webnovel

Chapter 7

Jacey

Nandito ako ngayon sa may garden ng school, nasa bandang likod ito kaya medyo tago. Dito na ako tumambay mula kanina nung umalis ako after class ni prof bald-headed, yeah kalbo kasi siya tssh and I don't even know his name and I don't want to know either. Masyado siyang kampante na mahihirapan ako sa binigay niya eh isang tingin ko palang alam ko na agad yung sagot tssh, not that I'm bragging but it's just that nasanay na ako sa dati kong school na advance lahat ng tinuturo sa amin.

Sakto lang kasi na 2nd semester na ako trinansfer ni dad dito, unting tiis nalang, 3rd year na ko next year. Tssh another 2 years of hell pa, I'm not referring to the school kasi easy lang naman sakin tsk, pero yung mga masasamang espiritu lang na makakasagupa ko ang problema tssh.

"What's up, my handsome gorgeous prima!" masayang bati niya mula sa likod ko at agad naman siyang umupo sa tabi ko.

Tssh, speaking of the Devil Jerkhole

"Hey, balita ko dito ka na daw trinansfer ni tito Roman ha" tssh, I just gave him a bored look.

"Kaya nga nandito ako diba ano tingin mo sakin lumilibot lang?" walang gana kong sagot sa kanya.

2nd year Accountancy Student siya and guess what, kaklase niya si Kaycee. Hindi ko nga alam kung bakit Accountancy pa kinuha niya kung pwede namang Business Ad. nalang din tssh. Sabagay meron kasi siyang panganay na Ate na ngayon ay kasama na din nila tito sa company nila.

"Haha sa wakas may kasama na din akong mangchix"  pabirong sabi niya tsk

"Wag mo nga akong idamay sa mga kalokohan mo tssh" inis na sabi ko tssh.

"Sabagay, hindi mo na pala kailangan pang ipromote yang mukha mo. Tsk, you don't have any idea prima, all the girls out there was talking about you! that girl in a hoodie is freaking handsome, that girl with a bonnet was so duper gorgeous, that girl is—" tssk that's too much for a nonsense gossip.

"Enough primo, I don't have any interest about that tssh. Bakit ka ba kasi nandito?" inis na tanong ko sakanya habang nakakunot ang noo ko sakanya.

"Fine prima, whatever you say. Hmm well vacant namin ngayon and alam mo naman na mahilig akong maglakad lakad to catch some pretty ladies out—" tsk wth, kailangan talaga detailed pa pati kalokohan niya tssh.

"What I'm asking is just why are you here? bakit ang dami mo pang sinasabi?" walang emosyon na sagot ko sa kanya na ikinangiwi naman niya.

"Tsk fine prima, just chill ok. I'm just here to get my you know, yung pinapa answer ko sayo nung saturday, diba sabi mo ikaw na bahala dun?" hmm, sabi ko na nga ba tssh, ang lakas kumuha ng Accountancy pero tamad ding mag aral tsk!

"Oh... I'm afraid, I'm not" seryosong sabi ko sakanya. Ang totoo niyan tapos ko na talaga tsk, nung Sunday ko yun ginawa, nung nasa mood na ako.

"What do you mean prima?... wag mong sabihing nakalimutan mo?" alalang tanong niya, Tsk! let's see if I can make you cry.

"I guess?" sabi ko na siyang ikinalungkot niya.

"Shit! No way Prima, that is our Special Quiz in my major class!" sabi niya sabay tayo habang nakasabunot siya sa ulo niya. Tsk poor Marcus.

"I'm sorry primo, I just forgot coz kakagaling ko lang noon kela dad kaya hindi ako makapag focus... I'm sorry Marcus" sabi ko sa kanya, syempre may kasamang pag arte.

"Oh my god Jacey, that can't be, mamaya na namin ipapasa yun!what I'm gonna do Prima, Shit!" sabi niya habang kamot kamot ang ulo niya. Tssh pag sa pambababae topnotcher siya pero sa pag aaral tsk Ibagsak na yan!

Tinignan ko lang siya habang patuloy padin sa pagmumukmok tssh, come on primo, Cry! Cry!

