webnovel

Chapter 3

Tiffany's POV

"Now that's a bad idea Tiffany!" Wika ni Claire. Nandito kami ngayon sa coffee shop outside school kasi hindi ko nagugustuhan ang mga inquisitive look from my schoolmates na siguro hindi pa din nakaka move on sa nangyare sa amin Sebastian Montereal nung nakaraang araw na sugurin niya ako at halikan ako at sa bandang huli sumakay ako sa palabas niya at hinalikan ko din siya. He wants a game then I will surely give him a well-played one.

"It's not! Besides siya ang nagsimula nito!" sagot ko kay Claire sabay higop ng mainit init na Chocolate Mocha na inorder ko. Samantalang si Claire still hysterical sa mga planong inilatag ko sa kanya laban kay Sebastian Montereal.

Claire still cannot believe na sinakyan ko ang paghalik niya sa akin sa campus nung na araw sinugod ako ni Sebastian. Masyadong high tech na ata talaga ang chismis ngayon at nag-trending nanaman ang eksena na nangyare sa campus noong isang araw sa pagitan namin. May isang anonymous uploader nanaman ang nag upload ng video namin ni Sebastian at sumakay naman ang mga tao sa palabas naming ito. I read the comment section lahat sila halos paniwalang paniwala na kami nga talaga at totoong magkasintahan kami. Sa akin wala namang problema dahil una sa lahat wala akong boyfriend and I wish may girlfriend si Sebastian para naman mas exciting pa ang larong sinimulan niya, at least on that part masasabi kong naka bawi na ako sa kanya by destroying his image sa babaeng mahal niya. And to make the game more exciting I am planning some more revenge for him. Hinding hindi ko papalampasin ang ginawa niyang pagsugod sa school namin at ipahiya ako.

"Oh asan na yung boyfriend mo?" tanong ko kay Claire na busy sa cellphone niya.

"Nagpapark na daw siya. Kung ako sayo best friend hindi kuna itutuloy ang plano ko." Ismid niya sa akin.

"Best friend okay lang ako! And everything will fall sa plano ko okay?" sabay ngiti ko sa kanya para mawala na ang mga agam-agam na nararamdaman niya ngayon.

At dumating na nga ang taong inaantay namin ngayon walang iba kundi ang boyfriend ni Claire na si Leo. Ayaw ko mang makita ang lalaking ito pero I need him to fish information for my game plan. Ka schoolmate lang naman niya si Sebastian Montereal sa Yang Te University and that's what makes him useful.

"Hi Babe!" bati ni Claire sa kanya sabay halik sa pisngi.

'Hi babe! Hi Tiffany!" bati nito sabay inalalayan na niya si Claire pabalik sa upuan nito at umupo na din sa harapan ko.

"Hi Leo! Kamusta?" bati ko naman sa kanya.

Ngitian naman niya ako sabay sabing "Hindi ko alam girlfriend ka pala ni Sebastian Montereal!" wika naman niya sa akin.

"Oh! I guess you already watched the trending videos of us hmm." Sagot ko sa kanya.

"Yes, and usap usapan sa school namin ngayon ang nangyare sainyo. Mas madame ngang nakakatangap ng death notes ngayon mula sa grupo nila kesa nong dati" bulalas nito habang ka holding hands naman itong si Claire.

"Death Notes? What's that?" tanong ko. I got interested with that death notes thingy. Mukang may naiisip na akong first plan sa game ko.

"Ah yan yung mga binibigay nila sa mga students na ayaw nila or gusto nilang pagtripan sa school. Once naka received ka ng ganun humanda kana hindi kana titigilan ng mga alipores ni Sebastian at magiging magulo na ang buhay mo sa campus.!" Bulalas nito.

"Oh is that so? What a bully!" sabay higop ng kape ko.

"So notorious pala talaga siya babe?" asked Claire

"Yes babe! Oh by the way gusto mo daw akong makausap Tiffany?" Asked Leo

"Give me information about Sebastian Montereal, gusto kong magkwento ka!" utos ko.

"Ahmp, wala naman akong ganung alam na personal sa kanya, general info lang naman." Wika ni Leo

"Like what?" tanong ko.

