webnovel

Questions

<December 13>

HALOS DALAWANG linggo na ang nakaraan noong biglang umuwi si mama sa bahay namin. Noong araw na 'yun ay hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong ipakita.

Our mom that had left us for almost 10 years have already returned. Our dad who seemed lost after their break up could now give out his brightest smile again.

Nalilito ako. Hindi ko maintindihan kung paano pa nagawang matanggap ulit ni papa si mama pagkatapos itong ipagpalit sa iba noon.

Tila ba napaka-bilis ng mga pangyayari ngayon. Kung umakto ang mag-asawa ay para bang wala itong pinag-awayan noon. Kung makipagtitigan ang dalawa ay tila puno ito ng pagmamahalan.

Is that even possible?

I don't understand...

Hinintay ko ang magiging reaksiyon ni Kean pero hanggang ngayon ay parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari. He doesn't even looked a little bit worried at all. Ako lang ba ang nawe-weirdan sa mga pangyayari? Ako lang ba ang masyadong nag-iisip sa sitwasyon namin ngayon?

Totoong namiss ko si mama dahil ilang taon ko rin siyang hindi nakita o nakasama man lang. Totoong iniisip ko noong nasira ang pamilya namin kung ano kaya kami ngayon kung buo pa rin kami. Totoong iniisip ko noon kung p'wede pa bang maayos ang pamilya namin.

Pero ngayong bumalik siya, hindi ko matukoy kung ano ba ang tama isipin at maramdaman matapos kaming maghirap simula noong iniwan niya kami? Tama ba na hindi magduda sa pagbabalik at intensiyon niya, dahil iniwan daw ito ng bago niyang asawa at matapos ang break-up nila ay doon niya narealize kung gaano niya kami namiss?

Sabi nila, when you lose something you have, you'll just realize how precious they were for you. Ito ba ang naramdaman niya? Pero bakit ngayon lang?

Hindi ko maintindihan...

Ang daming nawala sa amin noong panahon na wala siya. Ngayong nasasanay na kami na walang ina ay doon siya bumalik. Bakit? Para saan pa?

Bumuntong hininga ako.

"Farelle Candelaria"

Nagulat ako at napatayo sa upuan nang tawagin ako ng prof namin sa buong pangalan ko.

Binulungan ako ng kaklase ko na katabi ko at mukhang kanina pa pala ako tinatanong. It was a simple question. Kung nasa tamang pag-iisip lang siguro ako nahanap ko na ang sagot sa tanong ni sir, pero ngayon ay namemental block ako.

"I'm sorry, sir. I don't know the answer" I answered honestly.

Nakita ko kung paano nagulat at naguluhan ang mga kaklase ko pati na rin prof namin. Siguro, hindi sila makapaniwala na hindi ko masagot ang tanong ni sir. Siguro, iniisip nila kung nagbibiro ba ako. Kilala kasi nila si Farelle bilang isang matalino at masipag na estudyante. Pero hindi ko talaga alam ang sagot. Hindi gumagana ang utak ko ngayon.

Mabuti na lamang ay hindi ako pinagalitan dahil wala ako sa sarili ko ngayon. Hinayaan lang ako ni sir atsaka nagtawag ng ibang estudyante.

"Okay ka lang?" tanong ng katabi ko.

Pilit akong tumawa, "Sorry. Naiwan ko ata utak ko sa bahay eh" pabiro kong sabi.

"H'wag kang mag-alala. Ako nga hindi ko na alam saan napadpad utak ko eh"

---

Napalingon ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Tinanggal ko ang earphone na nakasaksak sa tainga ko atsaka pinause ang pinapanood ko sa laptop.

"Studying, again?" natatawang sabi ni Kean matapos makita kung ano ang pinapanood ko.

"Bakit?"

"Nagtext sa akin si Cassey. Hindi ka raw niya macontact. Nakapatay ata phone mo na naman"

Doon ko naalala na may usapan nga pala kami na magkwe-kwentuhan kami ngayon. Agad kong hinanap ang phone ko na nakatago sa drawer. Madalas ko kasi itong pinapatay at tinatago para hindi ako matukso na gamitin ito habang nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral.

Tinignan ko si Kean na pinapanood akong maghanap ng phone ko. Doon ko napansin na nakaupo na pala ito sa upuan ko. Mukhang tatambay na naman ito habang mag-uusap kami.

Siguro, isa na sa panibagong natutunan ko sa kanya ay ang pagkachismoso niya.

"Makikinig ka na naman ba?" Tanong ko sa tonong may halong malisya.

Matapos magkwento sa akin si Kean noong isang gabi ay gumawa na ako ng aksiyon para mas kilalanin pa ang kakambal ko pati na rin mga kaibigan ko. Pero hindi ko ito gaano nagagawa dahil na rin siguro sa sitwasyon namin ngayon sa pamilya namin.

"Baka naman yung isa ko namang best friend ang jowain mo ah" pang-aasar ko pero tinawanan niya lang ako.

Nito ko lang nalaman na tila sobrang malapit na sa isa't-isa sina Kean at Cassey. Masakit man aminin pero mas kilala na ni Kean si Cassey kaysa sa akin. He knows both of my best friends too well that I wish I could also do the same.

"Sira. Wala akong balak noh" natatawa niyang sabi.

Napailing na lang ako bago ako lumabas ng kwarto dala ang phone ko. Pagkalabas ko ay nakita ko si mama na nanonood ng TV sa sala. Nginitian niya ako pero umiwas lang ako ng tingin.

"Si papa, ma?" rinig kong tanong ni Kean na sinundan pala ako paglabas ng kwarto.

"Naliligo pa. Bakit?"

Hindi ko na pinakinggan ang usapan nilang dalawa dahil muli na akong pumasok sa kwarto atsaka nilock ito. Mabuti na lang at lumabas si Kean kung hindi sa labas ko pa tuloy tatawagan si Cassey.

"Musta? Sorry, medyo busy kasi ngayon eh. Naikwento na sa akin ni Ronan 'yung sa nanay niyo. Okay ka lang?" tanong kaagad ni Cassey pagkasagot niya sa tawag ko.

Medyo nabigla ako sa tanong niya at hindi ko inexpect na itatanong niya ito. Kilala ko kasi siya bilang hindi pala-tanong. Siguro naimpluwensiyahan na siya kahit papaano ng kakambal ko.

"Oo naman. Ikaw ba? Balita ko tuluyan ka na magdrop sa school? Totoo ba?" nag-aalala kong tanong.

Siya naman ang tumahimik ng ilang segundo sa tanong ko. Oh, was that a little bit too much?

"Kailangan eh. Magfocus daw muna ako dito sabi ni mommy at ni kuya Marvin. Maghome-school na lang din daw ako kung possible" sagot niya maya-maya lang.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Nasama pa nga sa usapan namin si Divine dahil pareho naming hindi na makausap o macontact ito matapos noong November 30. Sa eskwelahan naman ay tila iniiwasan niya ako kaya hindi ko rin alam kung saan ako kukuha ng lakas para kausapin siya. Napagdesisyunan din namin ni Cassey na magkita ulit kapag may free time na ito ulit. Tumagal lang ang pag-uusap namin ng halos isang oras dahil uuwi na raw ito galing sa set nila.

Tinignan ko ang oras at napansin ko na 11 PM na pala. Pinatay ko na ang laptop ko pati na rin ang phone ko atsaka dumiretso sa kama.

Sinubukan kong isara ang mata ko pero hanggang ngayon ay naririnig ko ang boses ni Kean pati na rin si mama. Mukhang nagkwe-kwentuhan pa ang dalawa.

Am I really the only one who's bothered about this?