webnovel

You Can Count On Me

You can always count on me. Always. My bestfriend.

Esrixx · Realistic
Not enough ratings
7 Chs

Three

"Dude!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Chloe. Dala niya ang isang tray na may lamang mga mangkok, pinggan, kutsara at baso. Para siyang waitress hahaha!

Tumayo ako, lumapit sa kaniya at kinuha yung tray. "Ako na."

Dinala ko yun sa table namin at inayos ko na rin. Dalawang kanin, dalawang sabaw, isang kare-kare at isang dinakdakan ang laman ng tray. Napangiti ako. She knows me too well.

"Sa wakas! Makakapag almusal na rin ako!" sigaw ni Chloe at nag inat pa. Iba talaga! "Ang ingay mo, dude. Di ka ba nahihiya?"

Tinignan niya ko ng masama kaya agad akong napalayo sa kaniya. Nananakit yan eh. "Eh kung sipain kaya kita?"

Napangiwi ako. Teka, babae ba talaga to? "Joke lang, dude. Wag mo ng pansinin yung tanong ko." kunwaring tumatawa na sabi ko pero inirapan niya lang ako at umupo na. Umupo na rin ako, kaharap niya.

Then we starts eating.

"Alam mo, dude, dapat humanap ka na ng trabaho. It's been one year since we graduate pero hindi parin stable ang work mo. Dapat gayahin mo ko! I'm working happily. I love my work and I hope, sana lang maiahon ko na sila Nanay sa kahirapan. I want to give back all the sacrifices, hardship and sweats na pinaghirapan nila para makapagtapos ako." pagkwekwento niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Kilala mo ko, dude. Alam mo lahat ng paghihirap ko, lahat ng pagpupuyat ko at mga iniyak ko tuwing nahihirapan ako sa mga klase at projects ko. Hindi ko hahayaang mapunta lahat ng yun sa wala. I want to be successful someday, dude. I know I will!"

Ramdam na ramdam ko yung pagiging competitive niya. Isa ito sa mga nagustuhan ko kay Chloe. She's not easily giving up. May pangarap siya sa buhay and she love her family. Hindi niya sila iniwan at pinabayaan. She's so kind.

Masyadong mabait na minsan inaabuso na nila.

Ewan ko ba naman dito kay Chloe. Ang dami niya ng nakarelasyon, hindi ko na nga mabilang eh. Simula nung high school pa lang kami, marami ng manliligaw yan. And ganda kasi niyang si Chloe tapos ang bait pa! Marami na siyang naging karelasyon kaya iba iba na ring sakit ang naramdaman niyang best friend ko.

Ang tigas naman kasi ng ulo.

Minsan nga sa sobrang kakulitan niya, gusto ko na lang siyang itali sa beywang ko para hindi siya kung saan saan pumupunta at hindi kung sino sino ang kasama. Ang hirap niya rin kasi minsang sawayin. I really want to tell her to stop going out with other boys pero hindi ko masabi. Hindi ko rin siya kayang pigilan because that's what she really hates!

To stole her freedom from her.

Ayaw na ayaw niya yan. Ayaw niyang pinipigalan siya. Ang lagi niyang sagot pag minsan napagsasabihan ko siya,

'Kalma lang, dude! Hindi naman ako gagawa ng bagay na ikasasama ko!'

Ang sarap niya ngang batukan eh. Hindi na siya nakikinig sakin samantalang dati halos ayaw niyang humiwalay at umalis sa tabi ko. Ngayon madalang na kaming magsama. Thrice in a week? Twice or ones? Hindi ko alam. Minsan kasi talagang busy siya pero madalas palaging yung mga manliligaw niya na ang kasama niya.

Sinabi ko sa kaniyang nagtatampo na ko kasi kinakalimutan niya na ako pero binatukan at kinurot niya lang ako nun. Para daw akong tanga. Ang hirap niya rin naman kasing kausap minsan, hindi- madalas pala!

"Hoy, dude! Nakikinig ka ba sakin? Parang kang tanga na nakatulala diyan!" napakurap ako sa sinabi niya. See? Tsk!

"Kumain ka na nga lang diyan. Mapupuno ng hangin yang tiyan mo sa kadadaldal mo!"

Sumimangot siya at tsaka umirap sa akin. "Bahala ka nga, wag mo kong kausapin." imbes na mainis sa kaniya o mag alala eh mas matawa lang ako.

We're on our way to her apartment. Nasabi ko na bang hindi kami umuuwi sa probinsiya? May sarili kaming apartment na hinuhulugan namin kada buwan. Noong una magkasama kami sa iisang apartment kaso lumipat siya nung nagkatrabaho na siya. Mas madali raw kasi kung malapit yung apartment niya sa company na pinagtratrabahuan niya.

