webnovel

Chapter 6

Serene

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil kakatapos lang ng pangalawang sub namin,wala kaming klase sa pangalawa kaya ayun nagdaldalan lang kami pero syempre yung sakto lang, ayaw nilang mabitay isa isa eh. Pinilit ko lang itong tatlong kulugo na to kasi nagugutom na ako tss, gusto pa kasi nilang pagchikahan yung bagong student kanina hayst. Akala ko pa naman hindi na namin makikita yung pinaglihi sa sama ng loob na babaeng yun tsk.

"Hoy karen ilibre mo ko ng lunch, akala mo abswelto ka na sa ginawa mo kanina huh" mataray na sabi ko kay Karen tsk akala niya matatakasan niya ko hmmp.

"Oo na tsk! halika na nga fiona samahan mo ko" tawag naman ni karen kay fiona na ngayon ay busyng busy sa pakikipag usap kay bestfy.

Nasa gitnang table yung pwesto namin, sakto lang samin dahil pang 4 seats lang to. Well hindi naman kami gaanong center of attraction... maliban sakin hmmp! well maliban kasi sa maganda ako eh minsan may mga nakakasagupa kaming kiti kiti kaya ayun minsan napapaaway ako tsk, well pinagtatanggol ko lang naman tong tatlong alaga ko kaya ganun.

Agad kong pinalo ang table malapit sa dalawa para tawagin ang pansin nila, aba't ang dalawa ayun pinaguusapan padin yung transferee kanina tsk! lalandi talaga hayst! para silang kinikiliti sa singit pambihira!

BLAG! agad naman silang nagulat

"Hoy dalawang bruha, pumunta tayo dito para kumain hindi para magchikahan, kanina niyo pa siya pinaguusapan hanggang ngayon hindi padin kayo matapos tapos!" agad naman nangasim ang mukha nila tsk. "At ikaw fiona samahan mo na tong si karen kundi pareho ko kayong isasahog sa sinigang!" napakamot naman si fiona saka tumayo at agad naman silang naglakad ni karen para bumili.

"Bestfy! kahit kelan talaga para kang siga sa kanto kung makapagsermon!" aba't nagrereklamo pa ang impakta, Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Gusto mong unahin kita? malapit lang naman yung kusina dito pwedeng pwede na kitang pagpira pirasuhin ngayon din" banta ko sakanya kaya nagpakahalumbaba nalang siya. Tsk! ano naman kung siga tss atlis hindi maarte o di kaya pabebe tss wala kaya akong inuurungan kahit sino hmmp!

"O my god bestfy! hindi pa din ako makapaniwala! nandito na si Ms.Bonnet hottie ko kya—" agad ko naman siyang tinaasan para pigilan siyang tumili tssk.

"Biruin mo bestfy sa dinami dami ng pwede naming pagkitaan dito pa talaga sa school! tingin mo bestfy destiny talaga kami noh?" ayan na naman siya kulang nalang kuminang yung mga mata niya eh tsk Kapal talaga ng isang to!

"Hoy andeng nagdedaydream ka na naman imposibleng mapansin ka nun tignan mo nga kanina ang supla suplada niya, she's so rude kaya! biruin mo sinagot niya si Sir. Lim kanina eh lahat tayo kinatatakutan yun tapos siya kabago bago niya ganun lang gagawin niya!" sabi ko sakanya saka sumandal sa upuan at nagkibit balikat.

"May tama ka bestfy, hindi ko nga akalain na ganun ganun niya lang sasagutin si sir pero in fairness for the record ngayon lang natin nakitang natakot si sir. Lim, at sakanya pa talaga. Eh pano ba naman kasi bestfy isa siyang Villamonte eh malamang sa malamang wala siyang kakatakutan" katwiran naman niya, pero may biglang pumasok sa isip ko.

"eh ano naman kung isa siyang Villamonte, malay mo kaapelyido lang niya sila Cedrick. Saka diba tatlo lang naman silang magkakapatid na alam natin? malay natin baka coincidence lang kaya ganun." paliwanag ko sakanya kaya napaisip naman siya.

