webnovel

Sorrowful Day

Lisa's Pov

Nagising ako na masakit ang buong katawan ko. May dextrose na nakakabit sa akin. Tinatahi naman ang mga sugat ko. Nasa kabilang higaan si Jisoo. Mukhang nasa clinic ng headquarters na kami. Napaaray ako ng itusok sakin ulit ang karayom dahil tinatahi pa rin ako.

"Pasensya na Agent Black hindi kita mabigyan ng anesthesia kasi napag alaman ko na naturukan ka ng virus na galing sa pentagon. Hindi pa namin alam kung paano ka gagamutin. Nasabi na nga pala ng asawa mo sa amin na naglagay ka ng antidote. Epektibo ba?" tanong ni Agent Aquamarine, ang isa doktor sa headquarters.

"Di ko alam. Sana gumana. Wala na akong magagawa nagbakasakali lang ako. Kahit naman ang gawin ko mamamatay ako sa virus na yun. Panalangin ko lang gumana sya." sabi ko.

"Ano bang kailangan kong gawin. May dapat ba akong ibigay na gamot sau na hindi makakasama sau." tanong pala nya.

"Wala na salamat. Bawal pang magtake ako ng ibang gamot eh. Syanga pala asan ang asawa ko?" tanong ko.

"Nasa operating room. Grabe ang asawa mo ayaw magpagamot hanggat hindi ka inaasikaso. Inuna nya pa kayo ni V. Maraming dugong nawala sa kanya." sabi pa nya.

"Ligtas na ba ang asawa ko?" tanong ko. Nag aalala na ako kay Jk.

"Ligtas na asawa mo kaya lang tinatanggal pa ang bala sa likod. Maswerte sya hindi tumama sa spinal nya at walang masyadong nadamage na internal organs sa kanya." paliwanag pa nito. Nakahinga naman ako ng maluwag sa balita sakin.

"Yung iba kamusta. Marami bang sugatan?" tanong ko.

"Gasgas lang ang natamo ni Jennie. Si Boss nasa ICU na, may tama din ng baril. Si Jisoo walang serious damage pati na ang ibang elites. Sa team ni Boss may 3 namatay. Kayo ni V ang malala. Si V tinamaan malapit sa puso kaya napakadelikado. Marami ding naubos na dugo sa kanya. Mabuti na lang at yung iba nyang kaibigan kamatch ng asawa mo at ni V kaya hindi problema ang dugong isasalin sa kanila. Ikaw ang inaalala ko. Mataas pa ang lagnat mo. Hindi ko alam ang gamot na pwede sayo." sabi pa nya.

"Sasabihin ko sa inyo mamaya kung ano ang pwede sakin. Sa ngaun gusto ko makita ang asawa ko." sabi ko.

"Sige malamang tapos ng operahan ang asawa mo. Ang kambal mo pala kasama ni Rose at ng anak nya sa kwarto ni Jennie dito. Hindi kasi alam kung paano mabubuksan kwarto mo" sabi pa nya. Tumango naman ako. Iniwan nya ako at tatawag daw sya ng maghahatid sakin kay Jk.

Bumukas ang pinto at pumasok si Jhope na may wheelchair.

"Kamusta ka na Lisa? Ayos ka na ba? Teka nadugo ilong mo, tatawag ako ng doktor." sabi ni Jhope.

"Teka wag na. Hindi ako pwede magtake ng ibang gamot kaya walang magagawa ang doktor. Pahinge na lang ako ng panyo." sabi ko at binigyan nya naman ako.

"Kaya mo na bang umupo?" tumango ako at binuhat ako ni Jhope paupo sa wheelchair. Tapos lumabas na kami ng kwarto ko.

Nakarating kami sa labas ng operating room. Nadatnan ko si Jennie na tulala sa upuan kasama sina Suga, at Jin.

"Jennie. Kamusta si Boss?" tanong ko.

Tumingin naman sakin si Jennie at saka umiyak. Hawak hawak nya ang kamay ko at yumuko.

"Akala ko mawawala si daddy. Hindi ko kaya Lisa. Huhuhu! Nawala na si Errol tapos kukunin pa si daddy. Buti na lang ligtas na sya. Huhuhu!" iyak ng iyak si Jennie.

"Maige naman at ok na si Boss. Masamang damo yun kaya nde pa mamamatay yung matanda na yun." sabi ko. Nag angat naman ng tingin si Jennie at natawa. Yan kasi ang sinasabi ni Errol dati pag nasusugatan si Boss.

"Asan na ang asawa ko?" tanong ko.

"Nasa ICU na at inoobserbahan pa. Pero ligtas na daw. Baka bukas mailipat na din sa private room. Palaban ang asawa mo eh." sabi ni Suga.

"Si Jimin nga pala at Namjoon? Bakit hindi ko nakikita?" tanong ko.

"Nasa private room na at nagpapahinga. Kasama ni Jisoo. Sya kasi ang nagbigay ng dugo sa asawa mo. Si Namjoon naman nandun kay V. Sya kasi ang kaparehas ng blood type ni V. Nasa operating room pa. Sige iwan ko muna kayo. Balitaan nyo ako tungkol kay V at pupuntahan ko muna si Jimin at Jisoo babe ko." sabi ni Jin.