Oh and by the way, she's the assistant of the CEO of RS Finances. Kaya malaki ang sahod ng babaeng yan. Isa kasi ang RS Finances sa mga pinakamalalaking kompanya sa buong Maynila. Jackpot nga si Chloe, buti nakapasa siya sa trabahong yan. I think, mga 8 months na rin siyang nagtratrabaho at tulad nga ng sabi niya kanina, she's happy at her work.

She open her apartment ng makarating kami. Simple lang siya pero mas malaki sa apartment namin dati. Kumpleto naman sa gamit. May led tv pa mga, may sarili rin siyang kwarto ang maganda naman talaga.

I enter the room like it's my own. Pero hindi na nagcomplain si Chloe. Sanay na sakin yan, sanay na kami sa isa't isa. Minsan dito ako natutulog or minsan naman pag nakaleave siya, doon siya natutulog sa dati namin apartment kung saan ako nag iistay. Pero wag kayong ano diyan! Hindi kami natutulog sa iisang kama.

"Wala ka bang trabaho ngayon? It's already 9 in the morning." tanong ko sa kaniya tsaka casual na umupo sa sahig ng sala niya. Umiling naman siya at may kinuha sa ilalim ng coffee table. Usb ata?

"One week ang leave ko, dude. May four days pa akong free!" excited na sabi niya at sinaksak ang usb sa may tv. Saka siya umupo sa may couch. Lumapit ako sa kaniya, nakaupo ako sa sahig habang nakasandal sa may couch. Nasa gilid ko ang paa niya.

"Let's watch a movie! Ang tagal na nung last na ang movie marathon tayo."

Itinaas ko ang tingin sa kaniya. "Ang aga pa, dude! Dapat gabi tayo mag movie marathon."

Inilipat niya ang tingin sa akin na kaninang nasa tv. Nakita kung nagsalubong ang kaniyang kilay. "As far as I know, walang batas na nagbabawal mag movie marathon sa umaga."

Pilosopo.

Napabuntong hininga ako. "Sabi ko nga."

"Kuha lang ako ng makakain. Siguro naman may tsitsirya ka dito." sabi ko sa kaniya. Tinuro niya ang kusina ng hindi tumitingin sa akin.

"Tignan mo diyan. Mayroon pa atang Oishi diyan. Kuhanan mo nga rin ako, dude. Yung maanghang ah! Yung orange na may red! Yung may apoy apoy!"

Anong may apoy apoy?

Pumunta ako ng kusina niya at may nakakalat ngang Oishi sa lamesa niya. Jusko talagang babae to, hindi marunong mag ayos ng gamit niya.

Kumuha ako ng tatlo. Dalawang yung sweet and extra hot at isang spicy. Sweet and extra hot pala yung sinasabi niyang may apoy apoy. Hahaha.

Kumuha rin ako ng dalawang sprite in can sa ref niya. Yayamanin naman tomg bestfriend ko. Ang daming laman ng ref!

Bumalik ako sa sala at nakahiga na siya sa couch ngayon. Nakatagilid siya at nakapatong ang ulo niya sa isa niyang kamay. Hawak niya parin yung remote and her eyes are focused on the TV.

Binato ko sa kaniya yung isang Oishi. "Yan ba?" tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ko ng masama. "Oo, ito. Tsk!"

Tignan mo to! Siya na nga yung nagpakuha tapos ako pa yung titignan niya ng masama. "Thank you, Chloe!" nanunuya kung sabi.

Ngumisi siya at muling tumingin sa TV. "You're welcome, Kyle James."

Napailing na lang ako at muling umupo sa kinauupuan ko kanina. Nilapag ko sa coffee table ang dala kong tsitsirya at yung isang sprite samantalang binuksan ko naman yung isa.

Uminom ako doon at tumingin sa TV.

"What the-" napaubo ako at nailayo ko ang sprite sa akin ng makita ko ang movies sa kaniyang usb.

What the heck?!

"Ano yang mga yan?!" malakas kong tanong habang nakatingin sa kaniya at tinuro ang tv.

Nakangisi siyang tumingin sa akin. "Edi mga movies. Tanga lang, dude?"

Taena! Alam ko namang mga movies yan pero kasi...

"Bakit? May masama ba sa mga movies ko?" I looked at her in disbelief. Anong may masama?! Eh yang mga movies niya...

"Fifty shades? Sex tape?! American Pie?! At iba pang erotic movies?!Pinagloloko mo ba ko, ha Chloe?!"

Natawa siya. "Ikaw nga diyan! Paano mo alam na erotic movies yang mga yan?"

Shit!

Napatigil ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. "Ahmm..."

Narinig kung mas natawa siya. Putek ka talaga Chloe! "Hala ka, dude! Napanood mo na lahat yan nu?" mas lalo siyang natawa ng yumuko ako.

Humigpit ang kapit ko sa softdrinks at ramdam ko ang pag iinit ng tainga ko. Damn it!