"Sabagay bestfy, tsk napakamysterious naman kasi nun eh. Ang lamig lamig pa kung makatingin, pati boses niya hindi pinalagpas, pero bestfy ang gwapo gwapo niya talaga kanina para talaga siyang lalaki waaa! lalo pag sa malapitan hmm!" tskk ayan na naman siya tss, pero sige, I can't deny din naman na... sige... sabihin na nating gwapo talaga siya, mukha kasi talaga siyang lalaki kanina pero medyo pansin pa din yung pagka feminine ng mukha niya, bale sa kilos lang talaga.

"But she's too smart huh, Impressive!" sabi ko naman habang naka cross arms.

Flashback:

"Villamonte, Jacey!" tawag ni sir habang may hinahanap samin, nagchecheck kasi siya ng attendance, and wait what?? Villamonte? Jacey? who's that?

"May transferee yata bestfy" bulong ni Andy.

"Infairness kaapelyido pa ng School" sabat naman ni Karen.

Hmm, tatlo lang naman ang anak nina Mr. and Mrs. Villamonte eh... so imposible namang anak nila yun. Si Cedrick 3rd yr Engineering student siya samantalang si Candice naman ay 2nd yr Accountancy student, at yung bunso namang si camille ay nasa Senior high palang. Hmm, let see...

"Villamonte!" maya maya ay may biglang pumasok na ikinasinghap naming lahat. White shoes, Denim pants, Hoodie and a Bonnet... wait what Bonnet?! WTH! dont tell me!...

"Ohh— my—gosh" bulong ni fiona sabay takip sa bibig.

Naramdaman ko namang naistatwa itong founder nila sa tabi ko, tsk! halos hindi na nga ata humihinga eh pfft.

"Oh! you must be the new student, welcome to the University Ms.?" ngiting sabi ni sir. Lim, hmmp! ang plastik!

Nakipagtitigan lang siya kay sir at maya maya ay sumagot din siya.

"You have a master list with you, right? Why don't you just read it so that you'll gonna know who I am?." malamig na sabi niya na ikinalaki ng mata ko. WTF!? That was rude!!!

Bigla namang namutla si sir. Lim na talagang ikinagulat namin, woah! for the first time ever...

"O-ok, y-you may take your seat now.. Ms. V-Villamonte" WHATTTT! GANUN LANG YUN?!! GHAD I CAN'T BELIEVE IT!

Maya maya ay dumako yung tingin niya sakin, shit! bakit parang nalagutan ako ng hininga?

Ayan na naman yung titig niya... her cold light almond? nahh it's actually Hazel... her Hazel eyes na sobrang nakakalula... tsk why do I have this feeling again?...

Sinundan ko lang ang tingin niya hanggang sa makaupo na siya. Dun siya umupo sa kanang gilid sa harap namin katabi ng bintana. Medyo malayo lang siya ng kunti samin kaya nakikita ko siya sa peripheral ko.

Maya maya ay lumapit sakanya si sir. Lim at may inabot.

"Ehem, Btw Ms. Villamonte, answer this for your first Activity this 2nd semester. Iba yan sa unang pinasagot ko sakanila, since you're new here I'll challenge you. I'll give you 2 weeks for that." mapanghamong sabi ni Sir. Lim sakanya, agad naman niyang kinuha yun at iniscan ang laman, nginisian muna siya ni sir. Lim bago lisanin.

Halos lahat kami ay nakatingin sakanya pero agad na inagaw ni sir. Lim ang pansin naming lahat, pero syempre sa isa akong matalino eh nanatili pa din ang tingin ko sakanya.

Pinagmasdan ko lang siya pero wala padin siyang pinapakitang emosyon. Maya maya ay kumunot ang noo niya saka prenteng sumandal sabay lipat ng kabilang pahina, hmm mukhang mahihirapan ang isang to tsk! hindi pa naman naturo sa kanya yan ni sir kaya Goodluck nalang sakanya hah!