"Shit! Shit! Shit!" sambit niya habang pabalik balik sa paglalakad. Tsk, ano ba yan di naman ata iiyak to tssh.

"Get it in my bag" bored na sabi ko. Agad naman siyang napalingon sakin, tssh muntik na sayang, medyo namumula na kasi mata niya HAHA.

"What? are you serious?" tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Just get that goddamn papers if you dont want me to ripped that off into pieces" sabi ko saka agad naman niyang kinuha sa bag ko.

"Oh god, is this real? how did you answer it so quickly?" tanong habang iniiscan yung papel.

"It took me 5 hours for that" bored na sagot ko at agad naman siyang napatingin sakin.

"SHUT UP! are you serious? it contains 50 fucking questions Prima!" Tanong niya nang di makapaniwala sakin.

"Do you think I'm joking?" taas kilay na tanong ko sakanya. Tsk! that is just a piece of candy! like that old bald-headed, he's just a piece of squid ball tssh.

"No fucking way! you're really a beast Prima! even the top 1 in our class did this for 3 days at ayun na yung pinaka mabilis sa amin and week ang ibinigay sa amin para dito." hmm, he's referring to Kaycee, lagi siyang nasa top kaya ayun...

Naalala ko kanina nung papunta ako dito, habang nasa hallway ako ay nakita ko sila sa labas ng building ni Lucas na magkayakap. Hmm they so happy with each other, I can't deny na masakit pa din sakin but then pinagsawalang bahala ko nalang tssh.

Tinignan ko ang oras sa relo ko, tapos na pala yung 2nd sub namin, alam ko namang wala yung prof namin sa 2nd sub kaya hindi na ako bumalik kanina, well I have my ways tssh.

"Whatever primo" sabi ko saka mabilis na kinuha ang bag ko saka tumayo. Babalik na akong room dahil dun nalang ako matutulog, tsk istorbo kasi itong isang to tssh. Hindi kasi ako gaano nakatulog kagabi dahil madami akong iniisip tsk.

"Where are you going prima, tara lunch na tayo, I'll treat you as my thank you for this hehe." masayang alok niya sakin, tssh alam naman niyang ayaw ko sa maraming tao tsk.

"Nah, next time nalang primo, gusto ko nang bumalik sa room para matulog dahil inistorbo mo ko. And you know naman that I hate crowded people diba" sabi ko saka nagsimulang maglakad paalis at agad naman siyang sumunod sakin.

"Fine prima, but Thank you talaga for this! you're an angel talaga na ibinaba ng langit haha" pabirong sabi niya habang patuloy kami sa paglalakad.

"Yeah, and you're an Evil Jerkass primo na dapat ay nililibing sa lupa" ganting sagot ko habang umiiling sakanya.

"Tsk, whatever prima, so how was the first day then? I'm sure madami na namang baliw sayo lalo nga mga kaklase mo haha, I know you can't deny it prima, I know you!" tsk kulit din talaga ng itlog nito eh tssh.

"Fine primo, but I don't care about them ok, they are just a pain in the Ass. Unlike yours na sayang saya ka pag may nakakapansin sayo tssh" sabi ko habang sinuksok ko ang isang kamay ko sa bulsa ng pants ko.

"Oh, you can't blame me about that prima, you know your Primo is just—woooow" may nakasalubong kaming babae kaya agad namang naglakad patalikod itong unggoy na kasama ko tsk "Nice Ass! Pretty!" sigaw niya sa babae na hinarap naman siya at tinignan ng malagkit. "Binggo!" mayabang na sabi niya saka naglakad na paharap tsk napailing nalang ako. "You're really a womanizer primo" nagkibit balikat nalang siya, tsk!

Maya maya naman ay pumasok sa isip ko yung Dean kanina tsk, that woman really creeps me out tssh.

"Btw Primo, did you know Mrs. Salcedo?" taking tanong ko sakanya.

"Do you mean the Dean? Of course Prima, everyone knows that sexy and hot momma, but she's really a strict and intimidating woman so those jerk hole out there are avoiding her, even Cedrick. He tried to flirt with her once but then it turns out failed, nagalit yung Dean sakanya kaya nireport siya sa daddy niyo. Bakit mo natanong?" Hmmm, strict and intimidating huh?...

