webnovel

Chapter 8

Jacey

Maaga akong natulog kahapon pagkauwi at pagkatapos kong kumain, kaya nagising ako kaninang 2 ng madaling araw pero natulog din naman ako uli. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 6:08 a.m palang pala. I looked around and nakita ko si Dustin sa tabi ko na mahimbing padin ang tulog kaya hinaplos ko siya. Nakita ko naman yung kalat ko kahapon, tssh hindi ko pa pala natapon, tsk such a lazy head, Jacey. Kung kaya lang maglinis ni Dustin edi sana ginawa ko na kaso wala dakilang taga kalat lang din tong pusa na to tssh.

Naalala ko yung cellphone ni clumsy rugged woman, yeah, she's rugged naman talaga kasi bukod sa masungit siya napakabagsik din niya tssh. Ako kasi yung huling umalis sa room namin kahapon and may narinig akong ringtone ng message kaya kinuha ko at sakto pa na sa upuan ni clumsy girl nakalapag kaya alam kona agad na sakanya to, tssh nagmamadali siguro kaya ganun tsk. Hindi ko dapat kukunin pero syempre nag alala ako kasi baka may mga importanteng bagay dun at iba pa ang makakuha at manamantala tssh. Mamaya may mga nude pics pala siya dun tssh tas mabalitaan ko nalang biktima na siya ng Cyber bullying tsk.

And tumawag din siya kahapon, boses palang alam kona tssh. Nung una hindi ko muna sinagot kasi unknown number, tssh malay ko ba na baka boyfriend niya yun na ayaw niya lang ipalaam sa mga kaibigan o parents niya kaya naka unknown number lang. Pero kalaunan sinagot ko na din naman, hmmp I heard her stiffened pa nga eh tssh, di niya siguro akalaing ako yung makakakuha tsk.

Kinuha ko yung cellphone niya sa side table ko. Its an Iphone 11 pro max, not bad, siguro mayaman siya tssh halata naman kasi sa mga stuffs na meron siya pero sa tingin ko wala naman siyang arte sa katawan dahil malayong malayo siya sa mga kaibigan niya.

So, you're stalking her for the meantime huh, Jacey?

WHAT! NO! shut your fucking thought mind. I don't need your opinion tssh, hindi ba pwedeng napansin lang? tsk!

WHATEVER!

Napansin kong naka jelly case lang siya kaya tinignan ko yung likod. HMMP!!

What a cute picture! Tsk, If I could just draw whiskers around your cheeks and kung nakanganga ka lang sana kulang nalang ng pangil... tssh Wild Tiger rawrr!

And you're the cold and cruel Lion, Jacey

Shut up you freaking mind! tssh

Napangisi nalang ako sa isip ko tsk, naka fierce kasi siya dito sa picture niya hmmp talagang mahahalata mong ayaw niyang ipahawak yung cellphone niya tssh.

Hmm, perfect shaped eyebrows, those sapphire blue eyes of her that's captivating, and not so thick but curved eyelashes, her small defined pointed nose, and lastly... her cupid's bow-shaped bloody red lips that made her even more attractive.

You can't deny it don't you?

Tssh oo na, hindi na ako magdedeny pa na maganda naman talaga siya... at least quits na kami tssh, buti nga sa siya sa picture lang eh tsk.

So, gusto mo sa personal huh?

SHUT UP! YOU GODDAMN CRAZY MIND!

Nilapag ko nalang yung cellphone sa kama saka nagtungo na sa cr para maligo.

Nagsuot lang ako ng Dark gray shirt at pinatungan ko ng Black Denim Hoodie Jacket and  as usual Black Denim pants again saka yung sapatos ko kahapon. Syempre hindi mawawala ang pinakamamahal kong Bonnet. Tssh ibang bonnet to kasi ewan di ko na naman alam saan ko pinagtatapon kahapon yung bonnet ko tsk saka tinatamad na din akong maghanap.

Nilinis ko muna ko yung kalat ko sa living room at saka nilapitan si Dustin na nakahiga padin."Take care of our home Dustin, don't let stupid rats surround our house ok." kiniskis lang niya yung ulo niya sa kamay ko.

Kinuha ko na ang gamit ko at saka yung susi ng kotse ko saka mabilis na naglakad palabas ay nilock ang penthouse ko. Pagkarating ko sa kotse ko nilagay ko muna sa bulsa ng jacket ko yung phone ni clumsy girl saka nagsimula nang magdrive.