Napangisi nalang ako ng maisip yun, saka binaling ang tingin sa harap. Napansin ko namang walang umiimik sa tatlo, tss sinasabi ko na nga ba tsk!

Maya maya ay natapos na ang discussion sir nang biglang tumayo si Bonnet girl habang dala ang bag saka naglakad palapit kay sir. Lim, lahat kami ay nagtataka, halos wala kang maririnig kundi ang mga huni lang ng ibon sa paligid. Maya maya ay nanlaki ang mata ko nang iabot nito kay sir ang binigay na papel sakanya kanina.

O_O!!

"Peace of candy... sir" malamig na sambit niya saka mabilis na naglakad paalis which caused all of us speechless... lalo na si sir na nakakanganga at halos hindi na kumurap.

WHATTTT!!! NO FREAKING WAYYYY!!

Nakabalik na sila Karen at Fiona sa table namin saka dinistribute na ang mga pagkain

"Ito na ho mahal naming prinsesa na masungit, warfreak at— ehe enjoy your food Serene" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng tinaasan ko siya ng kilay.

"My gosh gals, that Jacey is so freaking unbelievable! buruin niyo 2 pages na questionnaire yun na puro problems nasagutan niya agad in an hour!" sabi ni fiona habang di pa din makapaniwala... Yeah, me too.

"Yeah, pambihira nga talaga siya. We can't deny na sobrang talino niya, ni hindi pa nga naturo ni sir yun eh at saka yung satin week ang palugit pero yung sakanya 2 weeks pa pero easy lang sakanya yun ng isang oras." Sabat naman ni Karen. Tss oo na, I can't deny din naman, she impressed me so much.

"But still she is so rude kanina, well hindi naman ako nayayabangan sakanya tss halata naman kasing may ibubuga talaga siya. Napahiya nga si sir lim sakanya eh tsk masyado din kasing mayabang ang isang yun kung makapag judge siya agad ng estudyante eh tss." Sabi ko naman sabay subo ng pagkain ko.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid napansin ko kasing may mga tumitingin na naman samin tss. Tinaasan ko lang sila ng kilay kaya napaiwas nalang sila ng tingin tsk, nag aabang siguro ang mga to ng away. Napansin ko din kasing wala dito sila Candice at mga alipores niya, tsk that crazy devil bitch! Sila kasi yung madalas naming makasagutan lalo na syempre dito sa cafeteria tss.

"Ahh basta para sakin ang gwapo gwa—" tskk! Ayan na naman siya putak na naman ng putak kahit may laman ang bunganga piste! "WTF! Andy! wag ka ngang magsalita ng may laman yang bunganga mo tignan mo oh nagtatalsikan yung mga kanin!!" magsasalita pa sana siya pero inunahan kona "Sige subukan mo lang! talagang isusubo ko tong kamao ko jan sa bunganga mo!" pagbabanta ko sakanya kaya wala siyang nagawa kundi kumain nalang.

"Tingin niyo san kaya nag punta yun? Diba maaga siyang umalis kesa satin tsk lagi siyang nagmamadali, para tuloy siyang allergic sa school haha" tanong ni karen. After kasi ni sir Lim hindi na din siya bumalik sa room, ewan ko kung alam niya bang wala yung next teacher namin o nagkataon lang na tinamad siya.

"Oo nga naman, ni hindi na natin nakita ni anino niya mula kanina... Oh my gosh! Baka naman vampire siya?!" agad naman siyang sinapok ni Karen ng mahina. "Makabampira ka naman porket wala lang siya dito, malay mo naman ayaw lang niya sa madaming tao saka mahahalata mo naman na napaka ilap niya sa mga tao eh." Hmmp! Napatawa nalang ako sa kanila tsk, basta ako chill lang..... but ARGHH!! I can't forget her hazel eyes tskk feel ko pag pumipikit ako nakikita ko yung nakatitig niyang mga mata eh haystt ewan!! maybe I'm just hallucinating..... anudaw?!

