webnovel

Sleepless

HALOS TUMAMBLING na ako sa kama pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Inis akong napakamot sa ulo ko bago ako tumayo sa kama. Tinignan ko ang oras sa phone ko at napansin ko na halos mag 12 AM na pala. Mayroon pa naman kaming maaga na klase bukas!

Napagdesisyunan ko na lumabas na lamang ng kwarto para makapagtimpla ng gatas. Baka sakaling antukin na rin ako.

Pagkarating ko sa kusina ay naabutan ko ang kakambal ko na may kausap sa telepono. Mukhang may kakwentuhan ito.

"Bakit hindi ka pa tulog?" tanong nito.

Tinuro ko sarili ko para masigurado kung ako ba ang tinatanong niya.

"Anong oras na ah?" sunod na tanong niya matapos itong tumango sa akin.

Napakamot ako sa pisngi ko habang naglakad papunta sa counter para abutin ang powder ng milk.

"Late na ako natapos sa assignment namin eh" pagsisinungaling ko na lang habang nagtitimpla ng gatas. Hindi na rin siya nagtanong ng kasunod pa.

Pagkatapos ko magtimpla ay tinignan ko si Kean at nakita ko na tapos na wala na pala itong kausap sa telepono. Palabas na siya ng kusina habang naglalakad siya ay biglaan ko siyang natawag.

"Bakit?"

Sa oras na 'yun madaming tanong ang gusto kong tanungin sa kanya, pero ni isang salita wala akong nasabi. Tila nablanko ang utak ko dahil hindi ko alam paano sisimulan.

Umiling na lang ako.

"Hay nako. Matulog ka na nga" sabi niya bago naglakad pabalik sa kwarto niya.

Bumuntong hininga ako atsaka diretsong ininom ang gatas. Pagkatapos ay hinugasan ko ito. Sinubukan ko ulit humiga sa kama atsaka pumikit pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatamaan ng antok.

Hindi ito alam ng kapatid ko o ng tatay namin pero simula noong nagdesisyon si Kean na tumigil sa pag-aaral ay hindi na ako makatulog ng maayos. Hindi maalis sa isip ko na ang laki ng potensyal niya pero bigla niya na lang itong sinuko ka kapalit ng ikakaayos ng buhay ko at ng tatay namin. Tila binagsakan siya ng napaka-bigat na responsibilidad pagkatapos magdesisyon ng malaki ang aming magulang.

Kung maaari lang ay nakipagpalit na ako ng pwesto sa kanya. I also want to help him...

Kaya nga pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko dahil alam kong hindi biro ang sinasakripisyo ni Kean para lang maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko at mapakain lang kaming pareho ni papa.

Ni minsan ay hindi siya nagsalita ng masama tungkol sa magulang namin. Hindi, mukhang wala lang talaga siyang oras para isipin pa kung anong nangyari sa kanila.

My twin brother, Ronan Kean, has always been a sweet and kind to everyone. Pero minsan ang hirap din isipin kung ano ba talaga ang nararamdaman nito. Hindi kasi ito pala-reklamo. Kung titignan mo, simula pa noon ay sobrang matured na ito mag-isip, hindi katulad ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang gusto nito sa buhay. Kung ako ba ang nagiging dahilan para hindi niya magawa ang gusto niya. Kung sa kaloob-looban niya ay sinisisi niya rin kaya ako dahil naging ganito ang sitwasyon niya.

I'm scared…

---

<November 30>

Magpapahangin lang sana ako sa labas sana pero naabutan ko si Kean na may hawak na sigarilyo. Hindi ko gaano kita ang mukha niya dahil nakatingin ito sa ibang direksiyon.

"Kean!" halos pasigaw na tawag ko sa kanya.

Pagkalingon niya ay nakita ko na may kinakain itong chichirya. Napatingin ako sa lamesa at napansin ko ang Lumpia Shanghai na nandoon. Bigla tuloy akong natakam. Paborito kasi naming dalawa ito simula noong bata pa kami pero minsan na lang kami makakita ng ganoong pagkain.

"Gusto mo?" pag-alok niya habang inaabot ang huling natitirang nakabalot na Lumpia Shanghai.

Hindi ko na ako nag-inarte pa atsaka tinanggap kaagad ito. "Saan galing 'to?"

"Bigay ng kaibigan ko sa trabaho. Nakwento ko kasi na mahilig ako dito. Buti na lang at lumabas ka kung hindi naubos ko na 'to"

Binuksan ko ang Lumpia Shanghai atsaka kumain ng isang piraso. "Maninigarilyo ka? Hindi ko alam na ganito na pala hilig mo. Dahil ba kay Divine 'to noong isang araw?"

Sinilip ko siya gamit ang peripheral vision ko. Napansin ko kung gaano siya nagtataka sa tanong ko. Kaya naman tinuro ko ang sigarilyo na hawak niya. Maya-maya lang ay naintindihan niya na rin kung ano ang tinutukoy ko.

"Ah, eto ba? Hindi akin 'to. Pero totoo na iniisip ko nga si Divine dahil sa mga nangyayari ngayon"

Kaagad akong napalingon kay Kean para tanungin sana siya kung ano ba ang nangyari. Pero nakita ko na nakayuko na ito atsaka pinaglalaruan ang sigarilyo na hawak niya na para bang pinag-aaralan ito. Tila rin malalim ang iniisip nito.

Kaya tinabihan ko na lang siya habang tahimik na kinain ang pagkain ko.

Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Hindi ka ba talaga magtatanong?" natatawang tanong niya sa akin.

Napabukas ko ang bibig ko para sana magsalita pero hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang appropriate na itanong.

Pero kahit na walang salita o tanong ang lumabas mula sa labi ko ay siya na mismo ang sumagot sa mga possibleng itanong ko.

Ikwinento niya lahat. Simula noong sila pa ni Divine hanggang sa kung anong nangyayari ngayon.

Doon ko narealize na ang dami kong hindi alam tungkol sa mga kaibigan ko.

Doon ko rin narealize na sobrang bait talaga ng kakambal ko. How could he be this so selfless? How could he worry about other people this much?

Habang ako, wala man lang nagawa para sa mga kaibigan ko o para kay Kean man lang.