"Siya yung nagsukat sakin kanina para sa uniforms ko, and lahat ng sinabi mo about sakanya ay salungat" matamlay na sabi ko na ikinagulat naman niya.

"Wait what?! NO way prima! Yung secretary niya yung taga sukat doon at never namang umaabsent yun. Tsk you're really eccentric prima, biruin mo pati si Mrs. Salcedo nadali mo, I really admire you, prima. Sana akin nalang yung itsura mo tsk" WTF! Tapos ano yung mukha niya ipapalit sakin tsk! NO WAY!

"Nah, just accept the fact that the word HANDSOME doesn't exist on you Primo." Sabi ko habang diretso lang ang tingin habang nakangisi.

"Tsk, whatever you say prima, atlis Malaki din naman alaga ko, you wanna see it?" mapagbirong tanong ng unggoy na to tsk! Sinamaan ko lang siya ng tingin, as if namang mas Malaki sakanya eh walang wala naman yan sakin... tssh that's a private matter tsk.

"I'm just kidding prima, I'm gonna zip my gorgeous lips now" pagsukong sabi niya, tsk you call that a Gorgeous? Tssh Grosss!

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad   at maya maya ay nakasalubong namin sila Candice kasama yung mga alagad niya.

"Oops, there's the devil witch again" sabi ni Marcus habang nakangisi, tsk hindi ko alam kung may nilalandi na naman sa isa mga alagad ni Candice ang isang to eh tsk.

"Hey there handsome" malanding bati ni Candice tssh napairap nalang ako. "Are you talking to me cousin?" agad namang sabat ni Primo. "I'm not referring to you Marcus, so wag kang sumabat jan" mataray na sagot naman ni Candice sakanya.

Maglalakad na sana ako ng bigla siyang humarang sakin. Tsk! what's this devil bitch want this time!

"Its good to see you here babe, makikita na kita araw araw" malanding sabi niya sakin sabay lapag ng kamay niya sa bandang chest ko. I just clenched my jaw and stare at her eyes.

"Get off your filthy hands on me Candice, or else" malamig na sabi ko sakanya kaya agad naman siyang bumitaw pero walang bahid ng takot ang mukha niya.

"Fine babe, you're really hot when your Angry, hmm see yah next time" sabi niya sabay bato ng flying kiss, Tsk! Disgusting! "Let's go girls" agad namang sumunod yung mga alipores niya. Etong kasama ko naman ayun sumipol lang tssh.

"Hindi talaga titigil yang si Candice sayo noh, god she's really crazy abou you Prima." sabi ni Primo, tsk sinabi mo pa. Ayoko din namang sabihin siya kay dad tssh dagdag gulo lang tsk.

"Ikaw umalis ka na din kung ayaw mong ibaon kita sa lupa. Tssh, gusto ko nang matulog" nakakunot noong sabi ko sakanya.

"Ok prima, see you again tomorrow!" sigaw niya habang ako ay nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Buti walang gaanong students sa labas ng building kaya madali agad akong nakarating sa room, for sure nasa cafeteria sila lahat. Hindi din naman kasi ako nagugutom dahil mas nangingibabaw sakin yung antok tssh.

Prente akong humiga sa upuan ko at inilagay ang airpods sa mga tenga ko. Nagplay na ako ng music ko saka inihood ko na uli yung hood ng jacket ko at nagsimulang umidlip, susulitin ko na habang wala pa sila tssh.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi padin ako makatulog kaya pinatay ko nalang yung cellphone ko, tsk nonsense.

Maya maya may narinig akong nagsalita sa harap ko kaya napakunot nalang ang noo ko tssh... what was that?

Alam kong nakatitig siya sakin kaya hindi nalang muna ako dumilat, tsk she's obviously checking me out tssh.

Maya maya ay dinilat ko ang mata ko saka nahuli ko ang mala asul niyang mga mata na gulat na gulat. Tssh, napangisi nalang ako sa isip ko.

Actually I didn't meant to be rude at her, its just that may mga bagay na ayaw ko lang kaya dapat ay sundin nalang nila tssh basta yun. Naalala ko tuloy yung unang bumping encounter namin nung nakaraan, it feels like deja vu when I stare at her beautiful eyes, yeah I can't deny it.

