webnovel

Sympathy on a Wrong Person

[ F A R E L L E ]

<November 28>

WALANG PANG nagsasabi o nagbalak man lang na batuhin ako ng mga salitang kinakatakutan kong marinig. Wala ni isa rin sa mga kaibigan ko na sinubukan na tignan ako sa paraan na ikakaiyak ko.

Ang bawat isa ay may sari-sariling sitwasyon, ika nga nila. Maaaring ito ang pinanghahawakan at pinaniniwalaan ng mga taong nakapaligid sa akin kaya madali para sa kanila na intindihin ang sitwasyon ko, namin.

Pero alam ko sa kaloob-looban ko ay hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari sa amin. Bakit kailangan pa ng isang sakripisyo kung nawalan na nga kami? At Bakit kailangan ako pa ang inu-una at pinagsasakripisyuhan?

Ang mga bagay na nakikita, nararanasan, nahahawakan, at pagmamay-ari ko ngayon ay dahil isang sakripisyo ng isang tao. Inalay niya ang mga pagkakataon na dapat ay nasa kanya ngayon. Dugo't pawis ang paghihirap niya pero hanggang ngayon wala akong maitumbas na ibalik para sa kanya.

Katulad na lamang itong hawak ko na kape na hawak ko. Katulad ng oras at panahon para magpakasaya kasama ang mga kaibigan na nakapalibot sa akin.

If its not for him...

This could've also been his life...

"Pupuntahan mo kambal mo?" tanong ni Rian, isa sa mga kaklase at kaibigan ko sa school.

Matapos kong makipagkita kina Divine at Cassey ay dumiretso ako dito sa mall, para samahan sina Rian, Claire at Leen. Birthday kasi ni Leen at manlilibre daw ito. Inaya ko si Divine kanina pero may kailangan pa raw itong gawin. Si Cassey naman, katulad ng nakasanayan, busy ito sa trabaho niya.

"Oo, kahit na alam kong pagtatabuyan na naman ako n'un. Hay nako, hirap talaga kapag may kapatid ka na lalake. Ang snob masyado" sagot ko habang natatawa.

"Totoo. Minsan, ay hindi pala minsan, madalas nga nakakapikon na 'yung asar nila"

"Hindi ako makarelate kasi wala akong kapatid"

"Hay nako, Leen. Sakit sila sa ulo" komento ni Rian.

Tumawa na lang kami dahil alam naman namin na panganay si Rian at ilan pa silang magkakapatid. Pero kahit na ganoon ang salita niya ay alam namin kung gaano rin siya kaalaga sa mga kapatid nito.

Nagpatuloy ang usapan namin habang naglilibot sa mall. May kanya-kanya rin kaming hawak na inumin na galing sa Starbucks. Isa rin ito sa libre ni Leen sa amin.

Habang naglalakad kami ay kinuha ko mula sa bag ang phone ko nang maramdaman kong magvibrate ito. Tinignan ko ang message ng kapatid at napasimangot ako sa nabasa ko.

"Bakit? Nireject ka ng crush mo?" pabirong tanong ni Claire.

"Sira. Ni hindi ko nga nakakausap 'yun e."

"Biro lang, hahaha. Alam naman namin na wala ka talagang pag-asa doon. So? Anong sabi ng kapatid mo at ganyan itsura mo?" pang-asar niya pa.

Inikot ko mata ko sa komento niya. "Wala. Tara na"

---

"Anong oras ba siya dumating diyan?" bungad na tanong ko kay Kean nang makatakas ako saglit kina Rian.

Kasalukuyan akong nagtatago sa C.R para tawagan saglit ang kakambal ko para tanungin siya sa tinext niya kanina.

"Kanina pa. Pagkatapos ata niyang makipagkita sa inyo. Nagulat na nga lang ako nang bigla itong magtext na papunta siya dito eh. Alam ko naman na ako nagsabi sa kanya na mag-usap kami pero---"

"Kean..." pagtawag ko sa 2nd name niya para putulin ang sinasabi niya. Halata rin sa boses ko ang pag-aalala para sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Mukhang naglakad din ito sa mas tahimik na lugar dahil nawala ang mga ingay na naririnig ko sa background kanina.

"I'm fine, Farelle. I already told you, didn't I? Naka-move on na ako kay Divine. Atsaka kilala mo naman si Divine, eh. Sa tingin ko lang talaga na kailangan ko siyang makausap" mahinahon na sabi niya na tila kinukumbinsi ako na okay lang talaga siya.

Pero kahit na ilang beses niya pa sabihin na okay lang siya, parang ako ang nasasaktan para sa kanya. Paano ako hindi mag-aalala para sa kanya?

Hindi sa pinagdudu-dahan ko si Divine o ang relasyon nila noon, pero kasi ilang buwan pa lang ang nakakalipas noong maghiwalay silang dalawa ni Kean ay may bago na kaagad ito. Ang mas masakit ay ipinalit ito sa best friend niya.

Tuwing tinatanong ko silang dalawa kung ano nangyari, ang laging sinasagot lang nilang dalawa ay ang kakambal ko ang sumuko at ang nag-iwan.

Kaya ko bang maniwala doon?

Matapos ang hiwalayan nila ay umakto ang dalawa na tila walang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Nagpatuloy pa rin ang pagiging pagkakaibigan nila.

Pero totoo ba ang pinapakitang ngiti ng kakambal ko tuwing nakikitang masaya si Divine kasama ang best friend niya?

"Farelle" tawag niya sa akin dahil hindi na ako nakasagot.

"Kung naaawa ka na naman sa'kin, sabi ko nga sa'yo, h'wag. Dahil sa pagitan naming dalawa ni Divine, siya ang mas kawawa. If you really know her the way I do, you'll know that your sympathy should've gone towards your friend kaysa sa kakambal mo. I broke up with her because that's what she needs but she keeps clinging on her false ideas" paliwanag niya sa akin.

Mas lalo akong natahimik sa sinabi niya. Siguro dahil wala akong maikomento sa pagkatao ni Divine. Katulad ng sabi niya, hindi ko pa nga siguro ganoon kakilala ang kaibigan ko.

"Hmm" mahina ko na lang sagot.

"Mauna na ako at may pinapabuhat na sa amin. Umuwi ka ng maaga, ha! Dapat pagkauwi ko nasa bahay ka na" paalala niya sa akin.

"Oo na" sagot ko matapos niya akong pagsabihan ulit.