»»»»»

Pinark ko na ang kotse ko sa school, may malaking parking lot kasi dito sa loob ng school kaya ayun basta tssh. Pababa na sana ako ng makita ko yung kotse ni Cedrick malapit sa pwesto ko. Maya maya ay bumaba siya at may pinagbuksan siya mula sa loob at napakunot ang noo ko nang si clumsy woman yung lumabas doon, sumunod naman yung best friend niya yata dun sa may likod.

Why is she with that bastard?

Balak pa sanang kunin ni Cedrick ang bag ni clumsy girl pero tumanggi siya at nagsimula na silang umalis nung best friend niya kaya naiwan naman si Cedrick dun pero maya maya ay kinuha na niya ang gamit saka umalis na din siya.

I'm getting curious about the two of them now...—— NO! JACE! There's nothing to be curious about tsk wala ka dapat pakialam sakanila tssh.

Yeah right, its none of my business at all tssh. Bumaba na ako saka kinuha ang gamit ko saka nagsimula nang maglakad.

♡♡♡♡♡

Serene

Nandito kami ngayon sa cafeteria, maaga pa naman kaya dito muna kami dumeretso. Tsk isa pa yun si Cedrick, nagulat nalang ako kanina nung pababa na kami ni bestfy ng kwarto ko nandun siya sa sofa namin naghihintay, pinuntahan kasi ako ni bestfy dun sa bahay infairness nga ang aga niya ngayon eh. Pano hindi na daw siya makapaghintay na makita yung Bonnet freak na yun tsk!... ARGHHH! YUNG CELLPHONE KO PALAAAAA!!

"Bestfy anong meron bakit may pahatid hatid na si Cedrick sayo huh?" tanong naman ni Andy habang nagsusuklay ng buhok niya.

"Malay ko dun, siguro sinabihan ni dad na ayun ipatingin ako sakanya hayst." matamlay na sagot ko naman habang nakalagay yung kaliwang kamay ko sa table habang nakapatong yung kaliwang pisngi ko.

"Anyare jan kay Serene bat ganyan mukha niyan? kahapon beastmode tas ngayon parang batang nawalan ng candy" takang tanong naman ni Karen katabi niya sila Andy. Ayaw ko kasing may makatabi kasi basta naiinis ako... grrrrrrr

"Eh yun na nga, eto kasi si bestfy diba nga kakamadali niya kahapon dahil nga ayun beastmode siya kay—" sinamaan ko lang siya ng tingin tss, pasalamat siya hanggang tingin lang ako ngayon tsk wala kasi ako sa mood ngayon para magalit kasi basta!! "Ayun na nga nawawala kasi cellphone niya and guess what sinong nakakuha?" tanong naman niya sa dalawa habang ako eto nakahalumbaba lang. "Sino naman ang masuwerteng nakakuha aver?" tanong naman ni Karen. "Edi yung Jaceyy myluvss koo!!" kilig na sagot naman ni Andy tskk, ang sarap sabunutan neto ngayon ah, mabanatan nga to mamaya tsk.

"WHAT!" "OH-MY-GOSH!" sabay na sabi nina Karen at Fiona tss, bahala kayo jan tsk.

"Oo, nakakainis nga eh muntik pang mabasag yung cellphone ko kahapon huhu. Eto kasing si bestfy kung makareak kahapon akala mo kinidnap yung mahal niya sa buhay tas nanghihingi ng ransom yung kausap kaya ayun nalaglag niya yung cellphone ko hayss." Sabi ni andy habang hawak yung pinakamamahal niyang cellphone tss, dapat natuluyan nalang yan eh.

"HAHA kaya naman pala eh tsk, kahapon lang beastmode ka sakanya tas ang malas mo pa siya pa talaga yung nakakuha ng cellphone mo tsk." Tawang sabi ni Karen, tss bwiset talaga.

"Pero at least, si bonnet hottie yung nakakuha hindi yung kung sinong mabubuting kamay jan hmm." Sarkastikong sabi naman ni Fiona, tss kahit na tsk ang malas talaga ng araw ko kahapon arghh bakit pa kasi ako lumapit dun tsk.

"O eh ano nang balak mo ngayon Serene? Pano mo mababawi yun sakanya?" tanong naman ni Karen. Tssk, yun na nga problema ko eh hayss KAINIS!!

