webnovel

Chapter 2

Chapter II

Tiffany's POV

"TIFFA!!" sigaw ni Claire sabay talon sa kama ko hawak ang cellphone niya.

"Tiffany anong gulo tong pinasok mo?" tanong niya sa akin habang tinatangal niya ang kumot na nakatakip ko sa mukha nung tumalon siya sa kama ko.

"Anong pinagsasabi mo? Ang aga aga!" Tanong ko sa kanya na nakatalukbong pa din.

"Tangalin mo kasi yang kumot nayan. Tignan mo tong video mo! Trending ka ng babae ka!" bulalas nito at saka naman niya natangal ang kumot ko.

Bumungad sa mga inaantok ko pang mga mata ang cellphone ni Claire na may naka play na video. Laking gulat ko ng makita ko ang sarili ko dun kaharap ang lalaking naka bunguan ko nung isang araw. At kitang kita ko sa video na ito ang pagbuhos ko ng tubig galing sa tumbler ko sa ulo ng lalaking nasa harapan ko, at malinaw na malinaw sa video ang mga katagang sinabi ko sa lalaki "See the difference? Yung soft drinks kanina ganun ang aksindente! Yang tubig yan ang sinsadja! Gets?"

Napabangon na ako bigla sa mga napanood ko. Ang huling kuha nung video ay ang pagtakbo ko papalayo sa lalaking binuhusan ko ng tubig. Tinignan ko si Claire na nakaupo sa harapan ko at nag aantay ng paliwanag ko sa nakuhanang video ko.

"Saan mo nakuha yang video?" tanong ko sa kanya habang binabalik yung cellphone niya.

"Bruha trending ka kaya! Nakapost din to sa page ng school! At hinahanap ka nung lalaking binuhusan mo!" wika nito na naka ismid sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga impormasyong sinabi ni Claire sa akin.

Hinahanap? Dito ako na puzzled sa sinabi ni Claire. Hindi naman mahirap maghanap ng tao ngayong panahong ito dahil talamak na ang social media na makakatulong sayo. Kahit siguro serial killer pa ang hinahanap mo kung nag post ka sa social media for help tiyak mahahanap mo. So I'm just waiting for him nalang na mahanap ako in just no time.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang sumagi ito sa isipan ko. Bigla kong naalala ang huling sigaw nung lalaking nabuhusan ko "HOY BUMALIK KA NGA DITO! PAGBABAYARAN MO TO!"

Siguro kaya niya ako hinahanap para maghiganti sa akin. That I know is the best intention he ever had for finding me.

"Hayaan mo yan!" wika ko ke Claire sabay bangon sa kama ko at dumiretso na sa Cr.

Tumayo si Claire sa kama ko at sinundan ako sa Cr. " Tiffa don't you know kung sino tong lalaking naagrabyado mo?" bulalas niya habang nakatayo sa may pintuan ng cr at pinapanood akong mag sipilyo.

"Shino ba yen?" wika kong mabulol bulol pa habang nagsisipilyo at nakatingin sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nito sa akin. "You're unbelievable Tiffany! You did that to a guy you don't even know! And sa lahat pa ng lalaki sa kanya pa talaga!" wika nito na naka pamewang na sa akin!

Nagmumug agad ako at saka hinarap si Claire bago ulit maghilamos. "Sino ba kasi yan at mukang naaalarma ka sa kanya?" tanong ko

"Siya si Sebastian Montereal. Siya lang naman ang notorious student sa Yang Te University! 4th year Engineering Student!" bulalas nito.

"Wow complete details na ah! Mukang nakuha muna lahat ng impormasyong kakailanganin ko sa kaaway ko best friend!" nakangiting wika ko dito na naka sandal sa may pintuan ng cr at nakapamewang sa kanya.

"You're not even afraid of him?" nanlaki ang mga mata niya nung tinanung ito ni Claire sa akin.

"No. why should I be? I'm Tiffany Marquez and beside you missed the point that I'm also the notorious student from Flinn University!" nakangiti kung bulalas sa kanya.

That's why I feel confident sa balitang pinarating ni Claire sa akin. Hindi na bago tong mga awayan na nakakasangkutan ko, hindi naman sa palaaway pero kilala din ako sa school na walang inuurungan. Kung Si Sebastian Montereal ay isang notorious student sa school nila eh di nakahanap na siya ng katapat ngayon.

I'm feeling na magugustuhan ko ang mga susunod na pangyayare sa mga susunod pang araw. Life would not be so boring this time I think.

"And here we go again!" wika nito bago ako layasan sa harapan ko at kumain ng almusal niya.

Indeed I'm really trending and Sebastian Montereal is looking for me. Nabasa ko din ang mga comments sa comments section nung trending video na in-upload nila and to my dismay madaming nag tag sa aking mga student doon. They are very brave to tag me anyway.

Ramdam na ramdam ko nanaman ang pagkaasiwa ng mga taong nadadaanan ko sa school at tumitingin sa akin. Hangang dito sa building corridor namin nakikita kong bigla nalang nagbubulungan ang mga students at gumigilid sa tuwing dadaan ako. Naiinis na ako sa atmosphere na bumabalot sa paligid ko kaya naman bigla akong napasigaw "SA MGA NAG TAG SA AKIN SA COMMENT SECTION NUNG VIDEO BEWARE! AND COUNT YOUR PEACEFUL DAYS IN THE UNIVERSITY!" I said saka pumasok sa classroom ko.

