webnovel

You Can Count On Me

You can always count on me. Always. My bestfriend.

Esrixx · Realistic
Not enough ratings
7 Chs

Five

Isang oras na kong nakatitig sa orasan na nakasabit sa dingding ng opisina ko habang nakaupo sa swivel chair. It's already 8:30 and 9 o'clock is our meeting pero parang walang plano ang katawan kung kumilos. I feel so drained and I don't know why.

Pilit kung pinapatulog ang sarili ko pero mas lalo lang akong nagigising. I can't sleep. My mind don't want me to sleep.

I'm still staring at the ticking clock when someone knock on my door. Nalipat ang tingin ko doon. Pumasok doon ang secretary ko. "Doc. may meeting po kayo at exactly 9 o'clock and may appointment po kayo kay Ms. Rena Agustin at 11." anito habang nakatingin sa kaniyang schedule.

"Thanks, Shane." sabi ko tsaka ko inalis ang tingin sa kaniya. Akala ko ay aalis na siya pero lumipas na ang ilang minuto, hindi ko parin narinig na bumukas at sumara ang pinto.

Muli akong tumingin sa kaniya. She's there, standing like a statue. Hindi siya nakatingin sa akin. Kinunutan ko siya ng noo. "May kailangan ka pa?"

She looked at me. "Pupunta ka ba sa meeting niyo, Doc? Because it's already 8:50. You still have 10 minutes to get ready at gusto ko lang pong ipaalala na nandoon din ang chairman."

Nagmamadali akong tumayo at tumingin sa orasan. Damn! 10 minutes na nga lang bago mag 9. Pupunta ba ko? Pupunta ba ko?!

Bahala na. "Pupunta ako. Just wait for me at the conference room."

Tumango ito at walang salitang lumabas. Napabuntong hininga akong tumayo at plano na sanang lumabas ng tumunog ang phone ko. Pinulot ko ito sa table at tinignan ang tumawatag.

Chloe?

Kinakabahan ko iyong sinagot. I can still remember what happened a while ago so clearly.

'Dude!! Bat ang tagal mong sinagot?'

Hindi ako makapagsalita. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ang puso ko.

'Hey, Kyle? Andiyan ka pa ba?'

Ilang beses akong napabuntong hininga bago ko siya tuluyang sinagot.

"Bat napatawag ka?" I said without emotion.

She stilled for a second. 'Ah kasi...ngayon na kasi yung date namin ni Boss Ray. Sa Deluixe Cuisine daw kami kakain. Siguro mga 10 uuwi na rin ako. Hindi na siguro ako sasama kung sakaling magyayaya pa siyang gumala kami.'

Napakunot ang noo ko sa mahabang sinabi niya. "Bakit mo sinasabi sakin yan?"

Muli siyang natahimik ng ilang segundo bago ulit sumagot. 'I just want to tell you. Bakit, bawal na ba akong magpaalam sayo ngayon?'

I stopped. N-Nagpapaalam siya sa akin? "Bakit?"

'Anong bakit?'

My heart raced when some thoughts run in my mind. "Bakit ka nagpapaalam sa akin?"

Is it because you like me too?

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. 'Ang weird mo, dude! Diba nagpapaalam rin naman ako sayo dati. Tsaka ano namang masama kung magpaalam ako sa bestfriend ko kung saan ako pupunta.'

Doon ako napangiti ng mapakla. Oo nga pala. Bestfriend mo nga pala ako.

"Ahm yeah, I forgot. Sige mag iingat ka at umuwi ka na ng maaga. Make sure na nasa apartment ka na before 10, okay?" kung may nakakarinig man sa akin ngayon, aakalaing jowa ko ang kausap ko.

'Yes, sir! Bye bye na. Ingat ka rin diyan. Love yah!'

I sighed. "Bye."

Bestfriend? Tsk!

Ilalayo ko na sana sa tainga ko ang phone ng marinig ko ulit ang boses niya.

'Asan ang love you too ko?!' sa boses niya palang halata ng nakasimangot siya.

Imbes na matawa ako sa sinabi niya at sa tono ng boses niya ay iba ang nangyari. My whole body freeze and my heart beats faster that its normal pace.

Kinakabahan man ay nagsalita parin ako. "I...I l-love you t-too." shit! Why stammer, Kyle!?!

Ako na ang nagbaba ng tawag dahil hindi ko kakayanin ang sasabihin niyang susunod. Alam ko kasing tatawa yun at sasabihing para akong tanga na nauutal. Siguro kung dati baka tumawa lang rin ako pero iba ngayon eh.

