webnovel

KABANATA TWENTY-TWO

Mula ng mabalita ang tungkol sa rumored boyfriend ni Misha halos pagusapan na sya ng mga estudyante at ng mga fans nya.

"Totoo kaya na may boyfriend sya na mukhang Gorilla sayang maganda pa naman sya tapos pumatol sya sa ganung klaseng lalaki....

"Kaya nga eh wala syang taste....

"Nagmodelo pa sya pero bumagsak lang sa panget hahaha....

Nasasaktan si Misha sa mga naririnig nya mula sa mga dating humahanga sa kanya na ngayon ay binabash na sya. "Papasok kana?

Nagulat pa si Misha ng biglang sumulpot si Akagi sa harap nya. "Oo pero dadaan na muna ako sa canteen may bibilin kasi ako." ngiting sabe ni Misha saka naglakad dahil ayaw nyang makita ni Akagi na umiiyak sya.

Nagtaka si Misha ng sundan sya ni Akagi. "Wag mong pakinggan ang sinasabe nila tungkol sayo." seryosong sabe ni Akagi at hinawakan ang kamay ni Misha.

"Ang sakit palang marinig yun mula sa kanila. Alam mo ba mga taga hanga ko sila dati ngayon basher ko na. Ganito pala kahirap yung pinili kong mundo." naiiyak na sabe ni Misha.

"Gusto mo bang lumayo muna ako? Ayaw mong nasasaktan ako at pinag uusapan ng iba pero hindi ko naman kaya na makita kang umiiyak." sabe ni Akagi at pinunasan ang luha ni Misha.

"Sanay naman akong pinag uusapan ng iba Akagi kaya lang masakit pala kapag harap harapan kang pinag uusapan tapos wala kang magawa kundi pabayaan sila kasi kapag pinatulan mo sila ikaw pa ang masama. Hay ang hirap palang maging sikat." humikbing sabe ni Misha na hindi mapigilan masaktan.

"Tahan na. Nandito lang ako Misha." mahinang sabe ni Akagi.

Hindi magawang yakapin ni Akagi si Misha dahil maraming estudyanteng nakatingin sa kanila. "Salamat Akagi. Alam mo mawala man yung career na pinag hirapan ko pati yung mga fans na sumusuporta sakin basta wag ka lang mawala sa buhay ko kasi mas mahalaga ka." seryosong sabe ni Misha at napangiti naman si Akagi.

Pinaramdam ni Misha kay Akagi kung gaano nya to kamahal kahit na nga ba mahirap para sa kanilang dalawa lumabas ng magkasama, kumain ng magkasama at mag usap ng magkasama.

"Salamat Misha. Wag kana umiyak kasi nasasaktan din ako." sabe ni Akagi at ngumiti naman si Misha dahil ayaw nyang makitang masaktan si Akagi.

Pagkatapos mag usap ng dalawa hinatid ni Akagi si Misha sa room nito bago sya pumunta sa gym. "Akagi....

"Ikaw pala Kogure. Tapos na ba ang thesis nyo?" tanong ni Akagi.

"Hindi pa. Kamusta na nga pala si Misha? Napanood ko yung news kagabe hindi ko nalang tinapos kasi masyadong hard yung mga sinasabe about sa kanya." seryosong sabe ni Kogure at hindi naman kumibo si Akagi.

"Okay ka lang ba Akagi?" nag aalalang tanong ni Kogure.

"Ayos lang ako." sagot ni Akagi para lang hindi mag alala sa kanya si Kogure.

Ngumiti nalang si Kogure kahit ramdam nyang hindi okay si Akagi.

Samantala pagpasok naman ni Misha sa room nilapitan agad sya ni Ara kasama si Justine, Jaykey at Denmark. "Totoo ba na may nalilink sayo at mukhang Gorilla?" tanong agad ni Ara.

"Hindi naman siguro totoo yun tska di papatol si Misha sa mukhang Gorilla. Hindi ba Misha." sabat ni Jaykey.

"Eh yun kasi ang sabe eh malay ko bang fake news yun." nakasimangot na sabe ni Ara.

"Totoo yun." sagot ni Misha at nagulat silang lahat pati na rin ang ibang classmate nya.

"So ibig sabihin Gorilla yung lalaking nalilink sayo ngayon. Wag mong sabihin na gusto mo sya... Oh my god hindi ko ata to kaya." maarteng sabe ni Ara na hindi makapaniwala.

"Edi lumabas ka kundi mo kaya. Ang arte mo." sabe ni Justine at tumawa lang si Denmark.

"Ano bang masama kung magmahal si Misha ng mukhang Gorilla kung mabait naman at hindi sya lolokohin kesa naman sa iba gwapo nga manloloko naman." singit sa usapan ni KC.

"Wala naman kaso yun KC kaya lang kasi hindi naman basta ordinaryong tao si Misha. Hello sikat kaya sya." sabat naman ni Zizzy.

"Ke sikat o hindi lahat tayo may karapatan pumili ng taong mamahalin natin kahit ano pang itsura o estado nyan sa buhay." paliwanag ni KC at napangiti naman si Misha dahil sa sinabe nito.

"Edi ikaw na magaling." naiinis na sabe ni Zizzy.

"Pero siguradong maraming fans ang hindi matatanggap yung lalaking mahal ni Misha." seryosong sabe ni Denmark.

"Handa naman na ako sa mangyayare pero sana kayo matanggap nyo sya." sabe ni Misha at ngumiti naman si Denmark Justine at KC.

"Kahit kingkong pa yan Misha tanggap namin basta hindi yan kumakain ng tao hah." birong sabe ni KC.

"Hindi lang naman kami basta fans mo Misha supporters at kaibigan mo kami kaya kung sino yung taong gusto mo susuportahan namin yun kasi dun ka masaya." sabe ni Denmark at natouch naman si Misha.

"Basta pakilala mo ko sa kanya Misha titignan ko kung mukha ba talaga syang Gorilla kasi baka mamaya hindi naman pala." sabe ni Ara at ngumiti nalang si Misha.

Kahit hindi ipinakita sa tv ang mukha ni Akagi handa na syang ilantad sa publiko ang lalaking nalilink sa kanya dahil ayaw nyang itago habang buhay ang taong mahal nya.