webnovel

Manang Rita

Lisa's Pov

Nagising ako sa sinag ng araw. Hala! mukhang tanghali na. Tinignan ko ang orasan 9am palang pala. Kala ko lagpas na ng alas dose. Nagsimula na akong mag ayos ng sarili ko. Naghilamos lang ako ng mukha ko at nagsipilyo. Medyo nagagalaw ko na ng maayos ang braso ko. Exaggerated lang si Jk. Pero ung paglilinis ng mga sugat ko lalo na sa likod un ang nde ko pa kaya.

Bumaba ako kasi medyo nauuhaw na ako. Nagpunta ako sa kitchen. Nakita ko si manang Rita na nagluluto.

"Good morning po manang Rita. May maitutulong po ba ako sa inyo?" bati ko kay manang.

"Naku gising ka na pala nak. Ay ok lang ba sau na tawagin kitang anak? Gustong gusto ko kasi ng anak na babae kaso hindi ako nabiyayaan." sabi nya

"Ayos lang po. Gusto ko nga po iyon. Wala na po kasi akong magulang na tatawag sakin ng anak. Kayo po pwede ko po bang tawaging inay?" sabi ko habang medyo naluluha pero pinipigilan ko kasi baka nde ko mapigilan na umiyak ng umiyak.

"Oo naman anak. Kumain ka na. May naluto na akong almusal. Kumakain ka ba nyan? Gusto mo ba lutuan kita ng bacon at hotdog?" sabi ni inay

"Naku nay paborito ko po yang daing. Madali po kasing lutuin yan pag nagmamadali ako. At masarap naman po lalo na samahan nyo ng sawsawang suka na may bawang. Naku nay kakain na po ako nakakagutom po kasi ang usapan natin hahaha. Meron po ba tayong sinangag?" tanong ko. Ngumiti si inay. Tinitigan nya ako.

"Alam mo nak gusto kita sa alaga ko. Bihira ang mga babaeng katulad mo. Mabait at walang kaarte arte di tulad nung anak nung kaibigan ng magulang ni Master. Pagbumibisita yun grabe makautos. Siguro nung nagbuhos ng kaartehan sa mundo, sinalo nyang lahat. At ang kapal ng mukha nya pumunta dito kahit di sya pinapupunta. Pasalamat na lang ako nde nahuhulog ang loob ni master sa kanya." sabi ni inay.

"Marami na po ba syang inuwing babae dito?" tanong ko

"Naku nak ikaw lang ang babaeng pinayagan nya tumira dito. Isang beses lang pinatulog ung babaeng maarte dito. Pinalayas ni master kasi balak pa ata dito na tumira. Wag ka mag alala anak hindi babaero ang alaga ko hahaha." sabi ni inay.

"Nay naman eh nagtatanong lang po. Kasi ang bilis nya akong ayain sa bahay nya tumira kahit hindi nya pa ako lubusang kilala. Parang sanay na syang magdala ng babae dito." paliwanag ko.

"Alam mo anak mararamdaman mo naman kung dapat mong pagkatiwalaan ang isang tao kahit nde pa kau lubusang magkakilala. Katulad ko magaang ang loob ko sau kahit hindi pa kita nakikilala ng lubusan. Nararamdaman iyon anak." ngumiti ako sa sinabi ni inay at nagsimula nang kumain. Masaya ako sa nangyayari sa akin.

Ang sarap ng kain ko. Natapos ako kumain at nagligpit ng pinagkainan ko. Pinipigilan ako ni inay pero nde ako nagpaawat.

"Nay tulungan ko na po kau magluto." paalam ko sa kanya.

"Wag na anak baka mabinat ka." sabi ni inay.

"Sige na po nababato po ako eh. Titigil po ako pagnapagod po ako. Sya nga po pala tulog pa po ba si Jk?" tanong ko.

"Umalis sya ng maaga anak. May meeting silang magkakaibigan sa bahay lang naman ni Namjoon. Kahit mga bata pa yan, mga negosyante na sila. Hindi lang halata hahaha. O sya sige supresahin mo sila sa pagkaing lulutuin mo. Tignan natin kung mahuhulaan nila na nde ko nagluto nun." sabi ni inay.

"Sige po nakakaexcite naman yun nay. Umpisahan na po natin." sabi ko. Sinimulan ko nang magluto. Sana lang magustuhan nila.