"Tsk... such a clumsy girl" malamig na sabi ko nalang sakanya saka siya iniwan doon na tulala mag isa. Hmmp! I know nanggigigil na siya ngayon, tsk she just made herself embarrasing tssh. And I know sinisisi na niya yung banana peel doon tssh clumsy nga naman tsk.

Pagtapos kong mag cr ay nagdesisyon na akong bumalik sa room at ayun siya, sobrang talim ng tingin sakin but too bad... I didn't care. Maya maya ay pumunta siya sa harap at dun nilabas ang galit niya na talaga namang kinagimbal ng buong kaklase namin... well except me tssh. Miss President pala huh, hmm kaya pala ganun nalang siya kahigpit at kabagsik sa mga kaklase niya.

Nung mapadako yung tingin niya sakin ay nakipagtitigan lang ako habang wala padin akong pinapakitang emosyon. I know that she's angry because of what happened earlier but too bad, I'm not sorry for her tho.

◎◎◎◎◎

Serene

After nung nagaalab na sermon ko sa mga kaklase ko kanina ay hindi na ako nakapagfocus sa mga natitira kong subjects tsk! Bwiset kasi yung Bonnet freak na yun hayst!

Uwian na namin at eto kami ni bestfy sa kotse ko ngayon.

"B-Bestfy?" kinakabahan namang tanong niya. Simula kasi kanina hindi nila ako kinausap.

"Umm?" tanong ko sakanya habang patuloy padin sa pagdadrive.

"A-ahm ok kana?" nakangiwing sabi niya. Hayst, sabi na nga takot padin ang isang to haha dapat lang tss.

"Oo bakit? mukha ba akong may sakit huh?" pabirong sagot ko nalang para matanggal yung pagkailang niya sakin.

"Bestfy naman eh, ikaw kasi nakakatakot ka lalo na kanina. First time ka palang naming nakitang nagalit ng ganun eh, nawala lang kami saglit tapos ganun kana pagbalik namin tsk, sinapian ka ba bestfy huh?" hmmp! sabagay tsk ewan kasi nakakaimbyerna kasi yung bonnet freak na yun, talagang pinaglihi siya sa sama ng loob tsk!

"Sira! sinapian agad tss hindi ba pwedeng may nangyare lang kaya ganun" sagot ko naman sakanya, medyo malapit na kami sa bahay kaya nagdahan dahan nalang ako sa pagdadrive.

"Ano ba kasi nangyari bestfy ha, bakit ka nalang naging super sayan kanina o di kaya nagevolve sa nagbabagang dragon ha?" takang tanong niya kaya wala akong nagawa kundi ikwento nalang sakanya tsk!

Pagkatapos kong makwento sakanya ay nanatili lang siyang tahimik at nakatingin lang sakin. Tss ano na naman nasa isip ng kulugo na to tsk!

"HAHAHAHAHAA! ANG EPIC NUN BESTFY!! HAHAHAHA GRABE! HAHAHA ANG LAPTRIP TALAGA PRAMIS"  

WUTDAAAA!! tinawanan lang akooo! arrghhh! agad kong tinapakan ang break gas ng kotse tutal nasa harap naman na kami ng bahay.

"BESTFY NAMAN EH!" pinanlakihan ko lang siya ng mata. "Ano tatawa ka pa ha! alam ko nakakatawa yun tsk hindi mo na kailangang ipamukha pa!" mataray na sabi ko sakanya sa nagkibit balikat at sumandal nalang.

"Eh bestfy naman kasi, magdadahilan ka na nga lang eh ligwak pa tsk, ayan tuloy for sure tinatawanan kana din nun HAHA—" agad naman siyang tumikom nung tinignan ko siya ng matalim. Kainis! naalala ko na naman ARGHHHHH!!

"Bumaba ka na nga! umuwi kana maglakad ka nalang wag kang tamad! ang lapit lapit lang ng bahay niyo ohh palibhasa kasi ang taba mo kaya ayan mabilis kang mapagod!" pagalit na sabi ko sakanya habang tinataboy siya. Pero tumatanggi padin siya.

