webnovel

Night Time

AGAD AKONG humiga sa sofa pagkahatid sa akin ni kuya Marvin sa apartment na pinags-stay ko. Ilang segundo ang lumipas bago ko napagpasiyahan na kunin ang cellphone ko para manghingi ulit sa kaklase ko ng notes.

Napapikit ako sa sakit nang biglang mahulog ang phone ko sa mukha ko. Napabuntong hininga ako dahil sa pagkawala ko sa sarili habang inaalala ang mga nangyari kanina. Inalis ko sa mukha ko ang phone at inilagay ito sa lamesa.

Dumiretso ako sa kusina para kunin ang nakatabi ko na Smirnoff Mule at isang baso. Dinala ko ito sa sala at nilagay sa maliit na lamesa na andun.

This day was a really tiring day. Kaninang umaga ay nag-audition ako, habang noong hapon naman ay pumunta ako sa shooting place. Pero hindi rin naman natuloy ang shooting kung saan may scene ako dahil sa biglaang adjustment ng schedule. Pumasok na lang sana ako sa school.

Naglagay ako ng laman sa baso bago ito ininom. Pagkatapos ay nangalumbaba ako habang nakatulala sa kawalan.

Sa tingin ko naman, okay lang ang audition ko kanina. Ginawa ko lang kung paano ang ginagawa ko dati. Sabi rin ni kuya Marvin na I did a satisfactory job like I always did. May mataas daw na tiyansa na makuha ako kung ibabase sa talento, pero hindi naman ako interesado kung makuha man ako o hindi.

Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong umilaw. Nagnotify ang messenger sinyales na nireply-an na ako ni Farelle.

Kinuha ko ang libro at notebook ko na nakakalat lang din sa lamesa dito sa sala. Agad kong sinubukang sagutan ang mga homework na na-miss ko. Pero dahil limitado lang ang alam ko ay mayroon pa rin akong hindi maintindihan kahit na subukan ko itong pag-aralan mag-isa.

Napakamot ako sa ulo bago silipin ang cellphone ko na nakataob. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. Kinuha ko ang cellphone at agad na tinawagan si Farelle.

"Hello?" bati ko nang sagutin ng kaibigan ko ang tawag.

"Uy!"

"Naabala ba kita? Hingi sana ako tulong dito sa Psychological Statistics"

"Ah hindi, okay lang. Wait, kunin ko lang notes ko" sagot niya. May narinig akong mga kaluskos bago ito nagsalita ulit.

"Okay na, anong part ba?" tanong niya habang binuksan ang camera niya. Nagulat ako pero ginaya ko rin naman ang ginawa niya, binuksan ko rin ang camera ko.

Agad ko naman sinabi kung saan ako nahihirapan. Mabilis niya rin itong nasagot sa paraan na madali kong maiintindihan.

"Salamat" pagpapasalamat ko nang matapos niyang iexplain.

Nakita ko kung paano siya magligpit ng notes niya. Habang ako naman ay tinuloy ko ang pagbasa sa libro.

"Ano 'yang iniinom mo?" tanong ni Farelle na halos ikatalon ko sa gulat.

Agad akong napatingin sa baso na may laman ng Smirnoff Mule. Agad ko inalis sa view ng camera ang baso.

"Inumin" pabiro kong sagot.

Nakita ko kung paano niya inikot ang mata niya. "Sabi ko nga. Sige na, matutulog na ako. Papasok ka ba bukas?"

"Subukan ko."

Pagkapatay ko sa call namin ay diretso kong inubos ang natitirang alak na nasa baso bago ko ito lagyan ng panibago.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko 'tsaka umupo sa sofa. Kinuha ko ang cellphone ko para manood ng Youtube at magpalipas ng oras.

Sinubukan kong libangin ang sarili ko para hindi mag-isip ng kung anu-anong bagay. Pero habang ginagawa ko iyon ay kasabay ng pagmessage ni kuya Marvin sa akin.