Nagulat ako at agad na napaiwas ng maramdaman kung may humawak sa tainga ko. "Chloe!!" tinignan ko siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.

"Ano bang gusto mong panoorin? Marami pa diyang iba, baka may hindi ka pa napapanood diyan." tumatawa parin siya kaya mas sumama ang tingin ko sa kaniya.

Unbelievable.

"Wala akong gustong panoorin! Bahala ka nga diyan!" then I stand up. Ibinaba ko ang softdrinks na halos matupi na sa higpit ng kapit ko at aalis na sana ng may humawak sa kamay ko.

Nalipat doon ang tingin ko. Si Chloe.

Tumingin ako sa kaniya at nakaupo na siya. Hindi na rin siya tumatawa. "Okay, okay! Hindi na, dude. May iba naman akong USB dito. Doon na lang tayo pumili ng movie na panonoorin."

She's staring at me using her puppy eyes. Alam niya kasing aalis talaga ako pag hindi siya tumigil.  Napabuntong hininga ulit akong umupo. Hahawak rin sana ako sa kamay niya ng bawiin niya yun.

I looked at my hand. Why did I felt a sudden dissapointment?

"Diyan ka lang. Kukunin ko lang yung USB sa kwarto." tsaka siya tumayo at pumasok sa kwarto niya.

Muli kung kinuha yung softdrink at uminom doon. Grabe talaga kanina! Hiyang hiya ako kay Chloe. Hindi ko lang pinapahalata sa kaniya pero gusto kung kainin na lang ako ng lupa kanina para hindi niya makita ang tainga kong namumula pero putek! Loko talaga si Chloe! Hinawakan pa! Tsk!

Napatingin ako sa cellphone niyang nakalapag sa table ng tumunog iyon. Wala kaming tinatagong sekreto sa isa't isa kaya walang pagdadalawang isip kung kinuha ang phone niya at binuksan yun.

I saw a text from her...boss?

Ayaw ko sanang basahin yun pero dahil curiosity kills the cat, binasa ko parin.

*Boss Ray*

Where are you, Chloe? Can I take you out for dinner?

Humigpit ang kapit ko sa cellphone niya ng mabasa ko ang text sa kaniya ng kaniyang boss. Nagsalubong ang dalawang kilay ko at uminit ang ulo ko.

Who is this asshole?

Teka, may gusto ba sakaniya ang boss niya? What the hell? May dinner dinner pa tong nalalama-

"Dude? Bat hawak mo ang phone ko?" napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Chloe.

Iniabot ko sa kaniya ang phone niya. "Nag text ang boss mo. Niyayaya ka atang makipag date."

"Ano?" kinuna niya sakin yun at agad na tinignan ang kaniyang phone.

Tsk! Excited pa ata siyang mabasa kung totoo nga yung sinabi ko.

Nakakuyom ang isa kung kamay habang mahigpit ang kapit ko sa lata ng softdrinks na sa tingin ko ay nayupi na. Inubos ko ang laman nun sa sobrang init ng ulo ko at padabog kong ibinaba sa lamesa.

Umupo siya sa couch at mukhang hindi niya yata napansing nagdabog ako. The heck?! Masyado naman ata siyang nakafocus sa pagrereply sa walanghiya niyang boss na yun.

Mas uminit ang ulo ko ng makita ko siyang ngumiti. Binaba niya sa gilid ang phone niya at nakangiting tumingin sa akin. Kinunutan ko siya ng noo. "Oh bat ka ngumingiti ngiti diyan?"

Nakangiti parin siyang umiling. "Wala naman, dude. Ano, manood na tayo?"

Magkasalubong ang kilay kung nakatingin sa kaniya. "Para kang timang na ngumingiti diyan. So ano, pupunta ka?" I asked.

Mas lumawak ang ngiti niya at magkakasunod na tumango. "Ehh! Oo syempre! Dude, tulungan mo akong mag ayos mamaya ah! Dapat maganda ako! Hala excited na ako!!"

Tinignan ko siya ng masama. "Pumayag ka?!" malakas na tanong ko sa kaniya. Napakunot naman siyang tumingin sa akin. "Bakit naman hindi ako papayag? Dude, ang pogi kaya ng boss ko! Tapos siya pa nagyaya, palalampasin ko pa ba yun?" what? Pogi? Saan namang banda pogi ang boss niyang yun? Mas gwapo pa naman ako doon, mas macho pa ako at mas lalo ng mas cute ako doon! Mayaman lang ang bakulaw na yun eh!

"Bahala ka nga." pagsuko kong sabi at umiwas na ng tingin sa kaniya. "Sige na, palitan mo na yang USB at manood na tayo. Uuwi na ako maya maya."

Teka nagseselos ba si Kyle babe?

Esrixxcreators' thoughts