Pagpasok ko naman sa classroom bigla namang nakatingin lahat ng mga classmate ko sa akin. "ANO?" tanong ko sa kanila. Agad naman silang nagsibalik sa mga kinauupuan nila at hindi na nila ako pinansin. No one ever dare to talk me the whole class time even during our break time.

Malakas ang loob ko na maging maldita sa school dahil si Lolo ang pinaka malaking shareholder sa University. In other word I'm untouchable here even to the teachers. Let me clarify to you that I am not a bully. I don't bully other student just because I'm called notorious one. I was named as a notorious student because I make sure that anyone who bullies me or saw them bullying another student will be kick in the University.

Kaya for sure hindi ako mapapasok ni Sebastian Montereal dito sa University ng basta basta lang.

Naglalakad ako pabalik sa dorm dahil tapos na lahat ng subjects ko at tanging project nalang ang tatapusin ko ngayong araw na ito ng biglang mag ring ang cellphone ko.

Claire Calling

"Yes best friend?" bati ko sa kanya

"Asan ka Tiffa" bungad nito.

"Naglalakad pabalik ng dorm!" sagot ko

"Juice colored ito na ang sinasabi ko Tiffany Marquez! Magtago kana!" nanginginig ang boses ni Claire ng sinsabi niya ito!

"Hey Claire what's wrong?" tanong ko sa kanya na medyo kinakabahan na ke Claire dahil sa tono ng boses niya

"HOY TIFFANY MARQUEZ!" may isang lalaking napaka familiar ang boses at alam kong hinding hindi mawawala sa memorya ko boses nay un. Galing sa likuran ko ang boses na sumigaw

"Now this is what's wrong!" bulalas ko sabay cut sa tawag ni Claire sa cellphone ko.

Niyakap ko ang mga librong hawak hawak ko at sabay humarap sa lalaking sumigaw sa likuran ko.

"Hey you're here!" wika ko sabay ngiti sa kanya

"tsk"bulalas lang niya na nakapamulsa ang mga kamay sa pantalon niya. Ang lakas ng loob niyang pumasok sa teritoryo ko kasama ang mga kaibigan niya. Aba at hindi pala siya sumusugod ng mag isa!

"Nahanap din kita!" dugtong niya. Ngayon magkaharap na talaga kami ng face to face. Taas noo ko siyang hinarap kahit mag isa lang ako. Bigla nalang nag kumpulan ang mga stujante sa paligid namin na tila nag aabang ng mga susunod na pangyayare. Tila naguusap ang mga mata naming dalawa. Mga matang nanlilisik na ang tingin sa bawat isa. Mga matang mababasahan mo ng galit, pagkamunghi at sama ng loob sa mga matang katitigan nito. Nakatingin lang kami sa isa't isa at nag aantay ng susunod na lalabas sa mga bibig namin.

"Oh Seb!" wika nung lalaking kasama ni Sebastian Montereal at sabay abot ng isang litrong tubig sa kanya. Kinuha naman ito ng binata, napapikit ako bigla dahil alam ko na ang mangyayare, bubuksan niya iyon at ibubuhos sa akin bilang ganti sa ginawa ko kanya. I am prepared for this scene. At hindi ko ibibigay sa kanya ang satisfactionna gusto niyang ipakita ko sa kanya sa pagpunta niya dito. Pero iba sa inaasahan ko ang nangyare!

Nagulat ako ng hawakan niya ang chin ko sabay hinalikan ang mga labi ko.

He kissed me.

Saglit lang ito pero ramdam na ramdam ko ang mga labi niya sa labi ko!

"OWW" sigaw ng mga taong nakatingin sa amin at nanonood. Nakita ko din si Claire na gulat na gulat sa nangyare. Sa ginawang paghalik ng lalaking ito.

I was frozen from his kiss at gulat din sa ginawa niyang iyon.

"Sorry for the last time sa mall Beb" wika niya sabay ngiti sa akin.

He called me what? Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. What's he playing at? Anong trip ng lalaking ito?

Tinalikuran na niya ako at ang mga barkada niya ay nagsitawanan na sumusunod sa kanya. Naiwan pa din akong nakatayo sa gitna at damang dama ko pa din ang mga mata ng mga taong nakatingin sa akin na gulat na gulat din sa nangyare. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking ito at bigla niyang ginawa iyon. But one thing is for sure, he wants a game, then let's play.

"Wait!" sigaw ko sa kanila at tumigil naman ang mga ito sabay lingon sa akin. Maski si Montereal ay lumingon. Naglakad ako patungo sa kanya saka ko siya hinatak sa kwelyo niya at hinalikan sa labi niya. Halatang nagulat siya sa halik ko at sa ginawa kong iyon maski ang mga kaibigan niya. Binitiwan ko siya sabay sabing "Your forgiven beb!" at saka ako nag lakad ng mabilis palayo sa kanila at unti unting tumakbo.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat sa ginawa kong paghalik sa kanya! Isama muna ang mga chismosa at chismosong mga students na nakatingin sa amin at ang mga kaibigan niyang nagtawanan nanaman nung paalis na ako.

-------------------