwan mo pala ang cellphone mo sa lamesa." tawag samin ni inay.

"Ay oo nga. Kanina ko pa po nay  hinahanap yan." sabi ko.

"Nay? Nak?" sabay sabay na tanong ng BTS.

"Manang Rita naman may favoritism ka ba? Ako nga di mo tinatawag na anak eh. Kahit kanino samin. Eh bat si Lisa tinatawag mo na nak. Huhuhu" sabi ni V tapos kunwari umiiyak.

"Mga anak ko lahat kau. Ang aarte nyo ha. Syempre iba si Lisa. Alam nyo naman matagal ko na gusto magkaanak ng babae di ba. Kaso puro kau lalaki." paliwanag ni nay.

"Syempre alam namin un. Binibiro ka lang namin. Ikaw ang nanay naming lahat lalo na ako di ba." sabi ni Jk sabay akbay kay inay.

"O sya sya magsikain na lang kau.

Gutom lang yan. Magsi upo na kayo." sabi ni inay.

Nagsi upo na kami. Gusto ko tumulong sa paghahain kaso pinigilan ako ni inay. Inihain na nya ang mga pagkain.

Nagsikainan na ang lahat. Nagkatinginan kami ni inay ng magsalita si Jimin.

"Manang pasarap ng pasarap ang luto mo ah." sabi ni Jimin.

"Oo nga manang " pagsang ayon ng Bts.

"Nay actually nagbago luto mo. Parang di ikaw nagluto." sabi ni Jk.

Tumawa si inay. Medyo nahiya naman ako. Napangiti ako kasi sabi masarap ung luto ko.

"Hindi nga ako nagluto, kundi si Lisa. Sya ang nagluto ng kare kare at ng menudo. Hahaha kala ko di nyo mapapansin kasi panay lang kau kain ng kain. Lakas nyo lumamon hahaha."

tawang tawa si inay.

"Wow Lisa marunong ka pala magluto. Ang sarap ng luto mo." sabi ni Jk.

Nginitian ko lang sya. Masaya ako na nagustuhan nila ang luto ko at isa pa napapangiti ko si Jk.

"Pasasalamat ko sa inyong lahat yan kasi sa laki ng utang na loob ko sa inyo." sabi ko

"Wala kang utang na loob samin. Lagi mong tatandaan na kaibigan ka na namin." sabi ni Jin

"Iba ka talaga Lisa. Maganda at mabait tapos magaling pa magluto. Pwedeng pwede ka na mag asawa nyan di ba Jk." sabi ni V. Sabay kantyaw ng mga kaibigan nya.

Napatingin tuloy ako kay Jk nakita ko na nakatitig sya sakin. Napayuko tuloy ako. Nahihiya ako sa sinabi ni V.

"Kayo talagang mga bata kayo ang kukulit nyo. Baka mailang sa inyo si Lisa at isa pa wag nyo biruin ang alaga ko baka totohanin nya yan hahaha." biro ni inay. Namumula na talaga ang pisnge ko.

"Manang naman eh baka nde na komportable si Lisa. Namumula na sya oh." sabi ni Jk.

"Oh wow naglulunch pala kayo. Manang pahingi ng plato sasabay na ako kumain. Wala bang ibang ulam? Ang baho naman ng food. Wala bang steak? Teka sino kang babae ka. Umalis ka sa upuan ko. Dyan ako sa tabi ni Jungkook." Napatingin ako sa nagsasalita. Sino sya?

"Eto na naman po kami." sabi ni Jimin