"Oh god, I'm so full na" sabi ni bestfy habang hinihimas ang tiyan tsk, panong hindi ma fufull eh ang takaw takaw tss.

"Oo kaya mag gym kana bestfy, lumulubo ka na talaga!" agad naman siyang sumimangot, tssk hindi niya talaga bagay hayst mukha siyang nalantang baboy... joke lang HAHAHA!

"Ewan ko sayo bestfy, hmmp tara na kaya baka nandun na si Jacey myluuuvs" sabi niya at talagang pinahaba pa yung myluvs! EWWWW grossss!

"Hoy magtigil ka nga bestfy! mag aral ka munang Mabuti bago ka humarot jan, baka gusto mong mapahiya lang eh saksakan ng sama ng loob yun. Tingin mo ba mapapansin ka nun ha!" tsk totoo naman kasi, ang ilap ilap nun eh mukhang allergic sa tao tsk!

"Ewan ko sayo bestfy! baka naman kasi gusto mong ikaw yung map—" "Sige ano! Ituloy mo dali! Ano!" sabi ko habang nakataas ang kamao ko. "H-hindi na nga ih, tara na kasi bestfy mauna na tayo sa room baka mamaya maabutan mo na namang nagkakaGULO yung mga kumag na yon." Sabi niya habang sabay tingin kay karen na ikinangiwi naman ng isa.

"Sus! Ang sabihin mo excited ka lang makita yung Bonnet Freak na yun Bestfy tsk wag ako!" sabi ko sakanya, Yes Bonnet freak na ang tawag ko sakanya, pambihira kasi siya eh HAHA! Get loss.

"May tama ka bestfy hehe, halika na" sabi niya habang nakangiti ng matamis, tsk! Eh kung ikaw kaya tamaan ko tss. Tumayo na kami saka nagsimulang maglakad paalis.

May mangilan ngilan ding napapatingin samin, kadalasan syempre mga lalaki tsk! Gusto ko ngang pagdudukutin mga mata nila eh tss alam ko magaganda kami pero hindi nila kami kailangan pang tignan bandang pwet! Lalong naging center of attraction kami simula nung nakasagutan namin sila Candice tsk kung magreyna reynahan sa school akala mo sakanya eh, Parents naman niya ang may ari hindi naman siya. Saka may Karapatan din naman akong kalabanin siya dahil Malaki ang share ni daddy dito sa school at isa pa close ng parents ko ang parents niya kaya ayun. Buti nga hindi ako nagsusumbong eh tss wala naman akong pake sakanya, di ko naman siya uurungan kung ano man ang gusto niya.

Madami ding pumilit sakin na maging Student Council President pero tinanggihan ko. Masyado kasing matrabaho at ayoko ng nasstress ako ghad, isa pa baka makabuga talaga ako ng apoy kung sakali man tsk, ang lakas nilang mang alok pero pag sinampolan kona sila todo reklamo naman sila tss.

Nakarating kami agad sa building at nakita kong wala pang gaanong mga students sa kanya kanyang classrooms, maaga pa kasi panigurado nandun pa yung iba sa cafeteria. Palagi kaming nauunang apat dahil sabi ko nga noon, hindi naman kami mahilig gumala at makichismis AT! LUMANDI PA!... ako lang pala yun tsk.

"Bestfy CR muna kaming tatlo, mag reretouch lang kami diba gurls?" agad namang sumang ayon yung dalawa, tsk bahala sila jan buti pa ako natural beauty lang tss.

"Hmmp akala ko gusto mo pang sila mag hugas ng ano mo eh, tsk sige na bahala kayo mauuna na ko. Sumunod kayo agad ha! Wag kayong gagala! Pag kayo nahuli ko lagot—" "MASUSUNOD PO! PRAMIS" sabay sabay nilang sabi, hmmp! Good gals!.