"Untouchable siya sa school, sila nung apat pa niyang kaibigan. Parents nila ang may malalaking shares ng school, so sa kanila ang school. Tapos ang family nila isa sa top 10 families na mayayaman sa Asia at heir siya ng kompanya nila kaya naka influencial nila!" mahabang mahayag ni Leo

"Parang ikaw lang best friend!" wika naman ni Claire

"Hah? Parang ikaw?" sabay lingon ni Leo sa akin

"Oo! Sila Tiffa ang may ari ng school, biggest stock holder and Lolo niya dito, untouchable din sa school at nasa top families din sila.! So ka level mo pala talaga siya Tiffa.!" Bulalas ni Claire

"Wow! Magka level talaga kayo? Pero ang sama ng ugali nun pano mo siya nagustuhan?" tanong ni Leo

"Masama ugali? Pano mo naman nasabi?" tanong ko din sa kanya na mas nagkakaroon ng magandang planong tumatakbo sa isipan ko laban kay Sebastian Montereal.

"Yun nga mga namimigay ng death notes sa school. Mainitin ang ulo ganun." Wika ni Leo

"Anong itsura ng death note nila?" busisa ko ke Leo

Naghanap si Leo ng sample ng death notes nila Montereal. Habang ako nag pla-plano na nang isang matinding eksenang kasunod laban sa fake kong boyfriend.

"Oh! Ito pala yun. Sige salamat sa information Leo. Maiwan ko muna kayo ni Claire." I kissed Claire good bye at saka umalis sa Coffee Shop.

Dumiretso ako sa dorm at nagbukas ng computer, konting research nalang and I have my well prepared plan on my mind already.

"You dolled up for this ha" wika ni Claire sa akin habang pinagmamasdan akong palabas ng dorm room namin.

"Op course! let the game begin!" wika ko sabay labas tuluyan sa room namin. Narinig ko pa ang sinabi ni Claire na "Oh no!". I really dolled up especially for this day, I'm wearing vibrant yellow sundress paired with my white sneakers, a little bit make up on and shades to match everything.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko umalis agad ako sa school at nagtungo sa school nila Sebastian Montereal. Dumiretso ako sa parking lot at nagtanong -tanong kung nasan ang kotse ni Sebastian. Gamit ang natatangi kong charm sa isang lalaking nakasalubong ko sa campus nila nagpasama ako ritong hanapin ang kotse Montereal. Madali lang naming nahanap ang kotse niya dahil iyon lang ang isa sa tatlong sports car na naka park sa parking nila. Isang Itim na Ferrari ang kay Sebastian at talaga nga namang tunay ngang anak mayaman ang lalaking iyon.

"Salamat sa tulong, pwede muna akong iwanan dito." Sabay ngitian ko siya.

"Ganun ganun lang yun Miss? Wala bang ibang pakonswelo jan?" tanong nito na tila alam kong hindi na maganda ang kakahantungan. Sumandal ako sa kotse ni Montereal tinangal ang shades ko sabay ngitian siya.

"Oh by the way nakalimutan kong magpakilala sayo, I'm Tiffany Marquez Sebastian's girlfriend. Nandito ako para I surprise siya!" wika ko sa kanya sabay abot ng kamay ko for a hand shake.

Biglang nanlaki ang mga mata nito at saka tumalikod at kumaripas ng takbo palayo sa sa akin. "Ops, namukaan kaya niya ako?" wika ko sabay pagpag ng kamay ko. Siguro isa siya sa mga taong nakapanood ng mga trending videos namin ni Montereal kaya siguro kumaripas yun ng takbo palayo sa akin. Nagmasid masid muna ako sa paligid at saktong wala namang ibang tao dun ay saka ko nilabas ang sarili kong gawang death note na kagayang kagaya sa death note nila Sebastian na ipinakita ni Leo sa akin nung isang araw ngunit iniba ko lang ang nakasulat "Let the game begin! Play fair Beb! Love: Tiffany Marquez" iyan ang mga katagang nakasulat sa sarili kong death note, nilagyan ko din ng skull picture, isang ekis at isang heart shape ito. Dinikit ko ang papel gamit ang double Sided tape sa driver's window side ng kotse niya. Naniguro akong idinikit ko ito ng maayos upang dumikit ng husto ang tape at maiwanan ng bakas ang maganda niyang kotse.