"Matulog ka ng maaga. Ito ang schedule mo bukas.

9 AM - 3 PM : Shooting

5 PM - dinner meeting with xxxx for possible sponsorship" pagbasa ko sa message niya.

Walang emosyon kong dinelete ang message ni kuya Marvin bago ko buksan ulit ang YouTube. Hindi ko napansin na halos napapadami na rin pala ang pag-inom ko kaya nagulat na lang ako nang ubos ko na pala ang nasa baso.

Napatingin ako sa baso na walang laman bago lumingon sa orasan.

Quarter to 3 na pala. Kailangan kong gumising ng maaga para bukas. Magising kaya ako?

Mahina akong tumawa na may halong pagkasarkastiko. "Bahala na"

Inilagay ko ang baso sa lamesa atsaka humiga sa sofa. Ginamit ko ang braso ko para ipangtakip sa mga mata ko.

---

Napahawak ako sa sandalan ng sofa para gawing suporta iyon habang pinipilit kong tumayo mula sa pagkahiga. Napakusot ako ng mata atsaka inaantok na nilingon ang pinto kung saan maririnig ang walang katapusan na pagkatok.

Napatingin ako sa orasan atsaka sa umiilaw na cellphone ko. Napalaki ang mata ko nang makitang 10:30 AM na pala at ilang beses na pala ako sinubukang tawagan ni kuya Marvin.

Agad akong pumunta sa pinto para pagbuksan ang kumakatok. Pero nagulat ako kung sino ang nasa likod nito.

Akala ko si kuya Marvin lang ang kumakatok para sunduin ako, pero hindi ko inaasahan na kasama niya pala si Alann.

"Anong oras na at hindi ka pa nakabihis?!" kaagad na sermon ni kuya Marvin sa akin.

Napaiwas ako ng tingin bago sila pinapasok sa loob.

"Sorry, hindi naging effective ang alarm kanina eh. Wait lang, magbibihis lang ako ng mabilisan" sabi ko bago ako dali-daling pumunta sa kwarto para kumuha ng damit.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong hinuhugasan ni kuya Marvin ang pinag-gamitan ko na baso kagabi.

Namula naman ako sa hiya ng maalala na uminom nga pala ako kagabi.

"Bakit ka uminom?" mahinahon na tanong ni kuya Marvin.

Napatingin ako kay Alann na tila naghihintay din ng sagot ko. Sinubukan kong tumingin sa ibang direksiyon para hindi matapatan ang tingin nilang dalawa.

"Wala. Celebration lang" pagdadahilan ko.

Mukhang may gusto sanang sabihin si Alann pero agad nagsalita si kuya Marvin.

"Tara na. Anong oras na, kanina pa kayo hinahanap ni Direk. Buti at pinaki-usapan ni Kurt na I-adjust ito ng konti. Masyado kayong pa-VIP pareho, eh nagsisimula pa lang naman kayo makilala ng mga tao" sabi ni kuya Marvin. Nauna na itong lumabas ng apartment. Sinundan naman namin ito ni Alann.

Nagsimula ako sa showbiz noong bata pa lang ako. Pinag au-audition na ako ng step mom ko noong 5 years old pa lang ako. Madalas noon ay puro sa mga commercial lang ako. Mas kilala rin ako sa larangan ng modeling.

Katulad ng sabi ni kuya Marvin, ngayon palang ako nakikilala talaga ng ibang tao. Dahil na rin naswertehan akong magkaroon ng isang significant role sa isang teleserye na mataas ang ratings.

"Bakit kasama mo si kuya Marvin?" tanong ko kay Alann habang naglalakad kami papunta sa kotse.

"Nakita niya akong tumakas mula kay Kurt kanina"

Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Wala atang araw na hindi ka nahuhuli ni kuya Marvin na hindi tumatakas sa manager mo eh. Para tuloy hindi si kuya Kurt ang manager mo"

Ngumiti naman si Alann, "Saya kasing pagtrip-an ni Kurt"