webnovel

Responsibilities

LUMIPAS ANG ilang oras at sa wakas naihatid na ako pauwi ni kuya Marvin matapos namin malampasan ang traffic. Maliban sa rush hour ay may nasiraan pa ng sasakyan sa gitna ng daan, dahilan para mas bumigat ang traffic. Ang resulta ay quarter to 10 na ako naihatid ni kuya Marvin.

"Ingat po kayo kuya, salamat ulit" pagpapasalamat ko kay kuya Marvin pagkababa ko ng sasakyan niya.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko sina Kevin (step-cousin ko), si Dads, at ang step-mom ko na nag-uusap sa sala. Nang makita ako ni mommy, nginitian niya lang ako at sabay sabing "Kamusta shooting?"

Tinignan ko siya saglit bago ako sumagot, "Ano pong pagkain?"

"Nasa kusina, Cass. Hindi ka pa ba kumain?" tanong ni Dads. Umiling ako bilang sagot bago dumiretso sa kusina para kumain.

Habang hinahanda ko ang pagkain ko ay biglang pumasok sa kusina si mommy. Pinanood ko siya kung paano siya kumuha ng tubig mula sa refrigerator gamit ang gilid ng mata ko.

Umupo na ako sa tapat ng lamesa para sana tahimik na kumain ng hapunan ko nang marinig ko ulit magtanong si mommy tungkol sa trabaho.

"Bukas na ang audition mo para sa isang music video, d'ba?" tanong sa akin ni mommy.

"Music video?" tanong ko nang wala akong maaalalang sinalihan na audition.

"Oo. Alam ko pinasali kita doon kay Marvin eh. May damit ka na bang susuotin?"

Umiling ako bilang sagot bago sumubo ulit ng isang kutsara. "Tatanungin ko po muna si kuya Marvin mamaya. Ang alam ko ang schedule ko bukas ay ang audition ko bukas para sa isang commercial at shooting para sa teleserye"

"Sige. Kailangan mong makuha sa music video na 'yun. Para mas makilala ka pa ng mga tao" pagpapaalala sa akin ni mommy.

Pilit na lang ako ngumiti habang pinipilit na lang din nguyain ang mga sinubo kong kanin.

Nang lumabas si mommy sa kusina ay narinig ko pa siyang sabihin sa pamangkin niya, "Eto tubig, oh. Napag-usapan niyo na ba ng tito mo kung paano gagawin sa mga kailangan mo para school project niyo?"

Bumuntong hininga ako bago ko itinapon sa basurahan ang pagkain na hindi ko naubos. Hinugasan ko ang pinagkainan ko bago ako pumasok sa kwarto.

Kinuha ko ang cellphone ko atsaka tinext kaagad si kuya Marvin patungkol sa sinasabi ni mommy. Tinext ko na rin ang mga kaibigan ko na sina Farelle at Divine para magtanong at humingi ng lectures.

Humiga ako sa kama at tinakpan ko ang mata ko gamit ang braso ko. "Haaaa" paglabas ko ng hangin gamit ang bibig ko.

Ilang minuto ang lumipas bago ko naramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Binasa ko ang reply sa akin ni Farelle at halos maiyak na lang ako sa sinend niya. Tambak na pala kami ng mga gawain sa school at madami na rin akong namiss na surprise quizes at seatworks.

"Kailan ka ba ulit papasok? Baka mamaya makick-out ka na dahil lagi kang absent" tanong pa ni Farelle sa message niya.

"Sasabihan ko sina mommy at si kuya Marvin na wag muna ako ipag-audition, sana pumayag. Napapabayaan ko na school responsibilities ko eh" reply ko sa kaibigan ko.

Pero napatawa na lang ako ng mapait nang basahin ko kung ano ang nireply ko. Ngayon pa lang ay naiisip ko na kung anong maaaring isagot sa akin ni mommy eh.

---

Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay dahil maaaga raw pala ang audition para sa music video na tinutukoy ni mommy kagabi.

Humikab ako ng matagal nang makaupo ako sa jeep. Saktong pag-upo ko ay ang pagpasok din ng kaibigan ni Alann na si Ronan. "Uy!" bati niya sa akin.