"Eihh bestfy sorry na, dito muna ako sainyo for sure gumagawa sila mommy ng kapatid ko ngayon" aba't napakabastos talaga!!

"Magtigil ka nga Andy! baka gusto mong paagahin ko ang pagkawala mo sa mundo at palitan ka ng bago ano!" sagot ko naman habang nanggigigil sakanya.

"Bakit bestfy sino kasama mo gagawa? Si Cedrick?" nakangiwing tanong niya. Wtf! paano nasama yung lalaking yun tsk.

Isa kasi yun si Cedrick sa manliligaw ko pero hanggang ngayon talaga ayaw ko pading pumasok sa relasyon, at isa pa napaka playboy niya tss kaya sabi ko sakanya magbago siya which is ginagawa naman niya. Bukod kasi sa close yung parents namin eh talagang may balak silang pagsamahin kami sa isa't isa. Pero syempre ayaw ko padin dahil nga hindi pa ako handa sa relasyon at hindi pa ako naiinlove kahit kanino tsk.

"Magtigil ka Andy ha!" inis na sabi ko sakanya.

"Oh baka naman si Bonnet hottie, ok lang naman na ipaubaya ko—" sabi niya ng may mapanlokong ngiti.

DEPUUUTAAAAAA!!

"ANDYYYYY!! HINDI KA TITIGIL O GUGULUNGAN KO YANG PAGMUMUKHA MO!!" nanggigigil na sabi ko habang matalim ang tingin sa kanya.

"Hindi na bestfy, hindi na" tsk di ko nalang siya pinansin saka pinasok ko nalang yung kotse sa loob. Maya maya ay nakita ko sila daddy na may dalang mga maleta kaya agad kaming bumaba. Hmm? San sila pupunta?

"Besfty dito ka muna wait lang" utos ko sakanya saka mabilis na lumapit kela dad habang nilalagay na ang mga gamit nila sa kotse.

"Hey dad, where are you going?" takang tanong ko sa kanila agad naman nila akong binalingan.

"Oh anak, nakauwi kana pala. I send you a message earlier hindi mo ba nabasa?" sagot naman ni dad... Oh shoot! hindi ko na napansin kanina tsk, masyado kasi akong focus kay errr bonet freak kanina tsk. Agad ko namang kinapa ang bulsa ko pero wala akong naramdaman, tsk baka naiwan sa kotse.

"Ahm I didn't notice dad, I was in my class the whole day so" sagot ko habang tinitignan lang siya.

"Ok anak ahm, were leaving for 3 months" agad naman akong nagulat, What 3 months?? that's freaking too long.

"Why dad? kasama ba si Mom?"

"Yes anak, may importanteng business lang kaming aasikasuhin ng Mom mo sa Amsterdam kaya medyo matatagalan kami" paliwanag naman ni dad na ikinalungkot ko.

Maya maya ay lumabas na si Mom.

"Serene, anak, magiingat ka dito ok. I'm sorry if were leaving you again right now but para sayo din naman ito iha." malungkot na sabi ni Mom.

"Hmm, I understand Mom, just please be back as soon as possible. I don't want to be alone for so long. I'm gonna miss the both of you." malungkot na sabi ko sabay lapit at yakap sa kanila. Hayy sanay naman na ako, wala eh business kung business tss.

"Are you ok na mag isa ka lang dito? kung gusto mo dito mo muna patulugin si Andy para may kasama ka. Or gusto mo ipatingin kita lagi kay Cedri—" agad kong pinutol ang sasabihin ni Mom.

"No mom, I'll be fine here. Saka pumupunta naman po si Andy dito lagi eh kaya ok lang po ako." hindi naman sa ayaw ko si Cedrick, medyo wala lang kasi akong tiwala sakanya lalo pa na mag isa lang ako dito baka mamaya hayst wala.

"Ok anak, aalis na kami. I love you iha" sabi ni mom at agad siyang yumakap sakin. "I love you too mom" ganti ko saka bumitaw sakanya.

"Don't do anything stupid Serene, Understood? I love you" mautoridad na tanong ni dad, well sakanya talaga ako nagmana pagdating sa kastriktahan at  ayun basta yung ugali ko tss.

