webnovel

Jade

Jungkook's Pov

Napasimangot ako sa pagdating ng babaeng ito. Nawala yung masaya naming kwentuhan ng mga kaibigan ko.

"Jk uwi na ako. Medyo nawalan na ako ng gana. Sige Lisa salamat sa pagkain." sabi ni Namjoon

"Ako din. Bye Lisa." paalam ni Suga.

"Kami din ni Jin." sabi naman ni Jhope.

Umalis na ang 4 kong kaibigan. Alam ko na di nila gusto ang babaeng dumating sa bahay ko.

"Oh kayo nde pa ba kayo aalis." tanong ng bagong dating na babae.

"Hindi no, dito kaya kami matutulog. Dun kami matutulog sa kwarto ni Jk. May laro kaya kami." sabi ni Jimin.

"Oh ikaw babae di ka pa ba aalis? Sino ba to Jk?" tanong ng maarte.

"Wala kang pakialam." sagot ko. Nakakabadtrip naman.

"Wait miss kanina ka pa eh. Sino ka ba sa bahay na to bakit mo kami pinapaalis. Kapatid ka ba ni Jk?" tanong ni Lisa.

"Ako tinatanong mo? Well ako lang naman ang future girlfriend ni Jungkook and not his sister. My name is Jade." pakilala nung babaeng maarte.

"Di pa naman pala girlfriend kung makapagpaalis ka kala mo asawa ka. Nakita mo ba nakain pa kami? Malamang kabastusan naman paalisin mo kami habang kumakain. Dont you have manners?" sabi ni Lisa na syang nagpangiti sakin. Thats my girl.

"Boom! Sapul ka hahaha! Kaya gustong gusto kita eh hahaha. Pwede ba kitang maging kapatid, Lisa?" tanong ni V.

"Ang tapang mong babae ka ha, sino ka ba? Makakarating to Jk sa mga magulang natin." banta ni Jade

"Yeah yeah. By the way, what brings you here? Wag mong sabihin na nandito ka na naman para sabihing gusto mo lang akong makabonding." tanong ko.

"Thats right! Hindi mo naman kasi ako tinatawagan eh. Alam mo naman na need na natin makapagbonding para sa nalalapit nating pagpapakasal. Pagnatuloy ang partnership nila papa mo at daddy ko eh malamang ipakakasal na nila tayo." sabi ni Jade na ikinasamid ko. Hinagod hagod ni Lisa ang likod ko.

"Fiance mo na sya Jk?" tanong ni Lisa.

"Hindi no. Malabong mangyari yun. Ako magdedesisyon sa sarili ko nde ang parents ko. At kahit pa itakwil ako ng magulang ko nde ako papakasal sa babaeng yan." Pagdedepensa ko.

"Wag ka mag alala Lisa, hindi tanga si Jk para pumulot ng batong ipupukpok sa ulo nya." sabi ni Jimin.

"Ang harsh nyo sakin. Well hindi ko naman kayo kailangan. At kapag nakasal na kami eh nde kau invited." sabi ni Jade. As if naman papakasal ako sa kanya.

"As if naman pupunta kami. At isa pa as if naman na mangyayari yun." sabi ni V.

Tinignan ko si Lisa na panay tingin lang sa amin. Mukhang naguguluhan sya.

"Pwede ba wag kang ilusyonada. At umalis ka na sa pamamahay ko. Simula ngaun ipapa ban na kita na pumasok sa subdivision namin. Puro gulo ang dinadala mo dito." sabi ni Jk.

"Bakit ako pinapaalis mo bat di ang babaeng yan sa tabi mo? Magiging fiance mo ako. Dito lang ako." sabi pa ni jade.

"Bakit mo naman papaalisin si Lisa eh kaibigan namin sya. Ikaw umalis kasi di ka invited dito. Umuwi ka na sa inyo at magpalit ng damit mo. Kinukulang na ba sa tela ang designer mo? Wait lang sabihin mo sakin kung sino at saan ang address para makapagdonate ako pambili ng tela. Asa ka pang maaakit mo si Jk sa ganyang suot." sabi ni V.

Yan ang mga kaibigan ko. Alam naman nila ang tungkol sakin. Si jade kasi ang anak ng kaibigan ni Dad. Ipinagkasundo nila kami. Kaso nde ako pumayag kaya nag away kami ni Dad. Hindi ko gusto ang pamilya ng kaibigan ni Dad. Alam ko ginagamit lang sya ni Mr. Takamura. Hanggang ngaun ay nde pa maganda ang relasyon naming mag ama. Kaya malaki ang galit ko sa babaeng ito kasi kung nde dahil sa kanya masaya sana ang pamilya ko. Kaso nabibilog ang ulo ni Dad ng Mr. Takamura na iyon. Pag nakahanap ako ng ebidensya patay sakin si Mr. Takamura. Isa pa kampi si Mom dito kay Jade. Kaya nde ko sila kinakausap pa.

"Umalis ka na Jade. Kung magpupumilit ka pa na wag umalis bahala ka, pero wag mong aasahan na welcome ka dito." sabi ko.

"Di ako aalis. Dito ako matutulog at isa pa bakit nandito pa ang babaeng yan." sabi ni Jade

"Hay naku Jk, tara na nga at wala na akong ganang kumain. Umpisahan na nating maglaro." sabi ni Jimin.

"Tara Lisa turuan na lang kita ng laro namin. Nakakabadtrip lang dito. Teka sis na lang tatawag ko sau, short for sister hehehe." sabi ni V.

"Ako din ha." pahabol na sabi ni Jimin.

"Oo naman." sabi ni Lisa

Nagsitayo na kaming apat at umalis sa dining room narinig pa namin na sumisigaw si Jade doon. Si manang Rita na ang bahala sa kanya. Alam ko naman kaya na ni manang yung babaeng yon.

Ayokong masira ang araw ko lalo na at masarap ang kinain ko, si Lisa ba naman ang nagluto kaya masarap. Narating na namin ang gaming room kasama si Lisa. Actually nde pa nakikita ni Lisa tong gaming room. Secret kasi namin to nila V at Jimin. Di alam ng ibang Bts kasi trip naming tatlo pag ayaw naming mahanap kaming tatlo lalo na pagnaglalaro kami. At meron pa ako isang secret room na ako lang mag isa ang nakakaalam.