webnovel

KABANATA TWELVE

Nahihiya si Akagi ng makitang maraming bisita. "Wag ka mahiya Akagi pakilala kita kay Trixie sya yung may birthday." sabi ni Misha at hinawakan ang kamay ni Akagi.

"Sino ba yang kasama ni Misha ang panget...

"OMG Misha sino yan?...

"Ano ba yan Misha pati kargador sa inyo dinala mo dito....

"Wag mo nalang sila pansinin Akagi." mahinang sabi ni Misha saka nagpatuloy sa paglalakad para puntahan ang kaibigang si Trixie.

Ngumiti lang si Akagi pero masakit para sa kanya ang laitin ng ibang tao pero wala syang magawa kundi hayaan na lang. "Trixie." tawag ni Misha at lumapit naman ang kaibigan.

"Akala ko hindi kana pupunta Misha I'm so happy na makita ka ulit. Oh my god sino sya don't tell me kaibigan mo sya Misha ang panget hah." maarteng sabi ni Trixie kay Akagi.

"Lalabas na lang ako Misha pasensya na." sabi ni Akagi saka nagmamadaling umalis.

"Hoy baklita hindi porket birthday mo hindi kita papatulan. Ang sama ng ugali mo kung anong kinaganda ng mukha ganun naman kapanget ang ugali mo." mataray na sabi ni Kiko kay Trixie.

"At sino ka naman hindi ka naman invited sa birthday party ko. Alam mo nagsasabe lang ako ng totoo hindi naman sya gwapo at ang panget nya." turan ni Tixie kaya naman nainis si Misha.

"Hindi ko akalain na ganyan ka pala Trixie. Tama si Kiko kung gaano ka kaganda ganun naman kapanget ang ugali mo. Happy birthday na lang." sabi ni Misha saka umalis.

Samantala nakita naman ng isang guests si Akagi na nasa labas kaya nilapitan nya ito. "Hi bakit mag isa ka?" tanong ng babae kay Akagi.

"Natatakot sila sakin panget kasi ako." sagot ni Akagi at tumawa lang ang babae.

"Ikaw panget parang di naman kung nakakatakot ka edi sana hindi kita nilapitan by the way I'm Kyline anong name mo?" tanong nito.

"Akagi." tipid na sagot ni Akagi.

"Nice name Akagi hehehe. Alam mo bang napilitan lang ako pumunta sa birthday party na to sa totoo lang ang boring ng party ni Trixie." sabi ni Kyline saka lumagok ng wine.

"Kaibigan mo yung Trixie?" tanong ni Akagi.

"Hindi noh. Alam ko naman kasing plastic sya yung babaeng yun kilala ka lang kapag may pakikinabangan sya kapag wala na di kana nya kaibigan. Isa pa laitera yun akala mo naman sobrang ganda aircon lang ang bahay kaya maputi pero nunka di naman sya kagandahan para sakin." sabi ni Kyline.

"Laitera ka din." sabi ni Akagi at natawa naman si Kyline.

"Hehehe hindi naman. May girlfriend kana ba?" tanong nito.

"Wala." sagot ni Akagi.

"Pwedeng mag apply?" seryosong tanong ni Kyline.

Hindi nakasagot si Akagi at tumawa ng malakas si Kyline. "Biro lang hehehe. Ang seryoso mo kasi." sabi ni Kyline at ngumiti kay Akagi.

"Alam ko naman biro yun dahil wala naman magkakagusto sa isang katulad ko." seryosong sabi ni Akagi...

"Wag mo maliitin ang sarili mo at wag mong pakikinggan ang sinasabi ng iba kasi kapag pinakinggan mo sila lage kang masasaktan. Maniniwala kabang panget ako dati nag ayos lang ako dahil sa isang taong binully ako well ayoko ng maalala yun." sabi ni Kyline habang iniisip ang mga pambubully ni Fukuda sa kanya dati.

"Nasaan na yung nambully sayo?" tanong ni Akagi.

"Bakit aawayin mo ba hehehe." ngiting sabi ni Kyline.

"Hindi." tipid na sagot ni Akagi.

"Nung elementary ako sagana ako sa pambubully pero isang tao yung di ko makakalimutan kasi sinabi nya sakin na kahit kailan hinding hindi nya ako magugustuhan kasi panget ako kaya naisip kong mag ayos para pag nakita nya ako hindi nya na ako aasaring panget. Alam mo Akagi crush ko sya nung bata pa ako hindi ko na nga lang alam kung nasaan na sya ngayon." kwento ni Kyline.

"Hanggang ngayon ba crush mo parin sya?" tanong ni Akagi.

"Ewan ko, siguro, baka, hindi ko alam." sagot ni Kyline.

Nakita naman nila Misha at Kiko na may kausap na babae si Akagi kaya mas minabuti nalang ng dalawa na wag lapitan si Akagi.

"Saan tayo pupunta gurl nagmamadali ka." sabi ni Kiko kay Misha.

"Uwi na tayo Kiko ako na lang magdadrive." sabi ni Misha at kinuha ang susi kay Kiko.

"Nagseselos kaba dahil may kasamang babae si Akagi hehehe. Umamin ka nga Misha may gusto kaba kay Akagi?" tanong ni Kiko at hindi naman agad makasagot si Misha.

"Oo Kiko gusto ko sya. Ayokong umamin ng nararamdaman ko dahil baka hindi kami pareho.... gusto ko sya Kiko gustong gusto." sabi ni Misha at napasigaw si Kiko.

Napatingin naman si Akagi at Kyline sa gawi nila Kiko dahil sa lakas nitong sumigaw. "Sorry girl nakita ata tayo." sabi ni Kiko.

