webnovel

Chapter 1

Tiffany's POV

"Ano na Claire matagal kapa ba jan?" Kanina pa kasi sa dressing room itong si Claire! Panong hindi magtatagal yan eh ang daming damit ang dinala doon at pinagsusukat!

Si Claire nga pala bestfriend ko since elementary. Siya na din ang dormate ko ngayon sa University na pinapasukan namin. Nag aya kasi sa mall itong si Claire kaninang umaga pagka gising na pagka gising palang namin at since wala naman akong lakad today hindi na ako nakatangi sa kanya.

Bumukas ang pinto ng dressing room after thousands of years kong nag antay sa kanya! Yes! Ganun siya katagal sa dressing room. Lumabas si Claire na malungkot ang mukha.

"Oh anong nangyari sayo?" napalingon kong tanong sa kanya

"Wala akong type sa mga to, yung iba hindi ko kasya" she pouted at dumiretso sa istante ng mga damit sabay bagsak ng mga hawak niya.

Bigla akong napatigil sa pag browse ko ng cellphone ko at hinarap siya.

"Ibang klase ka talagang babae ka! Pinagsusukat mo sabay sasabihin mong wala kang type? Bakit mo pa kinuha? Pakatagal mo doon tapos wala ka pang napili?" mahabang tanong ko sa kanya sabay batok sa ulo nito.

"Aray Tiffa ah! Ang sakit nun!" sabay kamot niya sa ulo niya

"Nagugutom na ako! At dahil pinagantay mo ako ikaw manlilibre sa akin!" pinulupot ko na sa mga braso niya ang kamay ko at kinaladkad kuna siya palabas ng boutique.

"Oh siya tara nang hindi na uminit yang ulo mo!" wika niya.

Nagtungo kami sa paborito naming fast food restaurant. Umorder ng mga pang karaniwang pagkaing palagi naming inoorder sa tuwing mag aaya sa labas si Claire na kumain sa pag ayaw niya ng mga nakahaing pagkain sa mess hall ng dorm.

"Tiffa magkikita pala kami ni Leo after this." Wika ni Claire na nag re-retouched nang make up niya.

"Yung bago mong laruan?" tanong ko sabay subo ng fries

"Grabe naman Tiffany maka laruan ka naman!" bulalas nito habang inaayos ang kilay niya.

"2 to 3 months wala na kayo niyan." Wika ko

Nanlaki ang mga mata niya sa akin at natigil bigla sa ginagawa niya.

"Hoy! Tiffany grabe ka! Anong akala mo sa akin salawahan?" sabay tutok nito sa mukha ko ng lapis niyang pang drawing sa kilay niya.

"Hindi ba? Haha" isang mapang inis na ngiti ang ginanti ko sa kanya.

"Ay iba ka! Best friend ba talaga tayo hah!" sabay kurot niya sa akin

"Wag ka ngang mamisikal! Masakit ah!"

Paano ba kasing hindi mo huhulaan ng ganung kaiksi ang life span ng love story nitong si Claire eh masyadong play girl lang naman to! Pa iba-iba ng boyfriend at wala namang sineseryo ni isa.

"Oh siya maiwan na kita! Nanjan na daw siya sa may tapat ng mall." Sabay ligpit niya ng make pouch niya.

"Ano ba yan iiwanan mo nanaman ako para sa lalaki mo" ismid ko sa kanya

"Haha, hanap kana din kasi ng lalaki mo best friend para naman may nakakasama ka sa tuwing naiiwanan kita" wika niya habang nakatayo na at papaalis nang pwesto namin.

"Umalis kana nga! Naaalibadbaran na ako sayo!" wika ko sa kanya dahil ayaw ko ng marinig ang mga lalabas pa sa bibig niya. Alam kuna kasi san papatungo ang usapan naming ito.

"Ba-bye best friend!" pakaway kaway pa siya na palabas sa fastfood restaurant

Namalagi muna ako ng konti bago ako umalis sa restaurant at saka nag pasyang maglakad lakad muna dala ang natira kong soft drinks bago bumalik sa dorm.

Naglakad lakad ako hangang sa…

*Booughss

Nabuhos ang dala kong soft drinks sa damit ng lalaking nakasalubong ko!

Lagot kana Tiffa!

"Sh*t!" bulalas nung lalaki habang hawak ang t-shirt niyang nabuhusan ko ng drinks. Galit ang mukha nung lalaki at tumingin siya sa akin ng masama.

"I'm sorry!" wika ko sa kanya. Nagulat din ako biglaang nangyare at hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Isama mo pa ang mga nanlilisk na mga mata nung lalaki para sa akin.

"Sorry? Tanga kaba? O bulag?" Gitgit niya papalapit sa akin na tipong hahampasin na ako sa awra niya ngayon.

