webnovel

Young Actress

[ C A S S E Y ]

<September>

MADAMING TAO na rin ba ang katulad kong sawa na mabuhay sa loob ng ekspektasyon ng mga tao? Akala ko nung una kung magagawa ko ang isang bagay na gusto nila ay matutuwa sila, pero mas nanghihingi pa sila ng mas malaki. Iniisip nila na kung nakayanan kong magawa iyon ay mas mahihigitan ko pa ang mga iyon. Hindi ba't may limitasyon din ang mga tao?

Mapapangiti ka na nga lang talaga ng mapait.

Pero ang sarap pakinggan n'un diba? They trust you to do things that you can't even imagine yourself you could do. Mabuti pa sila nagtitiwala sa'yo, pero ikaw mismo hindi mo magawang mapagtiwalaan sarili mo.

"Nice! Look at the camera! Yes! Good, good" yan ang sabi ng cameraman kay Alann Jhay o mas kilala sa tawag na AJ. Si AJ ay isang teenager actor.

Kasama ko siya dito dahil siya ang napili ng company ng imomodel kong magazine bilang kapartner ko. Sa ngayon ay siya muna ang kinukunan ng picture, mamaya ako naman tapos yung magkasama kami.

"Ang tagal naman ng photoshoot na 'yan. May shooting pa kami ng 3:00 pm eh" pagrereklamo ng manager ni Alann sa tabi ko.

"Pasensya na po sa abala" nahihiya kong sabi habang nakangiti. Napatingin naman sa akin ang manager niya.

"Ay! Wala kang kasalanan, hija"

Sasagot pa sana ako pero tinawag na ako ng photographer. Agad-agad naman akong ni-retouch ng make-up artist ko at agad akong lumapit sa photographer para magphotoshoot.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang photoshoot. Pumasok na ako agad sa kotse at binasa ang bagong script na binigay sa akin ng manager ko. Sunod-sunod na project at audition ang gusto ng manager ko na salihan ko dahil iyon ang sinabi ng step mother ko sa kanya. Ang resulta ay puno lagi ang schedule ko dahil sa trabaho at sa eskwelahan.

But it's also for money, right?

Inuntog ko ang ulo ko sandalan ng upuan nang maisip ko iyon. Today is such a tiring day.

Napalingon ako sa bintana nang katukin ito ni Alann.

"Hey" bati ko.

"Pasabay nga= ako. Tatakasan ko lang manager ko, bilis!" Sabi niya habang patuloy hinihila ang pintuan ng sasakyan. Agad ko naman inunlock ang pinto dahilan para mabuksan niya ito.

Saktong pagkasakay ni Alann sa tabi ko ay ang pagbukas rin ni kuya Marvin, ang manager ko, sa pintuan ng driver's seat. "Did you already read the scri---- ano na naman ginagawa niyan dito?" gulat na tanong ni Marvin nang lumingon siya sa amin.

"Just go. Papababa na lang ako" sagot ni Alann.

"Sira ka ba? Gusto mong masigawan na naman ako ni----"

"Let's go. We don't have time for this, right?" pagputol ko sa usapan nila Alann at ni kuya Marvin. Natauhan naman kaagad si kuya Marvin at agad na tinignan ang relo niya.

"Tsk, tara na" pagsuko ni kuya Marvin.

Tahimik ko naman tinuloy ang pagbabasa sa script habang si Alann ay may kinakalikot sa phone niya. Mukhang kinukulit siya ng manager niya.

How brave of him to run away from his manager. I envy his guts. How I wish I could also act freely as him.

"Kailan ka ulit papasok sa school?" tanong bigla ni Alann sa akin.

Saglit kong tinignan ang manager ko at napansin kong nakatingin din siya sa akin sa salamin. Binalik ko ang tingin ko sa script atsaka nagkibit-balikat. "Hindi ko alam" matapat kong sagot.

Halos isang oras ang inabot upang marating namin ang shooting location para sa teleserye na kasama ako. Pagkarating namin ay kaagad na kinausap ng director si kuya Marvin habang ako naman ay naglakad papunta sa dressing area.

"What the hell? Bakit hindi niyo sinabi na dito kayo pupunta?!" gulat na tanong ni Alann habang sinusundan ako.

Taka ko naman siyang tinignan, "Huh?"

Napasapo naman si Alann sa noo, "Nakalimutan ko na kabilang ka nga pala sa palabas na ito. Tangina, kala ko makakatakas ako sa shooting ngayon!"

Doon ko lang napagtanto na si Alann pala ang bagong actor na makakasama namin para sa palabas na ito.

"Sa atin lang 'to ah? Napilitan lang talaga ako na tanggapin ang trabahong 'to. Si Kurt lang naman ang nagdesisyon nito dahil sabi niya mas ikakabuti ito sa career ko." pagreklamo ni Alann sa akin.

Ngumiti ako sa kanya atsaka tinapik ang balikat niya, "Sa manager mo sabihin 'yan. Nasa likod mo lang naman siya"

"Pfft" pagpipigil ko ng tawa nang makita ko kung paano lumaki ang mata ni Alann sa gulat.

Iniwanan ko na sina Alann nang sinimulan na ni kuya Kurt na sermunan si Alann. Pagkapasok ko sa dressing area ay kaagad akong nagpalit ng damit. Inayusan na rin ako ng buhok atsaka ng make-up.

"Do we have coffee here?" tanong ko bigla nang makaramdam ako ng antok.

Nagtinginan naman ang mga staff nang bigla ako magtanong. Ah! Did I say something wrong?

"Meron akong 3-in-1 na kape"

"Sira! Papainumin mo si Cassey ng 3 in 1?!"

"Teka, bibili lang ako sa Starbucks!"

Habang nagkakaguluhan ang mga staff kung sino ang kukuha o bibili ng kape, ako naman ay nalito at nagulat sa reaksiyon nila. Ilang segundo lang ay nakaramdam ako ng bote na nakadikit sa pisngi ko. Tumingala ako at nakita ko si kuya Marvin na may hawak na bote ng tubig.

"Ito muna inumin mo. Hindi maganda sa katawan ang caffeine" sabi niya. Kinuha ko naman ang tubig at nagpasalamat.

"You're mom called me. Sa bahay niyo raw ikaw didiretso pag-uwi" pagbabalita ni kuya Marvin.

Napakunot ako ng noo at ibinuka ang labi ko upang magsalita pero isinara ko rin iyon nang magdalawang isip ako. "Anong okasyon?" iyon na lang ang naitanong ko.

"Hindi ko rin alam" sagot ni kuya Marvin. Ngumiti na lang ako bago ako tumingin sa script at binasa ito.

Halos inabot kami ng 2 oras sa paghihintay bago ang parte ko sa shooting kaya gabi na ako nakauwi sa bahay. Nagsimula na ako mag-isip ng dahilan kung bakit ako pinapauwi ng step mom ko.

Pera na naman kaya? Or dahil bibisita ulit ang mga kamag-anak niya?

Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdamn ako ng gutom. Tumingin ako sa driver's seat kung saan nakaupo si kuya Marvin. "Drive thru muna tayo, kuya Marvs" paghihingi ko ng pabor.

"Sa bahay ka na lang kumain, traffic ngayon" pagtanggi niya naman.

Napabuntong hininga na lang ako at tumahimik na lang. Pinanood ko na lang ang mga dinadaanan namin sa bintana para libangin ang sarili.