Iniwan ko na sila at agad na akong naglakad papuntang classroom namin. Nagtaka ako kung bakit nakabukas ang pinto kaya agad agad akong pumasok at natigilan ako ng makita ko si Bonnet girl sa may pwesto niya kanina. Mukhang natutulog siya dahil nakasandal siya sa upuan niya saka nakapikit siya. Dahan dahan akong naglakad papuntang pwesto namin saka dahan dahang nilapag ang bag ko.

Hmm kumain kaya ang isang toh?

Not that I care ha, syempre as their Class President kahit papaano may paki ako sa mga kaklase ko at saka kahit minsan pangit ugali ko, marunong padin naman akong mag alala para sa iba tss.

Napagdesisyunan ko nalang lumapit sa harap niya, mukhang tulog naman siya eh hindi naman siguro niya ako mapapansin hmmp.

Napansin kong naka airpods siya kaya hindi naman siguro niya ko maririnig, as usual nakabonnet padin siya tas nakasuot din yung hood ng jacket niya, binasa ko naman yung nakasulat dun.

FUCK OFF

Tumaas nalang ang kilay ko, hmmp bonet palang alam mo nang allergic siya sa tao HAHA!

"You know what gwapo ka sana eh, maganda ka din... kaso nga lang napaka rude mo. Napaka mysterious mo pa, ano bang meron sayo bakit baliw na baliw sayo mga kaibigan ko tsk. Pero infairness, matalino ka pero kahit na tss." mahinang sabi ko sabay kibit balikat.

Napansin ko naman na napakunot ang noo niya... hmm hindi naman siguro niya narinig diba? ah basta, bahala siya kung marinig man niya hmmp.

Sinulit ko nalang yung pagkakataon para tignan ang kabuuan ng mukha niya.

Hmm, she has this perfect thickly eyebrows, hindi siya well shaved pero hindi naman siya makalat. Sakto lang din yung haba at kurba ng mga pilikmata niya na talagang babagay sa nakakasilaw na Hazel eyes niya. Her concave nose that made her look even more feminine.

Napalunok ako ng mapadako ang tingin ko sa labi niya.

Oh yeah, the best part isn't it, Serene?

Tsk whatever!

Her oh so pinkish red Kissable Gulp* Lips na mapapaisip ka nalang kung... kung masarap ba siya humalik...

Why don't you give it a try Serene? Maybe a little taste will do ;-)

SHUT UP YOU PERVERT MIND!!!

Yeah, I can't deny her facial features seem to be perfect tho... In short, She's a Masterpiece.

Tsk oo na, humahanga na ko sa itsurang meron siya tss. Pake ko ba eh maganda din naman ako duh!

"Staring is rude... you know that?" nagising ang diwa ko dahil sa malamig na boses ng kaharap ko.

Biglang bumukas ang mga mata niya

O_O!!!

Shit! What to do Serene! Tskk WATDAHEK YOU'RE GONNA SAY TO HER HUH!? ISIP SERENE! ISIP! ISIP! (naks mala Jimmy Neutron lang)

Tumayo muna ako ng matuwid saka tumitig sa mga mata niya... oohh shit, I-I think its not a good idea, either...

"I-I'm not staring at you, I'm just checking around if the place is clean and so far malinis naman" sagot ko sabay hawak sa edge ng upuan sa likod ko.

SHIT! I can't take the feeling the way she stares at me!! errrr!!

Tumaas lang ang dalawang kilay niya pero nanatiling malamig ang mga mata niya.

"Hmm, checking around huh? while standing here in front of me?" ganting tanong naman niya.

Pustpa naman! Bakit kasi hindi ko agad namalayan na matagal na pala akong nandito sa harap niya tsk!

Coz you're super busy on admiring her handsome and gorgeous face, Serene

Just shut the Fuck up!!

