webnovel

Newly Wed

Jungkook's Pov

Nakakasilaw ang liwanag. Kahit hindi ko pa nabubuksan ang mata ko nasisilaw na ako hahaha. Kinapa ko ang kama. Napadilat ako, wala si Lisa sa kama. Dali dali akong bumangon at bumaba.

Habang papalapit na ako sa kusina, naamoy ko na ang mabangong pagkain. Hmmm, mukhang mapaparami ako ng kain. Nakita ko si Lisa na abala sa pagluluto. Dali dali ko syang niyakap habang nakatalikod sya.

"Ay! Ano ba, madisisgrasya tayo nyan eh. Upo ka na dun malapit na tong maluto." sabi ni Lisa

"Maya na nag eenjoy pa akong yakapin ka. Ang bango ng niluluto mo sa sobrang bango dumikit na sayo. Amoy daing ka na rin hahahah." sabi ko.

"Oo na, maupo ka na at luto na to, kakain na tayo. Maya punta tayo sa bahay ni Errol. May importante lang akong kukunin dun." sabi nya.

"Cge, ano gusto mo coffee or milk? titimplahan na kita." tanong ko sa kanya.

"Coffee with creamer na lang." sabi nya.

"Kamusta tulog mo mahal?" tanong ko habang nakain kami.

"Ang weird, nakatulog ako ng mahimbing. Parang panatag ang loob ko pagkatabi kita." sabi nya.

"Maige naman kung ganon. Yan ang gusto kong marinig sayo. Gusto ko ganto tayo araw araw. Magbebreakfast kahit puro daing ulam hahaha." sabi ko sa kanya.

"Wag ka mag alala, bukas dilis naman ulam hahaha." pang aasar nya. Tawa kami ng tawa habang nagkain at nagkukwentuhan.

Pagkatapos namin kumain, naghugas ng pinagkainan. Umakyat ulit kami at nabihis. Pupunta kami sa bahay ni Errol. Sa kabila lang naman hahaha.

Lumabas kami ng bahay at nagdoorbell sa bahay ni Errol. Iba rin trip ng asawa ko. Eh bahay nya rin naman to dahil pinamana sa kanya ni Errol tong bahay tapos magdodoorbell pa hahaha.

"Oh kayo pala. Bakit pa kayo nagdoorbell? Halika na pasok kayo." sabi ni Manang. Dito muna pinatira ni Lisa si Manang.

"Trip po ng asawa ko eh. Asan po sila?" tanong ko.

"Nandun, nakain sila. Halika na kayo at kumain din kayo dun." alok ni Manang.

"Tapos na po kami kumain ni Jk." sabi ni Lisa.

"Mahal akyat muna ako sa taas, kunin ko lang yung gamit na kailangan ko. Mauna ka na sa dinning room." sabi ni Lisa.

"Sure ka hindi mo na kailangan ng kasama?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na. Magaang lang yun. Sandali lang ako." sabi nya.

Hindi na ako nagpumilit pa. Pumunta ako sa dinning room. Nadatnan ko sila V, Jimin, Jhope at Jin.

"Oh asan si Suga at Namjoon? Bakit kayo lang nakain?" tanong ko sa kanila.

"Nasa school, may importanteng gagawin. Nagkaproblema ata." sabi ni Jhope.

"Kamusta ang bagong kasal?" Ayos ba tulog mo?" sabi ni V.

"Malamang katabi nya si Lisa. Kaya malamang masayang masaya yan." sabi ni Jimin.

"Eh ano Jk may pamangkin na ba kami?" tanong ni Jin.

"Mga siraulo kayo. Pwede ba magsikain na lang kayo. Gutom lang yan mga brad." sabi ko

"Kwento ka naman tungkol sa first night nyo hehehe." sabi ni Jhope.

"Jhorse di ako tanga para magkwento ng ginagawa namin mag asawa. Papuntahin ko kaya si Violet dito." sabi ko.