"Tsk yun nga iniisip ko eh, kumukulo pa naman dugo ko dun hays. Hindi ko nga alam kung pano ba siya kakausapin kasi napaka ARGH napaka suplada niya talaga tsk." Sabi ko habang nakatingin lang sakin inayos ko naman ang upo ko saka nagpatuloy uli. "Saka naiinis ako sakanya kasi napaka rude niya walang modo, parang lahat yata ng sama ng loob sa mundo inangkin niya tsk." Napansin ko naman na tumingin sila sa likod ko pero sinawalang bahala ko lang yun tsk, naiinis kasi ako gusto kong ilabas lahat. "Mula nung nakita ko siya talagang naiinis na ako sakanya eh, parang may ginawa akong mali sakanya kung makapag suplada siya tsk, matalino nga siya, pogi o maganda tss pero ang sama naman ng ugali! Tsk!" nanggigigil na sabi ko sa kanila pero nanatiling tahimik lang sila, napansin ko naman na halos lahat ng nasa paligid namin ay nakatingin samin.

SHIT! Napalakas yata yung boses ko errrr

"B-Bestfy" nauutal na sabi ni Andy habang nakatingin sa likod ko, tss ano bang meron ba't ba sila—

O_O!!! WATDAFADERFAKINGMADERSHITTT!!

BAKIT NANDITO ANG KUMAG NA TO!!!

Agad akong tumayo at hinarap siya, napalunok naman ako bago magsalita. SHIT! Kanina pa ba siya dito!! TSKKK!!

Shit! Those pair of Hazel eyes again!

"A-anong kailangan mo?" taas kilay kong tanong sa kanya, tss wag kang magpapatalo sa titig niya Serene, wag na wag!!

"Shouldn't I be the one who supposed to say that?" walang emosyon na sabi niya, tss naka poker face ba to nung lumabas sa tiyan ng nanay niya? Tsk.

Pinatatag ko lang ang sarili ko, c'mon Serene! It's just her ok! Wag kang magpapatalo!!

"Kung wala kang sasabihin pwede ba umalis kana?! Nakakaistorbo ka lang dito!" sabi ko sa kanya habang nakikipaglaban sa mga titig niya. Maya maya naman ay bumuntong hininga lang siya.

"I'm just here... to say sorry" matipid na sabi niya na ikinataka ko naman.

"What? sorry for what?" nakakunot noong tanong ko sa kanya. Siya naman ay inilagay lang ang isang kamay sa bulsa ng pants niya.

"I'm sorry for your phone... I broke it" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, SHIT! Nasa kanya nga pala yun... and wait what!!! She broke it!!?? NO WAYYY!!! "and I threw it in the trash" malamig na sabi niya na lalong ikinagulat ko. SHITTTT!! HINDII PWEDE YUNNNN!!

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad pero ilang hakbang palang ay sinigawan kona agad siya.

"How dare you broke my phone!! Ganyan ka ba talaga sa lahat ha?! Napaka walang modo mo talaga. Hindi ka ba marunong magpahalaga ng bagay? Para hayaan mo lang yung isang bagay na masira?!" nanginginig na sabi ko na ikinatigil niya sa paglalakad, medyo nagtilt yung ulo niya pakaliwa saka agad na humarap sakin.

I held my breath when she turned at me with a rage visible in her eyes.

OH GOD, THOSE PURE HAZEL EYES ARE ON FIRE!

Dahan dahan siyang naglakad palapit sakin habang hindi pa din inaalis ang titig sakin at kung kanina ay yarda ang layo namin ngayon ay pulgada nalang. Mas matangkad siya sakin kaya medyo nakatingala ako sa kanya.

Her Hazel eyes now become darker than before

I don't know if it's wine or something but I can smell grapes scent on her breath which makes it more intoxicating.

Napalunok nalang ako ng bumaba ang tingin niya sa labi ko at dahan dahang ibinalik sa mga mata ko. 

Her eyes are now filled with Rage and... Tempting? 

Nagsalit nalang ang tingin ko sa mga mata niya waring sinusuri ang buong pagkatao niya.

"Who's being rude now huh?" halos pabulong na sabi niya na nakapag panindig ng balahibo ko. "You should have thanked me, instead of babbling some nonsense things about me" sabi niya habang salitan din ang pagtingin niya sa mga mata ko.

Shit! hindi ako makagalaw, nalulula ako.

Napausog ako na halos dumikit na yung likod ko sa table saka mahigpit na napahawak sa edge ng table nang lumapit pa siya sa akin.