"Pakitulak naman ako papunta sa ICU. Sa labas lang ako gusto ko lang masilip ang asawa ko." sabi ko. Dinala naman ako ni Jhope sa labas ng ICU. Nakita ko na maayos na ang lagay ng asawa ko.

Sinabihan ko si Jhope na bumalik na kami sa kinaroroonan nila Jennie. Nang makarating kami dun, nandun Si Agent Silver.

"Agent Black ayos ka na ba?" tanong ni Agent Silver.

"Ayos lang ako. May kailangan ka ba?" tanong ko naman sa kanya.

"Gagawa ako ng report tungkol sa nangyari. Wala si Boss kaya ikaw sana ang tatanungin ko tungkol sa namatay at pamilya ng namatay. Anong gusto mong gawin ko para sa kanila." sabi ni Agent Silver.

"Lahat ng namatay bigyan ng lahat ng kailangan sa libing. Kung ano ang gusto ng pamilya. Bigyan ng tag 5milyon ang bawat pamilya. Bigyan din ng lupat bahay na nakalaan sa mga nauulilang agent. At higit sa lahat gawing scholar ang mga anak ng mga namatay. Kunin lahat yan sa pondo ang agency." sabi ko. Nakita kong napanganga si Suga at Jhope sa narinig.

"Cge masusunod Agent Black. Alis na ako. Magpagaling ka." paalam ni Agent Silver.

"Ang laki namang abuloy non. Secured na ang pamilya ng namatay na agent. Mag agent na rin kaya ako." sabi ni Suga.

"Kulang pa yun sa pag aalay ng buhay ng mga agent sa bansa." sabi ni Jennie.

Nahilot ko ang ulo ko at sumandal sa likod ng wheelchair. Nakakaramdam ako ng hindi maganda.

"Lisa may masakit sayo?" tanong ni Jennie. Nang tignan ko ito halata ang pag aalala. Hinawakan nya ang noo ko.

"Lisa inaapoy ka ng lagnat! Balik na tayo sa higaan mo." sabi ni Jennie. Pero bago ako maitulak sumuka na ako ng dugo. Alam kong sign ito ng nilalabanan ng gamot ang virus.

"Tulong! Si Agent Black! Tulungan nyo!" sigaw ni Jennie. Si Suga naman at Jhope panay punas sa bibig ko na dumudugo.

Nagsilabasan naman ang mga doktor ng agency. Natataranta sila at nag usap usap. Lumapit sakin si Agent Aquamarine.

"Ilang oras ka namin bago bigyan ng mga gamot?" tanong ni agent Aquamarine.

"Bakit hindi nyo sya pwede bigyan ng gamot? Nakita nyong madaming dugo na ang lumalabas sa kanya! Ano pa hinihintay nyo!" sigaw ni Jennie.

"Kumalma ka lang muna Jennie. Lahat natataranta sayo." nanghihinang sabi ko.

"Paano ako kakalma sa sitwasyon mo. Bakit ayaw ka nilang gamutin? Lisa naman eh! Please lang doc gamutin nyo na sya." pagmamakaawa ni Jennie.

"3 araw Agent Aquamarine.... Sa unang araw, pagbuhay pa ako ibig sabihin tumatalab ang antidote. Saka nyo ako gamutin makalipas ng 3 araw. Ang kailangan ko lang ay dextrose pra hindi ako madehydrate." sabi ko. Napatakip naman ng bibig si Jennie tapos biglang humagulgol. Ibig sabihin ay naintindihan nya na ang kalagayan ko.

"Naturukan ka ng virus Lisa? Sabihin mong hindi totoo! Paano! Lisa huhuhu wag mo akong iiwan, lumaban ka. Huhuhu!" sabi ni Jennie.

"Anong nangyayari?" pagtatakang tanong ni Jhope.

"Naturukan sya ng virus mula sa pentagon. Sa loob ng 1 araw ang natuturukan nito ay namamatay. Sa kaso ni Lisa, nakapagturok sya ng antidote para sa lason na ito. Ipanalangin na lang natin na gumana sya. At kung buhay pa sya sa loob ng 3 araw saka namin sya pwedeng gamutin." sabi ni Agent Aquamarine. Napatakip naman ng bibig sila Suga at Jhope at saka naluha.

Dinala nila ako sa kwarto ko at wala pa din akong tigil ng pagsuka ng dugo. Panay punas nila sa akin. Minsan ibinababad nila ako sa bathtub na may malamig na tubig. Pinipilit kong lumaban dahil naiiisip ko na gusto kong makita ang kambal at ang asawa ko. Gusto ko pang mabuhay ng kasama ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko. Halos lahat sila nagpuyat maalagaan lang ako. Walang tigil sila ng pagmomonitor sa kalagayan ko. Kinabitan nila ako ng mga aparato para sa puso ko at pati na oxygen.

Sa sobrang panghihina ko kahit anong gawin kong manatiling gising ay hindi ko nagawa. Unti unti kong namamalayan na napapapikit na ako hanggang sa makatulog ako. Sana paggising ko buhay pa ako. Please God help me.