webnovel

Courage

<December 18>

"NAKAUWI NA siguro iyon. Kanina pa tapos ang shooting namin eh. Ngayon mo na siya kakausapin diba?"

"Oo. Baka magdalawang isip pa ako at baka mapaatras pa ako"

"Kapag ikaw umatras, itutulak ka naman namin ulit. Gago, 'yung kapatid ko ang laging inaabala niyang boyfri---ehem---soon to be boyfriend mo ulit eh"

Tumawa ako sa biro ni Farelle para itago na rin ang kaba na nararamdaman ko. Ilang araw kong pinag-isipan kung kailan ko ba kakausapin si AJ ulit para humingi ng tawad at mag-explain sa kanya.

Kung iisipin ay noong nakipagbreak ako sa kanya ay wala man lang akong paliwanag kung bakit. Ipinilit ko lang ang gusto ko at hindi pinakinggan ang opinyon niya. Natatakot kasi ako ng panahon na iyon na baka hindi ko siya matiis. Pero tignan mo ngayon, hindi ko nga talaga na hindi siya sa akin.

He is someone that makes me want to be selfish.

Inayos ko muna ang pagkakaibigan namin nina Farelle at Cassey. Inamin ko sa kanila ang lahat at pinakinggan naman nila ito.

Hindi ko inasahan ang naging reaksiyon nila noon. It was like they already knew and they easily accepted me. Siguro, maliban kay Cassey. Halata ang pagkagulat niya pero mabilis niya rin naman tinanggap ako. Tila ba wala lang para sa kanya kung sino at ano ba talaga ang ugali ko.

Mula noon ay parang mas naging close na rin kami sa isa't-isa. Madalas na nga rin akong asarin ni Ronan dahil sa unti-unti kong pagbabago. Pero kahit ganoon pa man ay natutuwa ako dahil nagagawa ko nang magpakatotoo sa mga kaibigan ko.

Sa gabi na ito ako may balak na makipag-ayos ulit kay AJ. Hindi ako makahanap ng tiyempo dahil busy din ito sa trabaho niya. Pero kung mas ipapatagal ko pa ito ay baka mawalan na ako ng tiyansa. Kaya kahit na anong oras na at sobrang late na ay napagdesisyunan ko na hintayin siya.

I hope it all ends well...

"Don't worry too much, Divine. He'll accept you" mahinahong sabi at pagpapalakas ng loob sa akin ni Cassey.

Ngumiti ako atsaka tumango. "Sige. Salamat sa inyong dalawa. Balitaan ko kayo kung anong nangyari. Kapag hindi maganda ang kinalabasan ay mag-iinuman tayo sa apartment nina Cassey"

"Baliw" natatawang sabi ni Cassey.

Nalaman kasi namin na pala-inom pala ito tuwing may iniisip. Nito lang din namin natuklasan dahil kay Ronan.

"Sige na" paalam ko bago ko pinatay ang group call.

Tumayo ako sa upuan ko. Huminga ako ng malalim para humugot ng lakas ng loob. Nagsimula na ako maglakad palabas ng convenience store na malapit sa bahay nina AJ at kung saan ako tumambay ng ilang oras.

Wish me luck.

I know that this, the last part of the volume, is shorter than the other chapters. I intended it to put it together with the previous chapter but decided not to.  

What do you think about this volume? I would love to hear/read your thoughts about it!

Anyway, the next few chapters would be the last volume of this whole short novel story. I hope you keep supporting the story until the end. See you at the last volume!

Enjoy Reading~!

ZelkyieAnncreators' thoughts