Iba na ngayon.

I stared at the black screen of my phone. Kitang kita ko ang reflection ko doon at ang kabang bumabalot sa akin kanina. Damn it! Kailan pa ako naging ganito!?

Lumabas ako ng opisina. Mas lumuwag na ang hallway. Uunti na kasi ang bumibisita at karamihan ng pasyente ay nasa mga room na nila.

Tinahak ko ang daan papuntang conference room. Mag iisang taon na ko dito pero halos dalawang beses pa lang akong umattend ng meeting. Nung una, ilang beses akong napagalitan at halos sisantehin na nila ako but when they saw my works, mga surgery na ako ang trumabaho, doon sila tumigil sa kakalecture nila sa akin.

They said that they don't want to lose a excellent doctor.

Mayroon pa ngang nangyari na prinangka ko sila. I said that I'm not interested in boring meeting and I rather sleep that listen to their nonsense talking. May mga nagalit sa akin but I told them na hindi porket hindi ako pumupunta sa meeting ay hindi ko na alam ang nangyayari. Lahat ng topic nila sa bawat meeting ay may copy ako. Before they discuss it, nabasa ko na ang laman nun so why would I bother to go to the meeting kung kaya ko namang aralin mag isa.

Ang madalas kong pinupuntahan na meeting ay pag tungkol sa surgery na kasama ako. I might be the surgeon or the one whose going to tell how the process would be.

I walk and walk and walk. Hands in the pockets of my coat and my head up high. Pasakay na ako ng elevator when someone caught my eye.

Bullshit!

Nandilim ang paningin ko at kumuyom ang dalawang kamay kong nasa bulsa ng white coat ko. Nanginginig yun at gustong manuntok.

Dahan dahan kung nilapitan ang walanghiyang nilalang na nakita ko at habang palapit ako ng palapit, mas kumukulo ang dugo ko.

Fuck this man! Why is he here?! Shouldn't he be in his date with Chloe?!

Hindi lang yun ang nagpainit sa dugo ko kundi ng makita kong may nakakulampong sa kaniyang babae at siya namang gago, nakaaakbay pa dito.

Why would he treat my bestfriend for dinner kung mayroon naman pala siyang higad na kasama!?

Pilit kung kinalma ang sarili ko. I counted from five to one and then I took a big sigh. Wag kang magpapadala sa emosyon mo, Kyle!

Malapit na ako sa kaniya ng maalala ko ang coat na suot ko. Shit! I almost forgot. Boss nga pala siya ni Chloe. He shouldn't know that I work here.

Tinanggal ko ang coat ko at inilapag sa upuan na malapit lang. I have my name in that coat kaya kung may makakita man niyan, they will know that it's mine.

I tap his shoulder when I finally reached him. Lumingon siya sa akin, pati na rin ang babaeng nakapulupot ang kamay sa beywang niya.

Kumunot ang noo niya. "Who are you?"

I stared at him, emotionless. "I'm nothing. You don't have to know my name but as far as I know, shouldn't you be in a date?" nilipat ko sa babaeng nakayakap sa kaniya ang tingin ko. "So who is this repulsive woman clinging in your waist?"

I saw how his emotion change. Halata ang gulat sa mukha niya. What a thick face!

Bumitaw sa kaniya ang babaeng kung maka kalingking ay parang linta. "Is what he said true, honey?"

Napangisi ako ng nag aalalang tumingin siya sa babae. "No, honey! Don't listen to him."

Nawala ang ngisi ko at napalitan ng inis. Nanggigigil kung hinawakan ang kwelyo ng kaniyang suot. "Remember this asshole! Don't ever get near my woman again!" bawat salitang sinabi ko ay may diin. Nanginginig ang kamay kung suntukin siya but I'm holding myself back. Nasa public place parin kami. I should calm myself.

Padaskol ko siyang binitawan at tinalikuran. Mukhang hindi na naman ako makakapunta ng meeting. Tsk, bahala na.

Nagmamadali akong lumabas ng ospital at pinagtitinginan pa ako but I don't care. Halos takbuhin ko ang hallway para lang marating ko ang exit ng hospital.

Ng tuluyan akong nakalabas ay agad akong pumara ng taxi. And at my luck, may tumigil agad.

Sumakay ako doon then I said the destination.

"Deluixe Cuisine!"