Napangiti ako ng makita kong ang ganda ng dikit ng death note ko sa kotse ni Sebastian. Nagpasya akong maglakad lakad muna sa loob ng school nila. Napakalaki at napaka ganda din ng school nila. Naalala kong ito nga pala ang kalabang school ng Flinn University kung saan ako nag aaral. Pinagtitinginan ako ng mga students sa loob ng school nila at ang iba sa kanila kanina ay kilala ako may naringgan pa akong sinabing "Si Tiffany Marquez yan diba?" "Diba tiga Flinn University yan?" "Diba ikaw yung girlfriend ni Seb?" tanong nung babaeng nakaharang na sa daraanan ko.

Apat na babae ang humarang sa daraanan ko, yung nagtanong na babae sa akin muka naman din silang nakaka-angat din sa buhay ganun din ang mga kasama nito, napaghahalataan naman kasi sa mga kasuotan at gamit nilang mamahalin din ang itsura. At natitiyak ko din namang kagaya ng school namin hindi ka din basta basta makakapag enroll dito sa Ying Te University dahil sa mahal na tuition fee. Nakapamewang ang babaeng nagtanong sa akin at nag aantay ng sagot ko.

"Seb? Oh! So your pertaining to Sebastian Montereal right?" sabay tinignan ko siya mula ulo hangang paa at tinangal ko ang shades ko to look more like nangaasar at mang-iintriga sa kanya. Nakita ko namang umismid ang mga kasama netong babae sa akin.

"Oh yes op course he's my boyfriend. Have you seen him?" sabay lagay ng shades ko sa bag ko at saka nangiti sa kanila.

"Nasa canteen siya mainit nanaman ang ulo, kung ako sayo hindi na ako magpapakita sa kanya!" pairap namang sagot nung babae na nasa kanan nila.

"Where's the canteen?" casual kong tanong sabay lingon lingon sa paligid ko. Nagtinginan yung mga babaeng humarang sa akin na tila ayaw pa sagutin ang tanong ko.

"I said where's the canteen?" madiing wika ko emphasizing every word and looking fiercely as possible. The girls went frozen at tila wala pa ding balak sagutin ako. Napalingon ako sa mga nakiki intriga na ibang students sa amin at sa kanila ako nagtanong "Where's the canteen?" tanong ko sa lalaking nakatayo malapit sa akin

"Go straight then left." Sagot nito sabay umalis agad. Tila natatakot mamukahan ng mga kapwa niya students na siya ang nagsabi kung nasaan ang canteen nila.

"Thanks!" wika ko naman at saka dumaan sa gitna nung mga babaeng humarang sa akin. Binanga ko sila intentionally para makadaan.

"Oh! By the way don't be trying hard to look rich by buying fake Prada bag" wika ko sa babaeng nasa gitna na nagtanong kanina. Nanlaki ang mga mata nito sa akin at ng mga kaibigan niya. Maririnig mo ding nagsimulang mag bulongan ang mga tao na nakiki intriga sa amin about sa sinabi ko sa babae.

"How dare you say that!" wika nito while her face turn red sabay hipo sa bag niya.

Ngumiti ako sa kanya "Was that a Class A or a super high class replica?" saka ako dumiretso sa paglalakad ko at halos hindi kuna inintindi ang mga lumabas sa bunganga ng mga babaeng iyon.

Pagpasok ko sa canteen nakita ko agad na medjo may eksenang nagaganap dito. May isang lalaki ang naka luhod sa gitna ng canteen, nakatali ang mga kamay at may plakang "huwag tularan" na nakasabit sa leeg nito. Halos pinatitinginan na siya lahat ng mga tao sa canteen ngunit ni isa sa mga ito ay walang tumulong or nagtatangka man lang na tulungan siya, may narinig ako sa di kalayuan na nagsabing "Hindi niya kasi pinagbigyan sila Seb na makasingit sa pila kanina sa dessert table" wika nung isang babae habang kinukwento iyon sa mga ka-table niya.

