webnovel

You Can Count On Me

You can always count on me. Always. My bestfriend.

Esrixx · Realistic
Not enough ratings
7 Chs

Four

Three ako umalis kila Chloe and I waste my time roaming around the city. Naglakad lakad ako at tumambay sa kung saan saan. Seven o'clock na nung makarating ako sa apartment. Agad akong pumunta sa kwarto ko at nagtake ng shower. Pagkatapos kung maligo, nagbihis na ako. I wore a simple black ripped jeans and navy blue plain shirt. Tsaka ko kinuha ang white coat na nakatago sa may ilalim na parte ng cabinet ko.

Nagmamadali akong lumabas ulit ng apartment at pumara ng taxi. Walang ten minutes, dumating agad ako sa Saint High Hospital. Nagbayad ako sa taxi at naglakad na papasok.

Walang emosyon akong naglakad hanggang sa makapasok ako sa loob ng ospital. At dahil maaga aga pa naman, marami pang tao na palakad lakad doon.

May mga nurses na nagtutulak ng wheelchair ng pasyente, mayroon ring may dalang tray, at yung iba naman ay off duty. Their are also other doctors who's roaming around.

"Good evening, Doc."

"Hi, Doc."

"Good eve, Doc."

Tumango ako sa mga bumabati sa akin.

Don't be shock. I'm actually a doctor. Mag iisang taon na akong doctor at walang kaalam alam doon si Chloe. She thinks that wala pa akong trabaho pero ang hindi niya alam ay stable na rin ang hanapbuhay ko. I'm a college graduate and an outstanding student kaya hindi ako nahirapang maghanap ng trabaho.

Trabaho ang humahanap sa akin hindi ako.

I managed to hide it from Chloe. Don't get me wrong. May dahilan kung bat hindi ko sinabi sa kaniya. Nung nag aaral pa lang ako, ayaw niya na talaga sa kinuha kung course. Sinabi ko sa kaniyang pangarap ko magdoctor pero ayaw niyang magdoctor ako. She didn't talked to me for a months dahil lang diyan.

She hates doctors.

Hindi ko naman siya masisisi. Simula kasi nang mamatay ang lola niya nagtanim na rin siya ng sama ng loob sa mga doctor. Nung mga panahong yun, parehas pa kaming nag aaral kaya wala pa akong pera na maitutulong sa kaniya. At hindi sapat ang perang mayroon sila pantustos sa pang-ospital. Mahal na mahal ni Chloe ang lola niya at halos magmakaawa siya sa mga doctor na pagalingin ito ng magkacancer. Pero dahil sa hirap ng buhay, hindi natuloy ang operasyon. Hindi nila pinayagan sila Chloe na operahan ang lola niya hanggat hindi sila nakakapagbayad.

Simula nun, nagalit na siya sa mga doktor at ayaw na ayaw niya ng pumupunta sa ospital. She blamed them for her grandmother's death.

Kaya hanggang ngayon hindi ko parin masabi sabi sa kaniyang doktor na ako. I'm a successful doctor. Sa loob ng isang taon, naging maayos naman ang trabaho ko. Actually, I'm one of the most outstanding doctors in the whole Manila.

Ilang beses na rin akong nafeatured sa mga magazine at may mga gustong mag interview sa akin in TV pero hindi ako pumapayag. I'm scared na baka malaman ni Chloe at kamuhian niya na rin ako. Sa tuwing naiisip ko yung ay halos kainin ng takot ang buong katawan ko.

Ilang ulit ko na ring plinano na sabihin sa kaniya pero tuwing nasa harapan ko na siya ay umaatras ang dila ko. Kinakabahan ako sa tuwing nababanggit niya ang about sa work. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya, kung paano ko ipapaliwanag.

Yes, this is my dream but I can't afford to lose her.

Hanggat kaya ko pang itago, itatago ko. Basta hindi lang siya magalit at mawala sa akin.

Dumiretso ako sa opisina ko at ibinagsak ang katawan sa swivel chair ng main desk ko. Napagod lang ako sa kakalakad kanina. Ewan ko ba naman kasi kung bat hindi na dumiretso ako agad sa apartment. Nagsayang lang ako ng oras ko. Pero okay na rin, wala rin naman akong gagawin sa apartment ko kung sakaling umuwi ako ng maaga kanina.

Pinikit ko ang mata ko ng may kumatok sa pinto. "Doc?" nagmulat ako ng mata at umaayos ng upo. "Yes? Come in."

Doc. Storm entered the room. Siya ang pinakaunang doctor na nakaclose ko dito sa Saint High. Tatlong buwan lang ang agwat ng tagal niya sa akin dito. Oh and Doc. Storm is a he.

May inabot siya sa aking folder na agad ko namang kinuha. "We have a meeting with the chairman in 9 o'clock. Sabi niya mahalaga daw ang meeting na gaganapin so he expect to see us all later. Pupunta ka ba?" binuklat ko ang folder at nakita ko doon ang topic na pagme-meetingan mamaya.

I answer without looking at him. "Ikaw na nagsabi na mahalaga ang meeting mamaya so maybe I would."

I heard him chuckled kaya inangat ko ang tingin ko sa kaniya. "That is so not you. What happen, Kyle? Diba ayaw mong uma-attend ng mga meeting?" napatawa ako ng mahina.

