webnovel

Coincidence Encounter

<December 7>

UMIWAS AKO ng tingin nang magkatinginan kami ni Farelle. Malamang ay nagtataka iyon kung bakit ako umiiwas. Hindi ko rin nga alam bakit eh. Siguro, takot lang ako na madamay pa sila ni Cassey sa mga katarantaduhan na ginawa ko noon.

I want to change. I'm scared that if I stay with them, jealousy might eat me up again. Siguro, tama lang 'yung ganito. They don't deserve a fake like me as their friend.

Mabilis akong naglakad sa ibang direksiyon nang nakita kong palapit sa akin si Farelle. Mabuti na lang din ay naging abala ito sa iba nitong kaibigan.

Masyado akong nag-aalala kung sinusundan pa ba ako ni Farelle o kung may balak ba ito, kaya madaling-madali ako sa paglalakad. Hanggang sa hindi ko na napansin na may nabangga na pala ako.

"Sorry!" mabilis kong paghingi ng pasensya sa taong nasangga ko.

"Okay lang po" rinig kong sabi ng isang bata. Napayuko ako at doon ko napansin na natumba pala ang bata na nabangga ko. Kaagad ko siyang tinulungan na tumayo.

Nang makita ko ang buong itsura ng bata ay namangha ako sa mukha nito. She's pretty. Kailangan niya lang mag-ayos ng damit at kaunting make-up siguro.

"Sino hinihintay mo dito? Ate mo ba o kuya mo?" tanong ko sa bata dahil mukhang naliligaw ito.

"Wala po. Gusto ko lang bisitahin itong school. Dito raw po kasi nag-aral si mama dati, 'yun ang sabi sa akin ni kuya" sagot niya.

Tumango-tango ako. "Gusto mo bang ilibot kita sa loob para hindi ka mawala?"

Tinignan niya ako na may halong pagdu-duda. "Sabi ni kuya, h'wag daw ako basta-basta sumama kung kani-kanino"

Ngumiti ako sa sinabi niya. Tama naman ang sinabi niya. "Tama naman siya. Hindi pa pala ako nagpapakilala. P'wede mo akong tawaging ate Divine. Buong pangalan ko ay Divine Vargas"

Lumaki ang mata niya na tila ba nagulat kaya nagtaka ako. "Baka kapatid kita, ate? Ako nga pala si Elijah. Vargas din ang apelyido ko" pabiro niyang sabi.

"Siguro nga" pagsakay ko sa biro niya.

"Dahil pareho tayo ng apelyido, I trust you ate. Gusto ko rin makita ang loob ng school niyo eh" masigla nitong sabi na ikinatawa ko.

"O'sige. Sabihin na lang natin sa guard na kapatid nga kita. Bawal kasi pumasok ang outsider sa loob" sabi ko. Sumang-ayon naman ito kaagad sa suhestiyon ko.

Kagaya ng plano namin ay naipasok ko si Elijah sa loob ng school namin. Nagsimula muna kami sa building ng elementary. Habang naglalakad kami ay nagkwentuhan lang din kami. Naaaliw ako tuwing nagkwe-kwento ito. Sobrang cute niya lang.

"Alam mo ba ate, gusto ko rin mag-aral sa school?"

Hindi ako nagsalita dahil alam ko rin ang pakiramdam niya. Noong kasing-edad niya rin ako ay pinangarap ko lang din na pumasok sa eskwelahan.

Napatingin ako kay Elijah na patuloy lang sa pagkwento tungkol sa buhay niya kasama ang kuya niya.

Naalala ko tuloy ang sarili ko noon dahil sa kwento niya. Noon ay nakatira lang din ako sa kalsada. Ang mga taong nakapaligid sa akin ay puro scammer. Dahil sa kanila ay natuto rin akong magscam nang iba para lang may makain ako. Minsan ay nagpapaawa ako sa nakikita kong mga taong masyadong malambot ang puso at mukhang may pera, dahil doon ay nakakaipon ako ng kahit magkano sa isang araw. Ngunit ang mga naiipon ko rin na pera ay kinukuha lang din naman ng mga mas matanda sa akin, Sinasabi nila na sila na raw bahala sa kakainin ko basta ibigay ko lang ang pera sa kanila. Siyempre, bata pa lang ako noon. Nauto naman ako.

Hanggang isang araw, ang taong hinihingan ko pala ng pera para magpaawa ay kabilang pala sa nag-aalaga sa isang orphanage. Hindi ko maintindihan ang inexplain niya sa akin pero sumama na lang ako sa kanya. Ang naintindihan ko lang ay mas may kakainin ako doon.

Ilang taon ang lumipas at nasanay na ako sa loob ng orphanage. Hanggang sa may umampon sa akin. It was the Vargas family. Hindi ko alam ano ang dahilan nila bakit sila nag-ampon, eh mayroon naman silang sariling anak.

Siguro ay naging swerte lang ako sa pagkakataon na iyon. Kaya hindi ko rin maiwasang hindi maawa sa pamumuhay nina Elijah ngayon, dahil ako mismo ay alam ko kung gaano kahirap mabuhay ng mag-isa at walang gagabay man lang sa'yo.

Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya, "Both of you did well up until now"

Ngumiti siya sa akin. "Hmm! Mabuti na nga lang ay kasama ko si kuya eh. Kung wala siya ay hindi ko alam kung saan na ako napadpad at kung buhay pa ba ako. Sa pagitan naming dalawa, alam ko siya ang mas nahihirapan. Kaya sobrang proud ako sa kuya ko. Ang talino, tapang, at sobrang sipag niya. Plus, gwapo pa!"

Natawa ako sa huli nitong sinabi. Gusto ko kung gaano niya pinagmamayabang ang kuya nito. Halata kung gaano kalapit silang dalawa sa isa't-isa.

"Minsan ay nakakatakot lang siya tignan, pero alam ko na sobrang soft niya rin deep inside" dagdag niya pa.

"Nasaan ba kuya mo? Alam niya ba na nandito ka ngayon?"

Napakagat siya ng labi niya atsaka umiwas ng tingin. Mahina akong tumawa. Mukhang tumakas lang ito.

"Naku po. Kapag nalaman ng kuya mo ito, lagot ka. Baka ako pa sisihin n'un. Ang sabi mo pa naman nakakatakot kuya mo" pabiro kong sabi.

Tinignan niya ako atsaka nagpaawa sa akin. "Sshh ka lang, ate! Ako na bahala kay kuya, please?"

Ginulo ko ang ulo niya atsaka tumango. "Osige, pero ihahatid kita sa inyo. Baka kung mapano ka pa kung hahayaan kita na umuwi mag-isa."

Ngumuso ito pero sumang-ayon din naman. Ang cute niya talagang bata. Sana ganito rin kacute si Seya, kaso sobrang sungit n'un sa akin. Hindi ko naman masisisi si Seya. Ako kasi ang biglang sumingit sa pamilya nila. Idagdag mo pa na nahahati ang atensyon ng magulang niya sa pagitan naming dalawa. Kahit na sabihing patas lang ang pagmamahal na binibigay ng magulang namin ay hindi maipagkakaila na ninakaw ko pa rin ang dapat sa kanya lang lahat dapat.