webnovel

Hardships Gives Out Lessons

<December 10>

KASWAL NA uminom si Elijah sa inumin niya pagkatapos ko magkwento. Tila wala lang sa kanya ang mga inopen up ko. Sabagay, bata pa nga lang naman talaga siy---

"Siguro mas okay kung simula pa lang ay nagpakatotoo ka na ate. Sa tingin ko mas madali mong mahahanap kung saan ka talaga nabibilang. Wala ka bang kaibigan ate?"

Napangiti ako sa paraan ng pagtatanong niya. Sobrang seryoso niya kasi habang sinasabi ito.

"Mayroon naman. Hindi ko lang alam kung naging mabuting kaibigan din ba ako para sa kanila" sabi ko habang itinatagilid ang pisngi ko dahil aliw na aliw ako habang pinapanood si Elijah.

Tumango ito na tila ba naiintindihan kung saan ako nangagaling. Hindi rin ito nagtanong pa.

"Alam mo ba ate, nakakainggit ka"

"Hmm?"

Tumingin siya sa mga mata ko bago ito malungkot na yumuko.

"Nakakabili ka kasi ng mga ganitong pagkain tapos mukhang galing ka pa sa mayaman na pamilya. Siguro, para sa mga kagaya namin ni kuya hindi na maaalis ang inggit. S'yempre, tao lang din naman kami. Hihilingin pa rin namin na magkaroon kung ano ang mayroon ang iba dahil iyon ang wala kami." mahaba nitong litanya.

Napabuka ako ng labi at napaupo ng diretso sa narinig ko. Nagulat ako nang bigla niya itong i-open up. She is...

Hindi ko na natuloy ang gusto kong isipin nang bigla itong ngumiti na tila pa sobrang kontento na ito at masaya ito. "Pero madalas ko ring iniisip na dapat magpasalamat na lang ako dahil buhay pa kami ni kuya. Sabi nga nila, habang may buhay may pag-asa. Kung ako ay iisipin ko kung ano ang mayroon ang iba, iniisip ko na lang din na mayroon ding iba na naiingit kung anong mayroon kami. May ibang tao kasi na mas mabigat at mas mahirap pa ang pinagdadaanan kaysa sa amin. Iyong tipong hinihiling lang nila ay magkaroon ng buhay ng katulad namin. Kung iisipin mo iyon, ang swerte na rin naman namin ni kuya."

"The happiness of your life depends upon the quality of your thoughts" bulong ko.

"huh?"

Napailing ako, "Wala. Naalala ko lang ang linya na sinabi noon ng isang philosopher na si Marcus Aerelius"

"Oo nga pala. Sabi mo may kaibigan ka na actress?" biglaan niyang tanong.

Tumango ako. "Bakit?"

"Wala lang. May crush kasi si kuya sa isang actress din na halos kasing age niyo lang din." sabi niya.

"Normal lang naman 'yung magkacrush" I giggled.

"Bakit ate? May crush ka rin ba?"

Napatigil ako nang bigla niyang ibinalik sa akin ang tanong. Mabilis naman na lumitaw ang mukha ni AJ sa isip ko.

Malungkot akong napangiti.

"Yeah..."

Iniisip ko palang siya ngayon ay namimiss ko na siya.

Mukhang napansin ni Elijah na medyo sensitive pa ako sa usapan na iyon kaya hindi na siya nagtanong pa.

"Pero hindi 'yun. Naalala ko lang kasi sinabi ni kuya"

"Na ano?"

Lumingon siya kaliwa't-kanan atsaka idinikit ang point finger niya sa labi niya. "Ssh, sa atin lang ito ate ah?"

Tumango ako atsaka lumapit sa kanya.

"Sasabihin ko lang sa'yo dahil pareho tayo ng apelyido. Pero h'wag mo talagang ipagkakalat ah?"

Itinaas ko ang kanan kamay ko sabay sabing, "Pangako."

Tinignan niya ako sa mata na tila ba nagdadalawang isip. Maya-maya lang ay bumuntong hininga ito na tila ba hindi na niya matiis at sinabi na lang sa akin.

"Mukhang madadamay kasi sa away ng isang pamilya iyong crush ni kuya. Ayon sa narinig niya ay mukhang may balak daw ipapatay ito"

Gulat kong tinignan si Elijah sa narinig ko. Pinagmasdan ko siya para matukoy kung nagbibiro ba ito, pero mukhang hindi.

Ngumiti ito atsaka umiling. "Maiba tayo, kamusta kayo ng crush mo?"

Muli na naman akong napatigil sa tanong niya. Akala ko ay wala na itong balak magtanong. Hindi ko alam na masyadong mausisa ang batang ito.

"I broke up with him"

Napanganga ito sa diretso kong sagot. "Hala! Naging kayo? Ang swerte mo naman pala ate!"

"Oo. Hindi nga rin ako makapaniwala na naging kami." pag-amin ko habang nakangiting umiiling.

Kung iisipin mo, oo nga, sobrang swerte ko kay AJ. Ang ibang tao ay pinapangarap lang siya pero ako ay boyfriend ko na. Ahem, ex na pala...

"Bakit mo hiniwalayan? Iyong kuya ko nga walang pag-asa sa crush niya tapos ikaw nakipaghiwalay na lang ng ganoon?"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Minsan ay sobrang mature nitong mag-isip pero minsan ang tanong nito ay parang bata na walang alam talaga.

"I don't deserve him" pagkibit-balikat ko.

Umiling ito na para bang sobrang disappointed. "Edi gawin mong maging deserve ka niya"

"It's not that simple" mabilis kong sagot.

"Wala namang bagay na madali eh. Diba nga, lahat ng madaling kunin mabilis mawala. Iba pa rin kapag pinaghirapan mo talaga. Bakit ba ate? Ayaw mo na ba talaga sa kanya?"

I stared at her and thought about what she said. What she said was so simple and was too obvious.

Bakit ko nga ba pinapakomplikado pa ang lahat?

I should just work hard to earn their trust, right? It's hard to change but it's not impossible.