Lumapit si Akagi at pumasok naman sa loob si Kyline. "Uuwi na kayo?" tanong ni Akagi.

"Ako fafa Akagi hindi pa kaso itong si Misha gusto na umuwi nagselos ata." nadulas na sabi ni Kiko at kinurot naman sya ni Misha.

"Nakakainis ka." sabi ni Misha kay Kiko at tumawa lang si Kiko.

"Kanino ka nagseselos?" tanong ni Akagi kay Misha.

"Wala yun Akagi pala biro kasi tong si Kiko." nahihiyang sabi ni Misha.

"Fafa Akagi nagseselos yan dun sa babaeng kausap mo. Sino ba yun Fafa Akagi kahit ako nagseselos na hehehe." ngiting sabi ni Kiko.

"Si Kyline yun bisita rin ni Trixie. Hatid ko na kayo." sabi ni Akagi at kinuha ang susi kay Misha.

"Fafa Akagi pwede kain muna tayo I'm hungry na kasi you know kanina pa tayo walang kain." maarteng sabi ni Kiko at natawa na lang si Misha at Akagi.

Kumain ang tatlo habang masayang nagkukwentuhan. "Akagi pasensya kana kay Trixie kanina." sabi ni Misha.

"Wala yun sanay na ako." sagot ni Akagi.

"Basta Fafa Akagi pagtatanggol kita kung sinong mang aapi sayo." sabi ni Kiko at napangiti na lang si Akagi.

"Aba Gori nandito ka." bungad ni Sakuragi kasama si Rukawa Mitsui at Ryota.

"Anong ginagawa nyo rito?" tanong ni Akagi.

"OMG ang gwapo." sambit ni Kiko ng makita si Rukawa Mitsui Sakuragi at Ryota.

"Hi." ngiting bati ni Misha.

"Ang ganda mo naman ako nga pala si Hisashi Mitsui." ngiting bati ni Mitsui at kinindatan si Misha.

"Hi ako nga pala si Hanamichi Sakuragi ang henyo sa basketball." mayabang na sabi ni Sakuragi.

"Ano bang ginagawa ng mga to dito." sabi ni Akagi sa sarili na masama ang tingin kanila Sakuragi.

"Ikaw anong pangalan mo?" tanong ni Kiko kay Rukawa.

"Kaede Rukawa." sagot ni Rukawa.

"Ang pogi mo naman." sabi ni Kiko habang nagpapacute kay Rukawa at Ryota

"May girlfriend kana ba?" tanong ni Kiko kay Rukawa.

"Wala asawa meron." seryosong sabi ni Rukawa at nalungkot naman si Kiko.

"Ito walang asawa available yan." sabi ni Sakuragi at tinulak si Ryota.

"Loko ka Hanamichi ibebenta mo pa ako. Hindi na ako available pare sorry." sabi ni Ryota at lalong nainis si Kiko.

"Anong pare my god sa outfit kong to tatawagin mo kong pare nakakainis hah." sabi ni Kiko at tumawa lang si Misha at Mitsui.

"Ano kaba?" tanong ni Rukawa kay Kiko

"Tao.. ano ba naman kayo nakakasakit na kayo ng damdamin hah." naiinis na sabi ni Kiko.

"Sorry. Ano bang pangalan mo?" tanong ni Ryota kay Kiko.

"Kiko ang name ko pero sa gabi Zelpha hehehe." ngiting sabi ni Kiko.

"Bakla ka?" tanong ni Sakuragi.

"Obvious ba." mataray na sabi ni Kiko.

"Anong gusto mong itawag namin sayo Zelpha o Kiko?" tanong ni Mitsui.

"Gusto ko si Rukawa at Ryota lang tatawag ng Zelpha sakin." sabi ni Kiko at hinawakan si Rukawa sa braso.

"Pwede ba bitawan mo ko kung ayaw mong mabasag yang mukha mo." sabi ni Rukawa at natakot naman si Kiko.

"Pasensya kana dyan kay Rukawa kay Haruko lang kasi malambot ang puso nyan. By the way Zelpha nice meeting you." ngiting sabi ni Ryota.

"Ang bait mo naman hehehe ang cute pa." kinikilig na sabi ni Kiko.

"Bakit ka nga pala naka tuxedo Gori?" tanong ni Sakuragi.

"Pumunta kasi kami sa party ni Trixie kaya lang umalis na kami kasi nilait nila si Fafa Akagi." kwento ni Kiko.

"Pumayag kang laitin ng ibang tao Akagi? Hindi ata ikaw yan." sabi ni Mitsui...

"Sinong Trixie yan. Aba walang pwedeng lumait kay Gori kundi ako lang." sabi ni Sakuragi at nagtawanan sila Kiko at Misha.

"Pwede ba umuwi na kayo." naiinis na sabi ni Akagi.

"Namiss ka namin captain. Hindi kana pumupunta sa gym kinalimutan muna kami bakit ganyan ka captain." nagdadrama na sabi ni Ryota.

"Alam mo bang walang araw na hindi nag aaway si Sakuragi at Rukawa lage akong taga awat kasi wala kana tapos ngayon ipagtatabuyan mo kami ganyan kaba talaga Akagi." sabi naman ni Mitsui habang kunwaring umiiyak.

"Tumigil na kayo pwede ba." galit na sabi ni Akagi.

Natatawa sila Misha at Kiko kanila Ryota Sakuragi at Mitsui samantalang si Rukawa naman natulog nalang habang hinihintay matapos makipag kwentuhan sila Sakuragi.