Dito na nagpintig ang mga tenga ko sa narinig ko. What a childish! Napaka babaw naman ata masyado ni Sebastian Montereal para gawin iyon sa lalaking muka pang freshman na pinaluhod nila sa harapan. Dumiretso ako sa kinaroroonan ng lalaking nakaluhod. Lumuhod ako sa harapan niya at saka unti-unting tinangal ang tali sa mga kamay nito, saka ko sinunod tinangal ang plakang nakasabit sa leeg niya. Gulat na gulat yung lalaki sa ginagawa ko sa kanya at mababasa mo sa kanyang mga mata na ayaw pa niyang ipatangal ito sa akin o mas masasabi mong mababasahan mo ang mga mata niya giving me warning to stop helping him at bago ko pa masabi ang mga salitang "umalis kana" sa lalaking pinakawalan ko may mga lalaking dumating at kitang kita ko ang mga anino nila galing sa likuran ko.

"At sinong may sabi sayong pakialaman mo yan?" napangisi ako ng marinig ko ang aroganteng tono ng boses na nagsalitang lalaki sa likuran ko. Nakangiti akong tumayo at hinarap si Sebastian Montereal. Gulat gulat ang itsura nito ng makita niya ako.

"Hi beb!" bati ko sa kanya sabay lapit at hinalikan sa labi nito.

Kitang kita kong bigla siyang namula sa ginawa kong paghalik sa kanya.

"UYYY" wika naman ng mga kaibigan niyang nakatayo sa likuran niya.

Bigla naman akong kinaladkad sa kamay ni Seb palabas ng canteen.

"ALIS!" sigaw niya sa mga mangilan ngilang tao sa paligid. "Ano to ah?" tanong niya sa akin ng makita niyang wala ng tao sa paligid namin.

"Ouch!" bulalas ko sabay tingin sa kamay ko na hawak hawak pa din niya. Pero sa laking gulat ko mas hinatak pa niya to paangat at inulit ang tanong niya "Ano to ah? Anong ginagawa mo dito?" aroganteng tanong niya sa akin.

"Let go of my hands!" wika ko na nagpupumiglas sa madiin niyang hawak. Pero mas inangat pa niya ito. Hindi na ako nakapagpigil pa at nanlaban na talaga ako. "Sinabi ng let go of my hands eh!" pagkasabi ko nito ay agad ko siyang sinuntok ng kaliwang kamay ko agad naman niyang nabitawan ang kamay ko.

"What the heck was that?" wika nito sabay hawak sa kamay niya.

"Heck your face! Sa susunod wag na wag mong kakaladkarin ng ganun kundi hindi lang yan ang aabutin mo!" wika ko dito habang hawak hawak ang namumula kong kamay na nabawi ko sa kanya kanina.

"At sino ka para saktan ako at panghimasukan ako huh!" wika nito habang pasugod na sa akin, akma na niya sana akong sasampalin o susuntukin din ngunit naunahan kong sipain ang kamay nito sabay sunod ng sipa sa private part niya! Napa "Aww" nalang siya ng sigaw at bumagsak na mukang namilipit ata sa sakit ng huling sipa ko sa kanya.

Lumuhod ako sa harap niya sabay hatak ng tenga niya habang siya ay namimilipit ng sakit at sinabi sa kanyang "Now you listen carefully Sebastian Montereal! You messed with the wrong girl! So now let the game begin!" binitawan ko siya saka naglakad papalayo!

"Hoy Tiffany Marquez hindi pa tayo tapos bumalik ka dito! Pag babayaran mo to!" sigaw niya

"Take care beb!" sabay winked ko kanya at saka ako nagmamadaling tumakbo palabas ng school nila.

Hingal na hingal na ako dahil sa napakalayo ng tinakbo ko, malapit na ako sa exit ng biglang may humintong kotse sa harapan ko at nagbukas ng window sabay sabing "Tiffa get in the car!"

Namukahan ko ang lalaking tumawag sa akin, walang iba kundi Stephen. Ang kaibigan namin ni Claire nung high school pa kami. Agad agad ko namang binuksan ang pintuan ng kotse niya at sumakay. "lets get out of here Stephen please!" I pleaded at saka naman ako napalingon sa likuran ko at natanaw ko ang mga sports car nila Montereal, nakita ko siyang tinatangal ang death note na nilagay ko sabay sipa sa kotse nito.

Huh! Buti nga sayo. Sobra akong natuwa sa mga pangyayare ngayong araw na to. Masasabi kong quits na kami sa ginawa ko sa kanya kanina. Kitang kita ko ang mga nang gigil niyang mata, ang galit na nakapinta sa kanyang mukha sa mga oras na iyon and that gives me a satisfaction.

_________________