"Bakit bawal na bang pumunta dito sa harap mo?" ganting sagot ko habang nakataas ang isang kilay. Tsk! bakit ba feeling ko may ginawa akong mali tskk!

"I didn't say anything" mahinahong sabi niya. Tsk! sa una maiintimidate ka sa kanya pero habang tumatagal maiinis ka na tss.

"Fine, I-I'm just here to... ask you if you have eaten your lunch already" sabi ko habang nakikipagtitigan padin sa kanya. Ok, correction lang uli ha, curious lang talaga ko sa isang to tsk.

Maya maya ay kumunot ang noo niya.

"Why do you care? It's even none of your business" aba'tt!———

Bakit nga ba ako magkecare sa isang to tsk! saka as if namang nagkecare talaga ako sa kanya tsss! ang supla suplada talaga grrrrrr!

Humigpit ang kapit ko sa upuan. "Nothing, and as if namang I care about you tss. I just want to ask lang naman" mataray kong sabi, tsk gusto ko sanang maging friendly eh kaso wala!

"If you don't have something important to say, just keep your mouth shut cause I don't want to talk about nonsense things." walang emosyon na sabi niya saka siya tumayo.

WATDAHEL!!! TALAGANG INUUBOS NIYA PASENSYA KO! PASHNEAAAA!

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka mabilis na naglakad palapit sakanya nang may matapakan akong balat ng saging kaya bigla akong nadulas at napakapit sakanya.

SHIT!! NOT AGAIN!! ARRGHHHHH!!

Nanlaki ang mata kong nakatitig lang sakanya at maya maya din ay bumitaw na ako sakanya.

"Tsk... such a clumsy woman" maikling sabi niya sabay lakad paalis.

FUCK! WHAT HAVE YOU DONE SERENE!! THAT'S SO EMBARASSING!!!

Nanlilisik naman akong tumingin sa direksyon niya tskk!! Madapa ka sana ARGHHH!!

Great Serene, Malinis pala huh. What happened to that 'checking around if the place is clean'

FUCKKKKKKK!! ISA KA PA EHH!! CAN'T YOU JUST SHUT THE HELLL UPPP!!

Napadako naman ang tingin ko sa balat ng saging na naapakan ko.

Who ever left you here, I swear I'm going kill that animal!!!

Inis na binato ko nalang sa basurahan saka umupo sa pwesto namin. Maya maya ay nagsidatingan na din yung tatlo. Napatingin naman sila sakin kaya agad agad nila akong nilapitan.

"Bestfy what hap—" "Shut your mouth Andy, Don't talk to me" kalmado kong sabi pero sa totoo lang ay gustong gusto ko ng sumabog Grrrrrr!!

Nanahimik nalang sila at di na muling umimik pa, alam kasi nila na galit ako pag ganito ako. Tsk!

Maya maya ay nagsidatingan na din yung iba... kasama na si walang modo! TSK! tinignan ko lang siya ng matalim hanggang sa makaupo siya. Maya maya ay tumayo na ako at nagpunta sa harap.

"LISTEN TO ME, EVERYONE! IF I SEE SOME TRASH HERE, EVEN THE SMALLEST ONE, AND IF I CAUGHT SOME OF YOU THREW THEIR TRASH EVERYWHERE HERE IN THE CLASSROOM, I SWEAR I WILL KILL EACH IN EVERYONE OF YOU, UNDERSTOOD!" sigaw ko habang nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kanila na ikinagulat at ikinatahimik lang nila. Pero hindi padin sila sumasagot tskk!! kaya pinalo ko ng malakas yung table BLAGG!!! yung iba ay napalundag sa upuan pero wala akong pake sakanila! "UN!-DER!-STOOD!" "YES PRESIDENT!" sabay sabay na sabi nila.

Nilibot ko naman ang matalim na paningin ko hanggang mapadako ang tingin ko sa walang modo na to na hanggang ngayon ay wala pading emosyon tsskk!

MAY ARAW KA DIN SAKIN BONNET FREAK!!!