webnovel

KABANATA ELEVEN

Hindi makatulog si Akagi kakaisip kay Misha. "Ano ba tong nangyayare sakin." inis na sabi ni Akagi saka tumayo para kumuha ng malamig na tubig..

"Kuya bakit gising kapa?" tanong ni Haruko ng makita ang kuya nya.

"Ikaw bakit gising kapa matulog kana." seryosong sabi ni Akagi.

"Sige kuya goodnight." ngiting sabi ni Haruko saka nagpaalam na sa kuya nya para matulog.

"Alam kong wala lang to pero bakit napakalakas ng tibok ng puso ko sa tuwing makikita ko sya? Hindi kami bagay ni Misha at kahit kailan malabong magustuhan nya ako." mahinang sabi ni Akagi...

"Hindi malabo yun anak." bungad ng Papa ni Akagi.

"Bakit hindi pa po kayo natutulog?" tanong ni Akagi.

"Tulad mo hindi rin ako makatulog. Anak may babae kabang nagugustuhan? kaya hindi ka makatulog. Alam mo ganyan na ganyan din ako sayo hindi makatulog kakaisip sa babaeng gusto ko." kwento ng Papa ni Akagi.

"Hindi naman po yun ang dahilan ko kung bakit di ako makatulog. Malapit na po kasi ang laro namin." seryosong sabi ni Akagi at ngumiti naman ang papa nya.

"Sabi nga sa kanta kapag tumibok ang puso wala kanang magagawa. O sya anak goodnight galingan mo sa laban nyo at galingan mo rin sa panliligaw hehehe." ngiting sabi ng papa ni Akagi saka nagpaalam na para matulog.

"Hindi naman ako nanliligaw eh." pahabol na sabi ni Akagi saka bumuntong hininga.

Dumating ang sabado at sinundo ni Akagi si Misha.....

Nakasuot si Akagi ng tuxedo dahil sya ang partner ni Misha sa birthday party ng kaibigan nya. "Wow you look great Akagi." puri ni Misha ng makita si Akagi.

"Thank you." nahihiyang sabi ni Akagi.

"Tara na daan muna tayo sa photo shoot ko okay lang ba?" tanong ni Misha.

"Okay lang." sagot naman ni Akagi.

Hindi maiwasan ni Akagi na tignan si Misha dahil sa taglay nitong ganda kahit walang make up. "Ano ba tong nangyayare sakin." naiinis na sabi ni Akagi sa sarili.

"Okay ka lang ba Akagi? Wag ka mag alala konti lang naman tao sa photo shoot tska gusto rin kita ipakilala kanila kate." ngiting sabi ni Misha.

"Okay." tipid na sagot ni Akagi.

Pag dating nila sinalubong agad sila ni Kate at Kiko. "Fafa Akagi nandito ka hehehe. Ang gwapo mo talaga fafa Akagi." kinikilig na sabi ni Kiko ng makita si Akagi..

"Sya ba si Takenori Akagi yung kinukwento mo?" bulong ni Kate kay Misha.

"Oo. Ang gwapo nya noh hehehe." mahinang sabi ni Misha habang nakatingin kay Akagi na kausap ni Kiko.

"Okay lang." sagot na lang ni Kate na parang di sang ayon sa sinabi ni Misha.

Hinintay nga ni Akagi na matapos ang photo shoot ni Misha. Hindi naman sya nainip dahil kausap nito si Kiko. "Alam mo fafa Akagi bagay kayo ni Misha." ngiting sabi ni Kiko.

Halos maibuga ni Akagi ang iniinom nya ng sabihin ni Kiko sa kanya yun. "Bakit mo naman nasabe yan. Maganda si Misha hindi kami bagay." seryosong sabi ni Akagi.

"Bakit ano ba tingin mo sayo panget? Gwapo ka kaya nga nagustuhan kita well hindi naman lahat ng babae sa looks nakatingin. Mas gusto ng ibang babae yung macho yung kaya kaming ipaglaban kapag naaapi kami mga ganun pak na pak yun." sabi ni Kiko at napangiti na lang si Akagi.

"Alam mo kasi yang si Misha NBSB yan sa ganda nyang yan wala pa syang naging boyfriend. Pag aaral lang kasi at modelling lang inaatupag nyan kaya nga pag nagka boyfriend yan magpapa party ako sa barangay namin hahaha." natatawang sabi ni Kiko.