Shit! I'm doomed! I can't say anything

"You're welcome... Btw" napakunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Sinundan ko nalang siya ng tingin habang siya ay paalis. At napansin ko naman na lahat ay nakatingin pala samin kanina...

SHIT TALAGAAA!! NAGKA LIVE SHOW NA NAMAN TULOY AAARRGHHHH

Tinaasan ko lang sila ng tingin na agad naman nilang ikinaiwas ng tingin tssk!

Pagkaharap ko sa table ay nanlaki ang mata ko dahil....

dahil...

SHIT! BUHAY ANG PHONE KOOO!!!

♡♡♡♡♡

Jacey

After nung Live show namin ni clumsy girl kanina ay dumiretso na agad ako dito sa classroom. Tsk kung ano ano pinagsasabi, hindi naman niya ako lubos na kilala tssh.

Pumunta lang naman ako dun sa Cafeteria kahit na labag sa kalob looban ko eh naglakas loob ako tsk. Tapos madadatnan ko siyang puro kung ano ano pinagsasabi tungkol sakin tssh.

Sinabi ko lang naman na nasira ko phone niya dahil mukha namang wala siyang balak na kunin sakin eh tssh, tapos napagsalitaan pa ako ng masama tsk. She doesn't even know how to thank someone tssh.

I admit, I got captivated when I stared at her eyes that very close and I can't help but to drop my eyes on her... lips... 

coz, it feels like its...

 it's inviting me or... 

NAH!! Enough with that thought Jace! 

Tsk, sinalpak ko nalang yung airpods sa dalawang tenga ko at naglaro nalang sa cellphone habang nakadekwatro. Tinignan ko muna ang oras sa phone ko at malapit na palang magsimula ang first sub.

Maya maya ay nagsidatingan na silang lahat pero nanatili padin akong naglalaro. Alam kong nakatingin siya sakin pero di ko nalang siya inabala pang lingunin tssh.

Maya maya ay dumating na din yung Adviser namin. Kahapon kasi wala siya and siya yung teacher namin na wala kahapon kaya ayun tssh.

"Valderon?" tawag ng ni Mrs. Cuenco sa klase.

"Yes, maam?" sagot naman ni Clumsy  woman... hmm Valderon pala siya. Tssh, that seems familiar to me... tsk bahala na nga.

"Go to my office after your last sub, may pag uusapan tayo." sabi naman ni Mrs. Cuenco sa kanya.

"Ok, maam" maamong sagot naman niya. tssh, plastic!

"and bring Ms. Villamonte with you" pahabol naman ni Mrs. Cuenco  na ikinagulat ko. Pero nanatili lang akong walang emosyon at napatingin sa gawi ni clumsy woman, at nahuli ko siyang nakatingin din sakin pero agad din naman siya nag iwas.

"Y-yes, maam" sagot naman niya.

Nagsimula nang magdiscuss si Maam pero wala ang focus ko dun. Tsk, napatingin ako sa gawi niya at nahuli ko siyang nakatingin sakin, pero agad din naman siyang nag iwas...

Maya maya ay ako naman ang tumingin sakanya habang siya ay pinipilit magfocus sa harap pero malikot ang mata niya kaya napadako uli sakin na agad kong ikinaiwas. Tsskk what are you doing Jace!

Shit! I can't really help but to turn my gaze to her... and there is again, she's staring at me...

I wonder what she's thinking...

pero maya maya din ay nagiwas na siya. Kumurap kurap muna siya bago alisin ang tingin niya sakin. Tsk! what's going on with her?

Di ko na namalayan na natapos na pala ang buong klase namin. Syempre ganun padin hindi padin ako naglunch tss, grape juice lang sapat na.

Pinauna ko muna yung mga iba naming kaklase lumabas saka ako tumayo, nakailang hakbang palang ako nung magsalita siya.

"Wait for me at the outside of the building" mautoridad pero malumanay na sabi niya. Tsk oo nga pala, sabagay hindi ko din naman alam saan banda yung office ni maam tssh.

Tinanguan ko lang siya saka naglakad na palabas, pero bago ako makalabas ay may biglang humarang sakin...

Shit!

"What's up there... step-brother?" mahina pero malinaw na sabi niya. Tinignan ko lang siya ng walang emosyon at hindi siya sinagot. Medyo matangkad lang siya ng kunti sakin.

