webnovel

You Can Count On Me

You can always count on me. Always. My bestfriend.

Esrixx · Realistic
Not enough ratings
7 Chs

Two

"Dude gising na! Tirik na tirik na yung araw oh!"

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses niya. Minulat ko ang mata ko at nakita ko siyang nakatayo habang nakapameywang. "Good morning!" hyper na sabi niya.

Napakunot ang noo ko. Teka, panaginip lang ba yung pag iyak iyak niya kagabi?

"Mukhang good mood ka ata ngayon. May nangyari ba?"

Nakangiti siya umiling. "Wala naman. May naalala lang kasi ako."

"Ano naman yun?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Ikaw ang manglilibre ng almusal! Kaya dali na, bumangon ka na diyan! Nagugutom na ko!" hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Naalala mo pa yun?!" ang tagal na kaya naming hindi sinusunod yun. Last week pa ata yung pinakahuli na sinunod namin yun. Paano ba naman, palaging yung ex niya ang bukang bibig niya. Nakalimutan niya tuloy ang usapan namin.

"Syempre naman! Dali na, dude! Ilibre mo na ko!" kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Tinulak ko naman ang sarili ko para hindi siya mahirapan.

Kinaltukan ko siya. "Diyan ka magaling eh!" ako naman ang humawak sa kamay niya. "Tara na nga." hinila ko siya pababa ng bundok na tambayan namin.

Buti na lang dala ko yung wallet ko. Paniguradong ayaw gumastos nitong babaeng to kahit ni piso. Ang galing talaga!

Nilakad na namin ang daan papuntang karinderya ni Nanay Tina. Suki na kami doon.  Palagi kasi kaming kumakain doon at minsan doon din kami tumatambay. Sanay na nga samin si Nanay Tina, araw araw kaming hinahanap. Kaya nga nagtaka si Nanay nung napakadalang naming kumain doon last week.

Busy kasi si Chloe sa gago niyang ex.

Tinignan ko siya habang naglalakad kami. Nakangiti parin siya pero halata ang pagmamaga ng mata niya at ang laki pa ng eyebags. Para siyang zombie!

"Ang pangit mo!" nakangising asar ko sa kaniya. Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng pagkainis. Tinignan niya ko ng masama. "Anong sabi mo?!" malakas ang boses na tanong niya.

Napatingin ako sa paligid. Pinagtitinginan kami dahil sa lakas ng boses niya. Eskandalosa talaga to kahit kailan. "Wala. Sabi ko ang ingay mo! Nakakahiya. Tignan mo nga, nakatingin tuloy sila sa atin." bulong ko sa kaniya.

Umirap naman siya at nilibot rin ang paningin niya. "Wala naman!" maingay ulit na sagot niya.

Napangiwi ako at tinalikuran siya. Tumingin ako sa mga taong tumitingin sa amin. "Hindi ko po siya kilala. Baliw po yata." sabi ko at lumalayo sa kaniya.

Nagulat ako ng may bumatok sa akin. Ang lakas! "Hoy! Anong baliw ang pinagsasabi mo?! Gusto mo bang patulugin kita dito sa gilid ng kalsada ngayon? Ha?!"

Ngumisi ako. "Joke lang, dude." Malakas ko siyang inakbayan kaya muntik na siyang matumba. Nakatanggap na naman tuloy ako ng masamang tingin. "Tara na nga, nagugutom na rin ako."

Ng makapasok kami, agad na umalis si Chloe sa pagkakaakbay ko at tumakbo papuntang kusina. Pinagtinginan tuloy siya nung mga kumakain. Napailing ako. Wala talaga siyang hiya.

Sumunod ako sa kaniya at nakita kung kayakap niya si Nanay Tina. "Namiss kita, Nay! Kamusta na po kayo?" masiglang banggit ni Chloe.

"Ayos lang ako, anak. Ikaw? Bat ngayon na lang ulit kita nakita dito?"

Kitang kita ko kung paano nawala ang ngiti ni Chloe. Siniko ko siya kaya napalingon siya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. Tumango siya at muling tumingin kay Nanay.

"Ang tagal na po pala nung huli akong nakakain dito. Nay, ano bang masarap na almusal diyan?"

Mukha namang hindi napansin ni Nanay na iniba niya yung topic. "Syempre lahat masarap. Ano bang gusto niyong almusal, mga anak?"

"Ikaw na ang tumingin, dude. Hanap na ko ng upuan natin." sabi ko sa kaniya. Thumbs up ang sagot niya sakin. "Nay, labas na po ako." baling ko kay Nanay at tumango siya "Sige." lumabas na ako.

Maaga aga pa at uunti pa ang tao kaya libre pa ang pwesto namin. Doon ako umupo, sa pwesto namin palagi pag nandito kami. Malapit sa tubig.

Adik kasi si Chloe sa tubig. Ito ang ginagawa niyang alak. Grabe yun kung makalaklak ng tubig! Madalang din siyang mag softdrinks and mag juice. Madalas talaga tubig.

Bago ko makalimutan, ako nga pala si Kyle James Serrano. At yung babaeng eskandalosa, adik sa tubig at parang zombie na kasama ko kanina ay si Chloe Lopez. My 17 years bestfriend.

Kung cheap sa paningin niyo ang karinderya, pasensya na. Hindi kasi namin afford kumain sa mamahaling restaurant. 7 years old palang ako ng makilala ko si Chloe.

Karpentero si Papa habang nagtitinda naman sa may palengke si Mama. Malapit lang ang bahay namin sa may palayan. Naalala ko pa kung paano siya nahulog sa putik sa may palayan. Nakatingin ako sa kaniya habang tumatakbo takbo siya at ayun, nahulog siya sa may putikan. Tatanga tanga kasi. Tinawanan ko siya nun at tinignan niya naman ako ng masama. Masungit talaga siya dati, hanggang ngayon naman.

At hindi ko na namalayan na lagi ko na pala siyang inaabangan doon. Palagi siyang natutumba at nasusugatan dati dahil sa sobrang likot at kulit niya. Nung una ko siyang nakita na umiyak dahil natisod siya sa bato, doon ako lumapit sa kaniya at doon din kami nag umpisang maging malapit sa isa't isa.

Ako ang laging naglilinis ng sugat niya dahil palaging busy ang Mama at Papa niya. Magsasaka ang Papa niya habang nagtatahi naman ang Mama niya. Madalas nga siyang mapagalitan pag naglalaro siya sa may palayan. Pero parang wala naman sa kaniya. Ngingiti pa nga siya at minsan tatawa pa. Kaya palaging iling na lang ang sinasagot ni Tito.

Palagi rin ako sa bahay nila at ganon din naman siya sa amin. Malapit lang naman kasi kami sa isa't isa. Walking distance lang. Minsan nga doon ako kumakain ng almusal, tanghalian at hapunan sa bahay nila at syempre hindi siya papahuli, ganon din siya sa bahay namin.

Natatawa na nga lang sa amin sila Mama at Tita. Kulang na lang daw, magpalit na kami ng mukha dahil palagi kaming magkasama. Hindi kami mapaghiwalay.

May minsan ngang tumulong ako kay Mama sa palengke at hindi ako nakapag paalam sa kaniya. Ayun, hinanap niya ko. Sarado yung bahay at wala siyang nadatnan doon, umiyak ba naman ng buong araw kasi akala niya umalis na kami doon at lumipat ng ibang bahay. Iba talaga siya mag isip! Hahaha!

Kaya simula nun, mas lalo kaming hindi mapaghiwalay. Graduate na kami ng college at lahat lahat pero ito parin kami.

Magkasama parin kami.