webnovel

COLD WAR

Dumating ang umaga na hindi pa rin siya kinakausap ng kanyang kuya. Kagabi ay hindi na ito tumagal sa paliligo at mabilis na umahon. Ang nobya nito ay sumunod subalit naiwan si Tristan.

"Para naman may sinabi akong hindi maganda?" Palatak ni Elaine habang na sa loob ng kwarto. Naroon pa rin sila sa rancho at mamaya ay kailangan na nilang umuwi dahil sa susunod na araw na ang alis ng mga pupunta sa New York for fashion show.

"Bahala siya dyan. I'm innocent." Kumbinse niya sa sarili. "Ano kaya ginagawa ni Daisy?" Umikot si Elaine ng higa upang kunin ang cellphone na naka patong sa may lamesang maliit sa tabi ng kama.

"Sana lang hindi siya busy." Bulong pa ni Elaine ulit sa sarili habang dumadayal ng numero ng kaibigan. At ilang sandali lang nga ay sinagot na rin ni Daisy ang tawag niya.

"Beshie, maaga pa ang tawag mo. Anong balita na naman ang idadakdak mo?" Bungad ng kanyang kaibigan. Halatang bagong gising lang ang babae kahit alas syete na.

"Wala naman. Gusto lang ng kausap ngayong umaga dahil boring na ako dito sa rancho!" Dumapa pa siya pa lang ma emphasize ng maayos ang kanyang sinasabi.

"Rancho? Kaninong rancho ka naroroon?"

"Kay kuya Dane. Dinala niya kami dito ng nobya niya at ni Tristan Gatchalian....

" Tristan Gatchalian? Yung Model?!" Na imagine ni Elaine na tumayo pa sa kama ang kanyang kaibigan dahil sa gulat at paniniguro sa kanyang sinabi. Well, hindi lang kasi siya ang umiidolo sa lalake. Pati ang kaibigan niyang si Daisy ay ganun din.

"Yeah.. Siya na nga. Infairness, gwapo siya in person." Nagsasabi lang siya ng totoo, walang halong pang-iinggit pero yun ang na sa isip ni Daisy.

"Ahhhh I hate you! But wait.. Siguro naman pwede mo ako hingian ng picture niya with autograph?!" Bulalas ng babae sa kabilang linya. Napa ngiti naman si Elaine at sa ka napa isip.

"Try to be online. Tatawagan kita through video call." Tumayo si Elaine at kahit na ka short at sando lang ay lumabas siya ng kanyang kwarto.

"Really?! Omg besshie I love you! Saglit lang!" Narinig niya ang kalampog sa kabilang linya na marahil ay tumalon pa si Daisy sa higaan. Napa hagikgik si Elaine. Binaybay niya ang daan palabas ng mansion at tinungo ang hardin sa tapat ng fountain. Umupo siya doon at pinutol ang tawag upang mabuksan ang kanyang Data connection. Pero bago yun, tinawagan niya muna si Tristan na alam niyang na sa loob pa ng kwarto nito dahil napansin niyang wala pang tao sa labas.

"Yes lady?" Sa klase ng boses ni Tristan, mukhang kanina pa ito gising.

"May I borrow your time? I'm here in the garden. My best friend is one of your fans too and I accidentally mentioned your name to her this morning." Panimula niya sa kausap. Kung hindi naman siya pagbibigyan ni Tristan ay okay lang naman. Kakausapin na lang niya ang kaibigan ng maayos.

"Give me a minute to come to you. Wait..." Sagot ni Tristan na nag pangiti sa kanya. Narinig niyang pinutol ng lalake ang linya kaya tahimik niyang iginala ang paningin.

Sa kanyang pag tingin sa may second floor ng mansion, nakita niya ang isang bulto ng tao sa may bintana na naka titig sa kanya habang ang mga braso ay naka-cross sa may dibdib nito. Elaine averted her eyes immediately due to sudden nervousness.

"Kalma heart, please." Bulong niya sa sarili.

Ngayon niya lang na pagtanto, tama lang na magkaroon sila ng cold war ng kanyang kuya. It'll help help her to forcefully forget her feelings for him kahit na konti lang.

"Sorry, did I take too long to come out?" Boses ni Tristan ang narinig niya sa kanyang likuran. Napa iling siya habang lumilingon sa lalake.

"Nope! It's fine.." She said.

"Then, anong gagawin natin?" Humakbang si Tristan palapit sa kanya.

"Come sit beside me.." Utos niya sa lalake habang nag dadial sa cellphone niya. Naramdaman ni Elaine ang pag tabi sa kanya ni Tristan na sakto naman sa pag connect ng video call niya Kay Daisy..

"Oh my Gosh!!!" Sabay pa silang dalawa ni Tristan na Napa-flinch ng marinig ang tili ni Daisy. Nakagat ni Elaine ang labi dahil sa pagpigil ng kanyang tawa.

But Tristan didn't control his laughter. Literal na napa-halakhak ang lalake dahil siguro sa reaksyon nilang dalawa kanina.

"Sorry.. Hello." Nang maka bawi ay kumaway pa ito sa babaeng nasa screen ng kanyang cellphone. "What's your name?" Tanong pa ni Tristan Kay Daisy na sinagot naman ng babae.

"Won't you mind me taking screen shot?" Bulalas pa ni Daisy na hindi na kinaya pa ni Elaine. Siya naman ang napa-halakhak habang sapo ang kanyang dibdib. Nahila agad ni Tristan ang braso niya ng akmang tatayo pa siya para makahinga ng malalim to helped her breath.

"Tumigil ka Elaine! I know you also idolizing him!" Naka busangot ang mukha na banat sa kanya ni Daisy. Tumango na lang siya bilang pag sang ayon at saka muling bumalik sa kanyang upuan. The conversation continued.

Samantala, sa isang kwarto sa second floor. Dane is laying on his bed with dark expression on his face. Hinithit niya ang sigarilyong naka ipit sa kanyang daliri at saka marahas na ibinuga ang usok. Naikuyom niya ang palad ng marinig ang malakas na halakhakan sa ibaba ng hardin.

"Dane, it's me come out now. I'm hungry." Boses ni Audrey ang naririnig niya sa labas ng kanyang pinto. Kanina pa ito kumakatok pero hindi niya pinagbubuksan. Aalis na sila mamayang hapon dahil sa susunod na bukas na ang kanilang flight to New York. And Elaine said she'll never come.

"You said you wanted to see the real fashion show. But you've changed your mind just like that?" Inis na bulong niya sa sarili. "You've picked up the wrong person to confused. I will make sure to find out what's behind your sudden changes, Elaine." Bulong niya pa ulit bago tumayo sa higaan at tinungo ang pinto.