"Ikaw naman joke lang. Naku wag na wag mong papupuntahin yung babaeng yon. Naku siraulong babae yon gusto pa akong pikutin. Pagkalat pa na boyfriend nya ako. Di ko sya type noh." sabi ni Jhorse.

"Ang harsh mo dun sa babaeng yun? Hahaha bagay naman kayo ah." sabi ni V.

"Siraulong to! Langya lahat ata ng lalaking agent nadagit nun. Di ko type ang ganung babae makati. Yuck baka magkasakit pa ako." sabi ni Jhope.

"Ano pinag uusapan nyo?" tanong ni Lisa. Di namin namalayan nakalapit na ang asawa ko sa amin.

"Si Violet at Jhope, sis. Pinagkakalat ni  Violet na sila na hahaha." sabi ni V.

"Hahaha ikaw pala yung bagong biktima nya. Sabihin mo lang kung tuturuan ko na ng leksyon yun hahaha." sabi ni Lisa habang tawa ng tawa.

"Naku tigilan na natin tong usapan na to. Naiinis lang ako." sabi ni Jhope.

"Dont worry i'll do something about it. Hahaha natatawa lang ako. Ang ganda nya noh para pagkalat na boyfriend nya lahat hahaha." sabi ni Lisa.

"Ikaw talaga. Maiba ako ano nga pala yung kinuha mo sa taas?" tanong ko.

"Antidote sa isang virus. Yung mga hinawakan kasing mission ni Errol eh pareparehong may virus ang katawan ng mga namatay. Unti unti kang papatayin kapag nabigyan ka ng virus na to. Tinawag namin itong Alpha Virus. Ang problema hindi pa natatapos ni Errol ang antidote. Kinuha ko na rin ang mga files at usb ni Errol baka may malaman ako." sabi ni Lisa.

"Mahal di ba dapat si Josh ang unahin natin para naman makakilos na tayo ng maayos?" tanong ko.

"Mahal kaya ko nga kinukuha to kasi related kay Josh to. Nito ko lang na kaya Alpha Virus eh dahil ang Alpha Pentagon ang gumawa. Napag alaman ko na matagal nang alam ng kambal ko ang pangyayari sa mga magulang namin. Konting panahon na lang maayos ko to. Makakalaya na din kayo. Pero sa ngaun tiis tiis muna ha. Pasensya na talaga." sabi ni Lisa.

"Ano ka ba naman sis, di ba sinabi namin sayo sasama kami sa laban mo. Kaya naming magtiis. Di naman kami nasa kulungan para hindi makapagtiis noh. Kumpleto sa compound mo ang lahat ng kailangan namin. Masaya kami dito, lalo na si Jhope hahaha." pang aasar ni V.

"Sya nga naman Lisa, para lang kaming nagbabakasyon." sabi ni Jimin.

"Sya nga pala Lisa, agent din ba si Rose?" tanong ni Jimin.

"Bakit crush mo si Rosie? Hahaha. Dati agent si Rosie sa medical department sya nakaassign kaso nagresign sya kasi mas gusto nya magfocus sa pagiging ob gyne at nagmamasteral yan sa pagiging pediatrician. Hilig talaga kasi ni Rosie ang mga bata. Nahirapan sya na pagsabayin ang mission at pag aaral." sabi ni Lisa.

"Ah ganun pala. Pinsan sya ni Jisoo di ba?" tanong ulit ni Jimin. Tumango naman si Lisa.

"Nga pala mahal mamaya kailangan kong pumunta ng headquarters. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi." sabi ni Lisa.

"Samahan na lang kita. Pwede naman ako magstay sa kwarto mo sa headquarters habang hinihintay kita." sabi ko.

"Cge maya maya alis na tayo para maibigay ko na tong formula sa kanila." sabi nya.

Sa mga readers po ng aking story, thank you po sa inyo sa pagvovote.

Feel free po sa comment. Gusto ko lang pong malaman kung okay or kulang pa ang story ko. Kung may mali ako or what. I will appreciate your response.

Sa inyong pagcocomment, dun ko pagbabasihan kung gagawa pa ako ng another liskook story. ???

Thank you po. ???

denise15creators' thoughts