"I don't want any trouble there, Cedrick so please, let me pass." mahinahong sabi ko habang nakatingin sa daan.

"Oh, ganyan na ba ang pagbati mo sakin? tsk, what a rude poor Jace" mayabang na sabi niya sakin na ikinatagis ng bagang ko at matalim na tumingin sakanya. Hindi naman siya nagpatalo kaya binigyan niya ako ng mapaghamong tingin.

Tsk! If I could just punch you here right now you fucking bastard!

I clenched my fist so damn hard para tiisin yung galit at inis na nararamdaman ko sa kanya.

"Ced, what are you doing here?" agad namang inalis ni Cedrick ang tingin sakin at ngumiti siya nang dumako kay... tsk Clumsy woman.

"Hey Princess, I'm here to fetch you and your best friend here. Tara hatid ko na kayo." masiglang sabi ni Cedrick sakanya.

Bago ako maglakad ay binalingan ko muna si clumsy woman ng tingin, at agad din siyang napatingin sakin. Kumunot lang ang noo ko saka iniwas ko na ang tingin sa kanya saka nagsimula nang maglakad.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mapaisip tsk!

Is he her boyfriend?

NAHHH!! STOP THINKING JACE OK! IT DOESN'T MATTER TSK! BAHALA SILA SA BUHAY NILA TSSH!

Nang marating ko ang labas ay prenteng sumandal nalang ako sa poste sa gilid habang hinihintay siya.

Tsk, antagal naman nun. Ang ayaw ko pa naman sa lahat yung pinagaantay ako tssh.

Ang daming tumitingin saking mga babae sa paligid hays. Dapat nagdala nalang ako ng face mask saka sunglass eh tsk!

Naalala ko yung pagpasok ko sa Cafeteria kanina, halos lahat ng makakasalubong kong dumadaan napapasunod ng tingin sakin tssh. Yung iba pa may laman yung bunganga tas biglang napapanganga tsskk Disgusting!

Kasalanan ng babaeng yun kung bakit naging Center of Attraction na naman ako eh tsssh.

Maya maya ay dumating na siya kaya agad ko na siyang sinundan.

"S-sorry to keep you waiting" mahinahon na sabi niya habang nagaalangang tumingin sakin tssh nagevolve ata to sa maamong tupa eh.

Tinaasan ko lang siya ng kilay habang patuloy padin sa paglalakad."Tss, suplada talaga" rinig kong bulong niya kaya napakunot noo ako.

"What did you say?" tanong ko habang inis na nakatingin sa kanya.

"Nothing!" inis na sagot naman niya saka baling ng tingin sa harap. Tsk!

Tahimik lang kaming naglakad halos wala ni isa samin ay umiimik. Napapansin ko na nakakunot padin ang noo niya at medyo mahigpit ang hawak niya sa strap ng bag niya, and yes naka Bagpack siya samantalang yung ibang mayayaman dito puro naka handbags. Medyo nasa harap ko kasi siya at mas matangkad ako sakanya kaya nakikita ko mukha niya.

Tsk, mukha siyang terror na guidance councilor tssh.

Maya maya ay nakarating na din kami sa office ni Maam at agad kaming pumasok.

"Take your seats" agad kaming umupo ni Clumsy woman, bale magkaharap kami tssh.

"How's your first day here? Jacey? sorry if absent ako kahapon kaya hindi kita naorient masyado." sincere na sabi maam sakin.

"It's ok, Im fine yesterday and it was good" tipid lang na sagot ko.  'It was really a first day in hell'

"Tsk, totoo nga talaga ang sinabi ni Mr. Villamonte sayo, napaka ilap mo nga talagang bata. Well I'm glad na naging ok naman ang first day mo dito. I hope you enjoy pa sa mga susunod na araw mo dito." masayang sabi naman niya na tinanguan ko lang.

"Oh wait, nabalitaan ko yung pagsagot mo daw nung Activity sayo ni Sir. Lim and that was Impressive Jacey, sobrang namangha talaga sayo si sir even the other teachers at the faculty na impress sayo dahil nadin sa Perfect daw lahat ng sagot mo sabi ni sir. Lim" namamanghang pahabol naman ni maam na ikinatango ko lang ng tipid.

"It's just a small thing maam, I just did what is needed to do so." maikling sagot ko lang sa kanya. Saka naman niya binaling ang tingin sa kasama ko.