He's right. I'm one of the most outstanding doctors pero ang totoo niyan ay pasaway ako. Ayaw na ayaw kong uma-attend ng mga meeting. I would rather drink a coffee or sleep kaysa sa maboring sa mga meeting na ganyan.

Pero iba ngayon. "I don't have something to do and staying here is boring. Mas maganda ng may pagkakaabalahan ako."

Napailing siya sa sinabi ko. "And a meeting is the answer of your boredom? Oh come on!" he said in disbelief.

"Bakit ba hindi mo na lang sabihin na ayaw mong pumunta?"

He laughed hard because of what I've said. "You know me, man! You know me!" ako naman ang napailing.

"I'm coming. Maghanap ka ng ibang iistorbohin." pagtataboy ko sa kaniya. Binaba ko ang folder na hawak ko. Then I crossed my arms in my chest. "Lumayas ka na dito. Matutulog ako."

Nakita kong napasimangot pa siya bago tuluyang lumabas ng opisina ko. That man is really annoying. Oo at mas matanda ako sa kaniya ng isang taon pero kung kumilos siya ay parang sampung taon pa lang. He may look matured but he's actually childish.

Muli kung pinikit ang mata ko at balak na sanang matulog ng pumasok sa utak ko ang itsura ni Chloe na nakangiti. Damn!

What the hell was that?

Minulat ko ang mata ko ng maalala ko kung anong mayroon ngayon. Oo nga pala! Niyaya nga pala siya ng boss niya na makipag dinner. At pumayag nga pala siya!

Anong oras na ba? Teka, anong oras ba sila lalabas?

Kinuha ko ang phone ko tsaka tinawagan si Chloe. Without three rings, she answered.

'Dude? Oh bat napatawag ka?'

"Ahmm.."

'Anong ahmm? Bakit nga?'

"Tuloy ba yung date mo ngayon?"

She stay silence for a second then she speak, excitedly. 'Oh my gosh! Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan. May date nga pala kami ni Ray ngayon.'

What?! Hindi niya naalala? Putek! Taena Kyle dapat di ka na lang tumawag!! Shit naman! Mukhang ako pa ang nakapag paalala sa kaniya. Walang hiya naman oh!

'Thanks, dude at pinaalala mo. Nakalimutan ko talaga! Oh paano ba yan, magreready na ko. Mamaya ka na lang ulit tumawag! Bye bye!'

"Teka lang! Wag mo muna ibababa!" hindi ko pa naitatanong yung dahilan kung bat ako tumawag.

'Oh bakit?'

"Anong oras ba yung date mo?" I didn't stop myself from sounding like I'm offended.

'9 o'clock. What's with your voice? Galit ka ba?'

9 o'clock? May meeting kami nun.

I pinched the brigde of my noise. Nafru-frustate ako. "Hindi ako galit. It's nothing. Sige, magready ka na. Bye, ingat."

Narinig ko siyang natawa ng mahina. 'Sige! Bye, ingat rin. Love you!' 

I froze. What did she said?

"C-Chloe? Ano yung sabi mo?" no one answer.

"Chloe?" tinignan ko ang phone ko. I sighed. Binaba niya na pala.

But did I heard that right?

Love you!

Love you!

Love you!

Damn it! Ano bang nangyayari sayo, Kyle!? Hindi naman iyon ang unang beses niyang sinabi yun ah! Simula nung mga bata pa kami, palagi na kaming nagsasabihan ng ganyan. Palagi niyang sinasabi sa akin pag ibababa niya na ang tawag so what's the fuss now?! Anong ikinagugulo ng utak mo ngayon?!

Anong bago doon? I use to say that to her too!! Anong nakakagulat doon? What's wrong with me?

Humigpit ang kapit ko sa phone ng marinig ko ang malakas na tibok ng dibdib ko. It's beating rapidly and loudly. Napahawak ako sa lugar kong nasaan ang puso ko at mas ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok nun.

"What the heck is wrong with you?!" naguguluhan kong tanong at pinalo ang dibdib ko para maging normal ang tibok nun kahit papaano.

But then her voice came into my mind again.

Love you!

Mas lalo lang tumibok ng mabilis ang puso ko to the point na nakakatakot na.

I stand up and get myself a water. What's wrong with me?

Agad ko yung ininom hanggang sa maubos. I exhaled and inhaled. Pilit kong kinakalma ang sarili ko while standing infront of my big window. Kitang kita doon ang mga ilaw at maganda ang tanawin.

I should distract myself.

Unti unting bumagal ang tibok ng puso ko hanggang sa maging normal na yun. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

May sakit ba ko sa puso? I don't think so. Doctor ako at mukhang hindi sakit sa puso yung naramdaman ko kanina.

I'm not a fool to not know what did I felt. That fast beating of my heart. The impact of her voice in my head. The thought of her. The unexplainable feeling I felt a while ago. I know all of it.

Mukhang hindi ako nagtagumpay na ikulong ang puso ko at wag mahulog. I built a ice wall around my heart but she still managed to melt it without even knowing.

Did that really happened? When? What did she do to melt it? How can she creep into my protected heart?

Damn! Did I really fell in love with my bestfriend?