webnovel

Her Student

<December 10>

NAGDADALAWANG ISIP ako kung kakatok ba ako o aatras na lang. Kasalukuyan akong nasa tapat ng ampunan na unang pinanggalingan ko baka ako ampunin ng Vargas.

Ang nasa isip ko kasi ay kailangan kong balikan ang mga lugar kung saan ako nagsimula para makilala ko ng tuluyan kung sino nga ba talaga ako. Pero hindi ko naman inisip kung ano nga ba ang gagawin ko ngayong andito na ako.

Pumikit ako bago nagkaroon ng lakas ng loob na kumatok. Maya-maya lang ay binuksan na ng isang sister ang pintuan. Mukhang mabilis niya lang din naman ako nakilala.

Ngumiti siya, "Anong ginagawa mo dito, hija? Halika sa loob"

Sinundan ko siya papasok atsaka binigay ang dala kong pagkain para sa mga bata. Habang inililibot ko ang mata ko sa loob ng bahay ampunan ay may tila ba may kirot at pandidiri sa puso ko. I lived here for a couple of years. This is where I used to belong.

Napangiti ako ng mapait. Sobrang swerte ko pala ngayong nakatakas na ako sa lugar na ito. Ngayong binalikan ko ito, doon ko lang narealize na I took everthing I have right now for granted. I never realize how much I have right now, when I actually started from nothing. I was too greedy and got too jealous on what others have.

Iyon ang hindi maganda eh. Kapag naranasan mo kasi na walang-wala ka tapos may biyaya na bigla na lang umulan sa'yo ay masyado mo na itong pagsasamantalahan. Kasi iyong takot na paano kung bigla na lang itong mawala at panandalian lang pala ang lahat ay hahabulin ka kahit sa panaginip mo. Natutunan kong hindi makuntento. Kapag kasi may nagbigay sa'yo ay 'yung urge na patuloy manghingi ay nandoon. Iyong way of thinking na kung anong meron ang iba dapat ako rin mayroon, ang pinaka naging dahilan kung bakit ako naging ganito.

Nagkamustahan lang kami ng dating nag-alaga sa akin. Aaminin ko na wala akong masyadong emotional attachment na nararamdaman para sa kanila, pero alam kong sobrang appreciated ko ang mga panahon na inalagaan at pinakain nila ako. Kung hindi rin naman dahil sa kanila ay hindi ako mapupunta sa sitwasyon ngayon kung saan may sarili akong matatawag na pamilya. Hindi ako makaramdam sa kanila ng closeness dahil simula noon pa lang naman talaga ay hindi ko sila tinignan bilang isang tao kung hindi bilang isang bagay na p'wede ko lang pagsamantalahan. Hindi ko rin naman naramdaman ang pagmamahal mula sa kanila katulad nang pinaparamdam sa aking ng Vargas, pero hindi ko rin naman sila masisisi dahil marami nga naman talaga iba pang bata maliban sa akin ang nasa ampunan noon at hati-hati pa ang kanilang atensyon.

Ngumiti ako sa huling pagkakataon upang magpaalam sa kanila, "Maraming salamat po ulit sa lahat. Bibisita po siguro ako ulit kapag wala na masyadong ginagawa sa school. God bless you all po"

"God bless din, Divine. Mag-iingat ka"

Naglakad ako papunta sa isang malapit na bakery shop para sana bumili ng pasalubong man lang, ngunit sa tapat ng bakery shop ay may nakita akong pamilyar na bata. Napangiti ako ng makilala ko kung sino iyon.

Kaagad kong nilapitan si Elijah atsaka pinatong ang kamay ko sa ulo nito. Napatalon ito sa gulat bago lumingon sa akin. Mukhang kinabahan din ito ng saglit hanggang sa makilala niya ako kung sino ako.

"Ate! Tinakot mo naman ako doon" sabi niya habang nakahawak sa may dibdib niya.

Natawa ako sa reaksiyon niya. "Sorry, haha. Anong ginagawa mo dito?"

"Bibili ako ng tinapay para sa amin ni kuya" nakangiti nitong sabi.

"Libre na kita. Bibili rin ako eh" hindi naman tinanggihan ni Elijah ang alok ko.

Pagkabili ko ng tinapay ay inaya ko na rin siya na kumain kami sa McDo. Nakangalumbaba akong nakangiting pinapanood siyang kumain. She's really so cute.

"Hey, sabi mo noon na gusto mong mag-aral diba?" biglaan kong tanong habang pinagmamasdan siyang dilaan ang kutsara niya para simutin ang icecream bago siya sumandok ulit sa sundae niya.

"Uh-hmm" pagtango nito habang nakahawak sa pisngi niya tila ba sarap na sarap sa sundae.

"I could be your tutor, if you want. Free of charge" pagpresinta ko.

Napatigil ito sa pagsandok ulit ng sundae niya atsaka tinignan ako. Ang mga mata niya ay tila ba kumikinang sa sobrang pagka-excite. "Talaga ba ate?"

Tumango ako. "Oo naman, kung gusto mo lang naman. Tuturuan kita sa free time ko. Malapit na rin naman ang Christmas break namin"

"Hala! Thank you ate!"

Kumagat ito ng fries bago ito nagsalita ulit para magtanong. "Ano pala gusto mong maging pagkagraduate mo ate?"

Napatigil ako sa tanong niya. Mapait akong napangiti sa sarili ko habang iniisip ko kung ano ang isasagot sa kanya.

"Noon, gusto kong maging actress. Akala ko kasi doon talaga ako kabilang dahil iyon ang talento ko talaga. Mas lumakas ang pagkagusto kong maging actress noong nakita ko ang best friend ko na mas nakikilala ng tao bilang actress at hindi lang bilang isang model." pag-amin ko.

Tahimik niya lang ako tinignan na para bang hinihintay kung ano ang sunod kong sasabihin. Pero hindi na ito nakapagtiis dahil mabilis din itong nagtanong ulit. "Eh ngayon?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko pa alam eh. Narealize ko lang din nito na lang na hindi ko talaga gustong maging actress. Siguro kaya ko rin naisip na gusto ko maging actress noon ay para gawing dahilan para maka-fit in ako somewhere."