"Oh Btw Serene, I just want to inform you na malapit na ang Sportsfest natin so kailangan na nating maghanda but next month pa naman yun kaya may 1 month preparation pa tayo." sabi naman ni Maam sakanya. Nakinig nalang ako sa pinagusapan nila.

"Ok maam, ahm maybe next week ko nalang ho ipaalam sa kanila yun. Madami naman po kaming vacant that day eh." paliwanag naman ni Serene... tsk pagod na ko tawagin siyang clumsy tssh saka nalang uli.

"It's ok malayo layo pa naman, ayoko pa munang mastress kayo sa pagpapractice pero for sure naman maeenjoy niyo yun." sabi naman ni maam na sinang ayunan naman ng isa.

"And Jacey, are you aware naman diba na may mga nagaganap na Sportsfest ang bawat Villamonte University?" tanong naman ni Maam sakin.

"Yes, we are having that when I'm in my last school at the East VU." pag sang ayon ko naman kay maam.

May lima kasing division yung School nila dad, Ang East, West, South, North and ang Main which is etong school. Bale parang foundation day nadin yun ng School and bawat representatives ng lahat ng sports sa bawat school ay mag lalaban laban.

"Ok, so aware din naman kayo na may Sportsfest King and Queen diba?" tanong niya samin at agad naman kaming tumango.

"Ok good, and kayong dalawa ang napili ko bilang candidates ng 2nd yr Business Ad. Dept." sabi naman niya na agad namang kinagulat naming dalawa.

WHAT! NO FUCKING WAYYY!!

"Maam—" "u-uhh, no more but's and complaining, nailista ko na ang pangalan niyong dalawa." putol niya sa sabi naming dalawa.

Tskk! This is can't be happening!

"Why? you looked good naman Jacey eh, wala na kasi akong ibang makitang matinong Boy representative sa buong 2nd year Business Ad. students and besides your name was very popular especially on the girls out there." masayang pangungumbinsi naman ni maam samin.

Tsk! WHAT THE HELL! BAHALA NA NGAAA TSSH!

Napansin ko naman na hindi na umiimik tong kasama ko, tssh hindi pa din yata makaget over.

"Ok, that's all for now. Saka ko nalang sabihin sayo Serene yung further details dahil wala pa namang binibigay na memo ang Dean. Pwede na kayong umuwing dalawa." nakangiti niyang sabi samin.

Agad naman akong tumayo habang siya ay nagaalangang tumayo.

"A-ahm ok maam, ipatawag niyo nalang po ako anytime. Salamat po mauna na po kami" nakangiting paalam niya kay maam na tinanguan lang siya.

Agad naman kaming lumabas at as usual ganun padin tahimik at walang umiimik.

Tsk! Bakit kasi sa dinadami dami ako pa! haysss

Nung medyo nakalayo na kami ay agad siyang nagsalita at tumigil sa harap ko.

"A-ahm... about sa kanina sa Cafeteria" mabagal na sabi niya. Tssh akala ko naman yung about sa Sportsfest tssh.

Hinarap ko siya at wala padin akong emosyong pinapakita.

"I just want to say s-sorry, for what I've said earlier" pilit niyang pinapalakas yung loob niya tssh. alam ko naman na pinipilit niya pading magpakatapang tssh. "and thanks... for my phone" nag aalangang sabi niya habang nakatingin sakin.

"I know you are sorry, sino nga bang hindi maguguilty sa ganun..." nanatiling malamig na sabi ko sa kanya. "But it doesn't change the fact that you are clumsy and annoying." sabi ko na ikinakunot lalo ng noo niya. Agad naman akong naglakad palayo sa kanya nang sumigaw uli siya.

"Napaka walang modo mo talaga! bwiset ka! napakarude mong Bonnet Freak ka!" sabi niya na ikinatigil ko sa paglalakad at lumingon sa kanya.

What?? Bonnet Freak! What the hell!

Tinignan ko lang siya ng malamig "Just say whatever you want to say, I don't fucking care at all" walang emosyon na sabi ko sa kanya saka naglakad na papuntang kotse ko tsssh.

How dare her ruin my day! tssh

Nanatili ako sa sasakyan ko at nakita ko si cedrick na nagaantay sa labas ng kotse niya and later on dumating na rin si clumsy woman kaya pinagbuksan niya ng pinto saka umalis na.

Napahigpit nalang ang hawak ko sa manibela habang nakakunot ang noo. Saka nagsimula nang magdrive pauwi.

Tsk! What a nice day isn't it!!