Nginitian ko naman siya atsaka binati siya pabalik, "Hi"

"Saan punta mo? Hindi ka naka-school uniform e" tanong niya.

"Audition"

"Para saan?"

"Music video atsaka para sa isang commercial"

Nagpakita naman si Ronan ng ekspresyon na tilang namamangha, "Ang sipag mo naman"

Tinawanan ko na lang siya. "Ikaw? Saan punta mo?"

"Hahanap ulit ng p'wedeng pagkitaan" sabi niya sabay tawa.

Nalungkot naman ako nang maalala ko kung anong sitwasyon ang mayroon si Ronan ngayon. Mas pinili niyang maghanap buhay na lang kaysa mag-aral simula nang iwan siya ng nanay niya.

Sa totoo lang hindi ko rin masasabi kung tama ba o mali ang naging desisyon niya. Kung hindi siguro siya naghanap buhay para sa sarili niya ay may oras siguro na kailangan niyang maghihigpit ng sinturon para lang mabayaran ang tuition fee at iba pang requirements sa school. Pero ngayong nagkakaron siya ng mga raket at sweldo mula sa mga part time niya ay halos mas mayaman pa siya sa amin. Nagagawa niya pa nga na manlibre eh.

"Ikaw nga pinaka-masipag sa atin eh" pagcompliment ko sa kanya.

Nagkibit-balikat siya sabay sabing "Wala eh, kailangan"

Hindi na ako sumagot bilang simbolo na sumasang-ayon ako sa sinabi niya at naiintindihan ko kung saan siya nagmumula.

"Saan ka pala bababa? Hatid na kita" pagboluntaryo niya.

Umiling naman ako para tumangi, "H'wag na. Maabala pa kita"

Sinimangutan niya naman ako kaya wala akong nagawa kung hindi hayaan na lang siya sa gusto niya.

Katulad nang sinabi ni Ronan ay hinatid niya nga talaga ako papunta sa pupuntahan ko. Nagulat pa nga si kuya Marvin nang makita niyang kasama ko si Ronan. Pinagalitan pa ako dahil baka kung anong sabihin ng iba kapag nakita nilang may kasama akong ibang lalake. Hindi raw iyon maganda sa imahe ko ngayong gumagawa pa lang ako ng pangalan para sa sarili ko.

"Sorry sa sinabi ni kuya Marvin" paghingi ko ng pasensya kay Ronan.

"No worries. Una na ako, ah? Good luck sa audition mo. H'wag mo ring kalimutan na pumasok sa school at baka napapabayaan mo na ang grades mo" paalala niya sa akin atsaka niya ipinatong ang kamay niya sa ulo ko na tila ba ako ay isang bata.

Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko, "Ako bahala. Good luck din sa'yo."

"Alagaan mo rin si AJ para sa akin"

"Bakit naman nasali sa usapan si Alann?" natatawa kong tanong.

Ngumiti siya ng makahulugan sabay pabirong sabi, "Kayo ang teenage couple sa isang magazine d'ba? Nabalitaan ko 'yun kay AJ kagabi"

"Baliw, trabaho lang 'yun. Sige na, umalis ka na. Papasok na rin ako sa loob. Ingat sa byahe" pagtataboy ko sa kanya.

Nang maka-alis na si Ronan ay nagsimula na rin akong kabahan para sa audition na sasalihan ko. Idagdag mo pa ang mga kasamahan ko sa audition ay ang mga halatang may mga koneksyon at mas sikat kaysa sa akin.

Pumikit na lang ako at nagpanggap na natutulog kahit sa totoo ay pinapakinggan ko kung paano magpractice ng linya ang iba at kung ano ang mga pinag-uusapan nila.

Naramdaman ko namang tumabi sa akin si kuya Marvin kaya idinilat ko ulit mata ko at nakita ko siyang inaabot sa akin ang script na sasabihin ko mamaya at kung ano ang gagawin ko.

"You can do this!" pagpapatibay niya pa ng loob sa akin.