"Yes dad, I'll be a good girl here po. Isa pa malaki na po ako, I can handle myself na and I love you too dad take good care the both of you." sabi ko sabay yakap naman siya sakin at halik sa ulo ko.

Sumakay na sila ng kotse at tuluyan ng umalis. Hayy, you're home alone again Serene... nah you're home with the maids, and stuffs.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumiretso nalang kami sa kwarto ko.

"Pano ba yan bestfy baka naman! pa pool party ka naman o di kaya inom nalang tayong apat dito sainyo ano?"  tsk kahit kelan talaga puro kalokohan lang alam tss.

"Ewan ko sayo Andy, kakasabi lang ni Dad na don't do anything stupid eh ikaw naman tong mag aaya agad tsk." sabi ko sakanya sabay punta sa wardrobe ko para kumuha ng damit.

"Tsk, KJ mo talaga. Btw, ano nga palang plano mo dun kay Bonnet hottie ko? diba mainit ulo at dugo mo dun?" tanong niya habang prenteng nakasandal sa one-seated na sofa.

"Hmm wala pa naman sa ngayon. I'll let her enjoy her 1st week muna bago ko siya simulan tss." sabi ko saka nagsimula nang magbihis, wala naman akong pake kung makita niya katawan ko kasi matagal naman na kaming magkasama netong kulugo na to.

"Ok fine bestfy, basta wag mo lang sasaktan si Bonnet hottie ko huh" WTF! GINAWA AKONG SERIAL KILLER TSS.

"Gaga! wala naman akong sinabing sasaktan ko siya tss. Isa pa kahit sadista ako at siga minsan sa kanto eh hindi ko kayang manakit noh tss. Hindi niyo naman na kailangan pang daanin sa dahas eh, isang salita ko lang taob na kayo tsk." mayabang na sabi ko tss totoo naman kasi tsk.

"Fine Serene, whatever" matamlay na sagot naman niya. Naalala ko naman yung cellphone ko.

"Bestfy nakita mo ba yung Cellphone ko?" tanong ko habang kinakalkal yung bag ko. Shit! wala dito.

"Hindi bestfy diba nga, wala kaming imik sayo kanina" sagot naman niya. Tskk! nasan na yun.

Agad naman akong bumalik sa kotse ko para hanapin yun, baka nahulog lang tss.  *kalkal dito *kalkal doon

SHIT!! I CAN'T FIND THAT FREAKING PHONE!

Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto.

"Shit Andyy! nawawala cellphone ko!" tarangtang sabi ko sakanya na ikinatayo niya.

"What? baka naman nanjan lang nahulog lang?"

"Wala nga tinignan ko na sa kotse ko wala tskk! shit naman!" pabalik balik kong sagot sakanya.

"Haystt baka naman naiwan mo sa school... Oo tama baka sa school kasi diba hindi mo naman alam ginagawa mo kasi nga——" " TSK OO NA! ANDY OO NA!" inis na sagot ko sakanya tsk nawawala na nga cp ko kung ano pa sinasabi tsk.

"Peram ako ng cp mo try ko nalang kontakin baka sakaling may nakakuha, tskk sana lang wag lisensyadong snatcher ang kumuha nun tsk!" agad ko namang dinial ang number ko sa cp niya, buti nalang kabisado ko.

*ring *ring *ring

"Ayan bestfy nadial ko na"

*ring *ring *ring

"Ang tagal naman sagutin bestfy baka naman nasa room pa." sabi niya sakin

*ring * ring *ring

"Tsk antag——" napatigil ako ng may sumagot na sa tawag.

"Hello?" sagot ko sa tawag

"Hello?" pero wala pading sumasagot.

"Hello, ahm is anybody here?"

"Hello? I just want to say that I'm the owner of that phone you are holding right now." sabi ko pero nanatili pading tahimik sa kabilang linya. Tsk! pipi yata ang isang to hayst

"Helllllooo" mahabang sabi ko pero maya maya ay sumagot na din siya.

"Hello... clumsy woman" malamig na sabi niya kaya nahulog ko ng wala sa oras yung cp ni Bestfy.

Shit! si Bonnet Freak!!!