"Bakit sa barangay nyo lang?" tanong ni Akagi.

"Gusto mo ba sa barangay nyo hehehe. Ikaw Fafa Akagi palabiro ka rin pala kaya love kita eh." ngiting sabi ni Kiko saka humawak sa braso ni Akagi.

"Tigilan mo ko sasamain ka sakin eh." inis na sabi ni Akagi saka tinanggal ang kamay sa pagkakahawak sa braso nya..

"Kundi man maging tayo Fafa Akagi sana kayo na lang ni Misha bagay kayo eh. Gusto ko kasi mapunta sya sa lalaking hindi sya sasaktan yung kaya syang panindigan bihira na lang kasi sa isang lalaki na hindi magloloko." sabi ni Kiko.

"Bakit sapalagay mo ba hindi ko sya kayang lokohin?" tanong ni Akagi.

"Oo ikaw yung taong may prinsipyo yung bang may isang salita at kayang panindigan ang sinabi at alam kong di mo magagawang magloko ng babae. Hindi ba tinapat muna ako nun na kahit masakit tinanggap ko hehehe ikaw ba naman irealtalk di ka masasaktan....

"Sorry hindi ko naman gustong sabihin sayo yun kaya lang mas masasaktan ka kapag umasa ka lang sa wala. Straight ako at di tayo pwede I'm sorry Kiko." seryosong sabi ni Akagi at ngumiti naman si Kiko.

"Ano kaba okay lang I understand naman fafa Akagi kaya nga si Misha na lang di ba atleast yung pag mamahal na di mo mabibigay sakin pwede mong ibigay sa kanya kasi straight ka di ba hehehe." nang aasar na sabi ni Kiko at tumawa lang si Akagi.

Natapos ang photo shoot ni Misha at nakita nyang nagkakasiyahan sila Kiko kasama rin ang kaibigan nyang si Kate.

"Okay ka lang?" untag ng make up artist ni Misha.

"Oo." tipid na sagot ni Misha..

"Misha." tawag ni Kate.

Lumapit naman si Misha at ngumiti kay Akagi. "Tapos na photo shoot mo?" tanong ni Akagi.

"Alam mo Misha sarap kausap ni Akagi akala ko nakakatakot sya hindi pala. Ano Akagi sama ka samin ni Kiko bukas?" tanong ni Kate.

"Sige wala naman akong gagawin ng sunday eh." sagot ni Akagi.

"Ano Misha okay lang ba sayo sama namin si Fafa Akagi baka kasi magselos ka dyan hehehe." birong sabi ni Kiko.

"Hah hindi hah." namumulang sabi ni Misha na hindi makatingin kay Akagi.

"Sama ka kung wala kang gagawin ng sunday." sabi ni Akagi kay Misha at kinilig naman si Kiko ganun din si Kate.

"Sige." ngiting sabi naman ni Misha.

"Hindi naman chocolate kinakain ko pero nilalanggam ako hahaha." natatawang sabi ni Kiko.

"Bakla bakit ikaw ang nilalanggam di ba dapat si Misha hehehe. Grabe bagay din pala sila." mahinang sabi ni Kate kay Kiko.

"Pasabunot friend kinikilig ako hahaha." sabi ni Kiko saka hinampas at sinabunutan si Kate.

"Sabunot lang usapan bakit may hampas na kasama." inis na sabi ni Kate.

"Pasensya kana sa mga kaibigan ko." nahihiyang sabi ni Misha kay Akagi.

"Okay lang nag enjoy naman akong kausap sila. Aalis na ba tayo?" tanong ni Akagi.

"Oo. Ahm Akagi ayusin ko lang yung necktie mo." sabi ni Misha at inayos ang necktie ni Akagi.

"Ang ganda mo." mahinang sabi ni Akagi.

"Ano?" tanong ni Misha.

"Wala sabi ko salamat." sagot ni Akagi saka lumayo.

"Sabi nya maganda ka daw wag kang bungol friend." sabi ni Kiko at natawa naman si Kate.

"Ahm alis na tayo ako na magdadala nyan para di ka mahirapan." sabi ni Akagi at kinuha ang mga gamit ni Misha.

"Napaka gentleman naman talaga." sabi ni Kate.

"Bakit pag ako maraming dala ayaw ako tulungan ni fafa Akagi pag kay Misha to the rescue so unfair." nakasimangot na sabi ni Kiko at ngumiti naman si Misha at Kate.