webnovel

KABANATA TWENTY-ONE

"Nabalitaan nyo ba na may rumored boyfriend daw si Misha at ang sabe pa mukha daw Gorilla. Natatawa nga ako sa news bakit naman mag boboyfriend ng mukhang Gorilla si Misha di ba." natatawang sabe ni Bruto.

"Di ko nga alam kung maniniwala ako sa news kanina dahil wala naman akong nakitang kasama ni Misha na boyfriend." sabat naman ni Lem.

"Pero kung totoo nga yung news bakit naman pumatol si Misha sa ganun hahaha." nagtatawanan na sabe nila Bruto.

"Bakit ano bang masama kung may boyfriend na sa pag ibig walang pinipili at hindi naman sa itsura bumabase si Misha eh kung dun nya naramdaman yung love eh." seryosong sabe ni Trig.

Hindi nalang pumasok si Akagi sa gym dahil narinig nya lahat ng mga sinabe ng teammate nya. "Wag mo nalang pansinin lahat ng sinasabe nila." sabe ni Kogure na hindi na rin pumasok sa loob ng gym.

"Nasasaktan ako Kogure masyado naman kung maliitin nila ako. Nung napanood ko yung news kanina halos manliit ako sa sarili ko dahil pumatol sakin si Misha." nakayukong sabe ni Akagi.

"Wag mong sabihin isusuko mo na si Misha. Hindi ibang tao ang nagmamahal kundi kayo hayaan mo nalang hindi naman nila pinakita yung itsura mo eh." anya ni Kogure.

"Yun na nga eh di nila pinakita itsura ko pinagtatawanan na ako paano pa pag nalaman nila na may relasyon kami ni Misha baka batuhin nalang ako ng mga fans ni Misha dahil di nila matanggap na ako yung minahal nung tao." nasasaktan na sabe ni Akagi.

"Alam kong nasasaktan ka Akagi pero wag mong intindihin ang sinasabe nila nandito lang ako pati si Misha hayaan mo sila. Isipin mo nalang na pagsubok lang to sayo at kay Misha." ngiting sabe ni Kogure at inakbayan ang kaibigan.

Samantala halos pagkaguluhan ng media si Misha pagdating nya sa airport. Hindi na sya nagtagal pa sa Las Vegas at sumabay na sya kanila Kate papuntang KANAGAWA.

"Misha totoo bang may boyfriend kana.

"Misha bakit hindi mo na itutuloy ang shoot mo sa Singapore?

"Misha totoo bang pumatol ka sa mukhang Gorilla? Totoo rin bang may boyfriend kana...

"Pasensya na po kayo hindi kayo masasagot ngayon ni Misha next time nalang po." sabe nalang ni Kate at pumasok na sila sa loob ng sasakyan.

"Sino bang tao ang nagpakalat ng fake news. Walang magawa sa buhay." naiinis na sabe ni Pam.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang ibalita yung ganung bagay." sabe ni Misha na hindi maitago ang inis sa media.

"Girl sikat ka kasi malamang pag usapan ka nila tungkol sa lovelife mo. Nagtataka nga rin ako paano nila nalaman na hindi ka tumuloy sa Singapore eh." wika ni Kate habang kumakain sa loob ng sasakyan.

"Malamang si Winona nagsabe nun. Hayaan mo nalang sila Misha basta kung saan ka masaya gawin mo dahil wala naman magagawa ang ibang tao ikaw at ikaw parin ang magpapatakbo ng buhay mo." seryosong sabe ni Pam at niyakap sya ni Misha.

"Maraming salamat Pam at Kate sanay naman ako na pag usapan ang iniisip ko lang yung mararamdaman ni Akagi. Ayokong lumabas sa media ang mukha nya dahil siguradong pagpipyestahan sya at masisira ang career na meron sya ngayon." malungkot na sabe ni Misha.

"Kung ako sayo unahan mo na. Magpa-interview ka kasama si Akagi ipakilala mo sa media na sya yung rumored boyfriend mo para matapos na yung ispekulasyon tungkol sayo. Yun eh kung papayag si Akagi na humarap sa media." sabe ni Kate at sinang ayunan naman yun ni Pam.

"Alam kong ayaw ni Akagi ng ganun. Natatakot ako na baka saktan nila si Akagi ayokong mabash si Akagi ng dahil sakin." naiiyak na sabe ni Misha na hindi maitago ang takot.

"Hindi ba sinabe ko sayo na hindi magiging madali na pumatol ka sa kanya nandyan talaga na mababash sya at minsan aawayin ng mga fans mo hindi na yun bago Misha at maraming mag tatanong kung bakit sya? Hindi lahat ng tao huhusgahan si Akagi pero 80% sa kanila na may ayaw kay Akagi. Maganda ka Misha kaya talagang magtatanong sila kung bakit ka pumatol sa kanya." paliwanag ni Pam.

"Kaya mo yan Misha nasa likod mo lang kami." ngiting sabe ni Kate na pinapalakas ang loob ni Misha.

Inabot ng gabe si Misha bago makauwe dahil hinatid pa ng driver nya si Pam at Kate.

"Misha....

Nagulat pa si Misha ng makita si Akagi na nakatayo sa likod nya.

"Akagi ikaw pala kanina kapa?" tanong ni Misha.

"Hindi naman. Kamusta ang shoot mo?" tanong ni Akagi.

"Bago ko sagutin yan pumasok na muna tayo." sabe ni Misha at tinulungan ni Akagi si Misha sa maleta nito.

Pagpasok nila agad na yumakap si Misha kay Akagi. "Natatakot ako na baka masaktan ka Akagi. Alam kong ayaw mong pinag uusapan ka sana mapatawad mo ko kung pati ikaw nadadamay." sabe ni Misha.

Humiwalay si Akagi sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ni Misha. "Oo hindi ako sanay na pinag uusapan pero hindi ko naman hahayaan na masaktan ka. Ayos lang sakin kung laitin at ibash nila ako basta wag ko lang makita na nasasaktan ang taong mahal ko." seryosong sabe ni Akagi.

"Salamat Akagi sana wag mong maisip na sumuko dahil hindi ko kaya na mawala ka sakin." naiiyak na sabe ni Misha.

"Hinding hindi kita isusuko Misha kahit na masaktan ako. Wag kana umiyak dahil hinding hindi kita iiwan ang laban mo laban ko rin." sabe ni Akagi at niyakap ng mahigpit si Misha.

"Mahal na mahal kita Akagi...

Napangiti naman si Akagi at sumagot. "Mahal na mahal din kita Misha nandito lang ako lage sa tabi mo." mahinang sabe ni Akagi.