"Sorry na nga, hindi ko naman sinasadja." Bulalas ko habang pinupulot yung baso ng drinks kong nabuhos lahat ang laman. Iyon nalang ang ginawa ko para maibaling ko sa iba ang tingin ko at maiwas sa mga matatalim niyang tingin.

"Ano pang magagawa ng sorry mo huh!" sabay wika nito habang ipinapamukha sa akin ang t-shirt niyang nabasa at may mansya ng soft drinks kong nabuhos sa kanya.

"Hindi ko sinsadya" Ulit ko ulit. Nakayuko na ako sa kanya, nagbabasakalaing sana tangapin niya na ang paumanhin ko dahil nakakatakot na ang itsura niya.

"Tanga-tanga ka kasi! Tsk" bulalas nito.

Ano daw? Tinawag niya akong tanga? Pangalawang beses na yan! Unti-Unti ng nawawala ang takot ko sa mga nanlilisik niyang mga mata ng marinig ko ang itinawag niya ulit sa akin.

"Aksidente nga diba?" ismid ko sa kanyang may kasama ng sarcasm

Tumingin siya sa akin na naka galit na ang mukha, yung tipong nagulat na sa sinabi ko.

"Tsk. Aksidente ang tawag mo dito?" sabay turo sa basa niyang damit habang nakatingin siya sa akin na animoy mangangain na sagalit.

Pinagtitinginan na kami ng mga taong nadadaan sa amin at dahil hindi na ako nakapag pigil sa tabas ng dila nito kasama ng mga nanlilisik niyang mata patungo sa akin ay pinatulan kuna siya.

"Aba nagpapakumbaba na nga eh! Alam mo ba ang pagkakaiba ng aksidente sa sinasadja?" Kinuha ko angv tumbler ko sa bag ko at saka bunksan ito sabay buhos sa ulo niya.

"SH*T!" Gulat na sigaw niya na napataas ang mga kamay sa ere na nakatingin sa akin.

"See the difference? Yung soft drinks kanina ganun ang aksindente! Yang tubig yan ang sinsadja! Gets?" pagkasabi ko nito'y agad ko naman siyang tinalikuran. Doon ko lang napansin na may mga kasama pala siyang mga lalaki na tila'y mga kaibigan niya. Bigla kasi silang napasigaw ng "Uyyy" sabay tawanan pagkatapos kong buhusan yung lalaking nakabangaan ko kanina.

"HOY BUMALIK KA NGA DITO! PAGBABAYARAN MO TO!"

Narinig kong sigaw nung lalaki. Pagkarinig ko nito agad akong kumaripas ng takbo sa mall upang magtago sa lalaki at sa mga kaibigan niya. Biglang nag flash sa akin ang mga nanlilisik na mga mata nito at mas binilisan ko pa ang takbo ko.

Hindi kuna tinuloy pa ang plano kong mag ikot-ikot pa sa mall at dumaan sa bookstore dahil natatakot akong baka magtagpo pa ang landas namin nung lalaking nakabunguan ko kaya agad agad nalang akong umuwe sa dorm.

Pagdating ko sa campus halos wala kang makikitang mga estudyanteng nagkalat sa paligid siguro ay dahil Lingo at lahat nauwe sa kani-kanilang mga bahay. May mangilan ngilan namang mga players ang matatanaw mo sa field na nag eensayo sa kani kanilang mga sports.

Dumiretso ako sa dorm, at nakita ko ang dorm guard naming si Ate Gina na napaka lawak nang ngiting bumabati sa akin kahit medyo malayo layo pa ako.

"Goodafternoon Miss Tiffany!" bati niya ng tuluyan na akong makarating sa dorm. Parati talagang masigla itong si Ate Gina sa tuwing magkikita kami.

"Good afternoon din Ate Gina!" Nginitian ko din ito sabay akyat sa kwarto namin ni Claire.

Pag dating ko sa kwarto naming tumambad ang makalat at magulo naming kama at magkabilaang study table na akalin mong puno ng magkakahalong papel at balat ng mga pinagkainan namin ni Claire.

"Tsk." Ito nalang ang nasabi ko sabay bagsak ng mga gamit ko at nagsimula ng magayos sa kwarto bago pa dumating si Claire.

Habang naglilinis ako nag fla-flashback pa din sa memorya ko ang insidente kanina sa mall at ang mga nalilisik na mga mata ng lalaking nakabunguan ko at natapunan ko ng soft drinks.

"Sana hindi kuna siya makita ulit" bigla ko nalang nasabi sa sarili ko at nagpatuloy sa pag aayos ng kwarto namin.

Teen/adult fiction that will entertain readers and make them fall inlove.

KiraValentinecreators' thoughts