webnovel

Granted Wish

<December 2>

MAAGA AKO nakauwi ng bahay kaysa sa nakagawian ko dahil maagang nagsara ang shop namin ngayong araw. Ngunit hindi ko naman inaasahan ang taong madaratnan ko pagkauwi. Nasanay na kasi ako na pagkauwi ko ay isang parang multo na tatay namin dahil minsan lang ito magparamdam. Minsan nandiyan, minsan wala. Kaya nasanay na ako na parang kami lang ni Farelle ang nakatira sa bahay.

Ngunit sa araw na ito, tila mas maingay ang loob ng bahay. Akala ko ay may bisita lang si Farelle na kaklase nito. Pero mukhang hindi pa rin nakakauwi galing eskwela ang kakambal ko.

Ang may bisita pala ay ang tatay namin, Hindi ko matukoy kung kilala ko ba o hindi ang bisita niya, pero ang pinaka-alam ko lang ay hindi ko na inaasahan na magkikita pa pala kami ulit.

"Pa, anong mayroon?" tanong ko pero mukhang masyado itong abala sa pakikipagkwentuhan sa kasama niya.

Ngumiti sa akin ang babaeng kasama ni papa. Tumango naman ako bilang pagbati sa kanya pabalik.

Hindi na ako nanatili sa sala para pakinggan ang pinag-uusapan nila. Dumiretso na lang ako sa kwarto para umiglip ng saglit.

Nagising na lang ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Noong sinilip ko iyon gamit ng mata ko ay napansin ko na si Farelle pala iyon.

"Hmm?" inaantok na paghumm ko para tanungin kung bakit siya nasa kwarto ko.

"Ang aga mo ata umuwi?" tanong niya.

Unti-unti na ako bumangon atsaka tinignan ang oras sa cellphone ko. "Maaga nagsara ang shop eh"

"Bakit nasa labas si mama?" diretsong tanong niya.

Nagkibit-balikat ako habang kinukuha ang susuotin ko para mamaya. Sinundan ako ni Farelle nang lumabas ako ng kwarto.

"Kumain ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan habang dumidiretso kami sa kusina.

"Maaga pa"

"Sila ba?" tanong ko habang nagsasandok ako ng kanin.

Gamit ang peripheral vision ko ay napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Malamang ay nagtataka kung bakit ako nag-aalala para sa kanila, o kaya naman nagtataka kung bakit parang wala lang sa akin ang pangyayari.

Inis itong naglabas ng hangin sa ilong, "Hindi ko alam. Kakarating ko lang"

Pinanood ko siya na naglakad palabas ng kusina at para bang sobrang disappointed ito sa akin. Naiintindihan ko naman ang reaksiyon ni Farelle. Malamang ay nalilito ito sa mga pangyayari kung bakit nandito ang nanay namin at para bang sobrang close na ulit sila ni papa. Kahit naman ako ay nagtataka pero wala naman akong karapatan para magsalita o tanungin kung ano man ang naging desisyon nilang dalawa.

Ang mahalaga lang siguro ay hindi nilang dalawa maapektuhan ang pang-araw araw na pamumuhay namin ni Farelle ulit.

---

Habang tumutulong ako sa may cashier sa pamamagitan ng pagsupot ng mga pinamili ng isang customer ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsahan ko. Hindi ko ito pinansin at tinapos ko muna ang ginagawa ko.

Nang matapos ang buong linya ay lumipat ako sa ibang cashier para doon naman sana tumulong, pero mukhang hindi pa naman nila ganoon kailangan ng tulong. Habang naghihintay ako ng iba kong gawin ay kinuha ko ang phone ko para tignan kung sino ang nagtext.

[H'wag ka na muna pumunta dito. Focus ka na lang sa trabaho mo. Bibisita naman dito sina Cassey eh], pagbasa ko sa text ni AJ.

[Loko, h'wag mong landiin si Cassey ah. Bata pa 'yun] pang-aasar ko.

Mabilis lang din naman ako nakareceive ng reply. [Gago, hahaha]

[H'wag kang mag-alala kasama ni Cassey si Marvin at Kurt papunta dito. Business ang pag-uusapan namin. H'wag kang magselos diyan]

Natawa na lang ako sa kasunod niyang sinabi. Magsesend pa lang sana ako ng reply pero may kasunod na ulit itong tinext.

[Bakit nga ba hindi mo ligawan si Cassey?]

Napaubo naman ako sa nabasa ko. Ako ba niloloko nitong best friend ko? Saan niya nakuha ang ideya na 'yan?

[Baliw, kaibigan ko lang si Cassey] mabilis kong reply.

May kasunod pang sinabi si AJ pero hindi ko na ito nabasa dahil napansin kong parang humahaba na ang pila sa kabilang cashier at wala itong kasamang katulong sa pagsusupot ng mga items. Kaagad akong lumapit doon para tumulong.

---

<December 5>

PAREHO KAMING nagkatitigan ni AJ pagkatapos niyang mabasa ang binigay kong papel sa kanya. Kapansin-pansin ang taka, kaba, at pagdududa sa mata niya. Malamang ay hindi niya alam kung paniniwalaan ba ang nakasulat sa papel.

Pagkapasok ko sa shop ay binigay ito ni Sean sa akin. Ang sabi niya ay nakita niya iyon na nakapatong sa lamesa kanina at nakaadress iyon sa akin. Pagkatapos kong basahin ang nakasulat ay ang saktong pagkadating ni AJ sa shop. Hindi ko alam ano ang ginagawa niya dito pero mabilis kong pinabasa sa kanya ang letter.

"This is probably a prank" pag-iiling na sabi ni AJ.

Nagkibit-balikat ako dahil kahit ako ay hindi ako sigurado kung maniniwala ba ako sa pababala na nakasulat sa papel. Pero aaminin ko ay kinabahan din ako noong nabasa ko ito.

Ang weird lang kasi sa akin binigay at hindi direktang binigay kay Cassey. Hindi ba dapat ang victim ang balaan at hindi ako?

"Ano pala ginagawa mo na naman dito?" pag-iiba ko ng usapan.

"Dumaan ako sa bakery niyo kanina, eh. Nakalimutan daw ito sabi ni Farelle kaya pinapabigay niya sa'yo" sagot niya atsaka ibinigay sa akin ang baon ko.

"Sus. Ginawa mo lang siguro itong dahilan para makatakas ka sa trabaho mo"

Cassual itong nagkibit-balikat, "Medyo ganoon na nga"

Pagkatabi ko ng baon na ibinigay sa akin ni AJ ay saktong pagring ng cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay hindi ko mapigilang hindi kabahan dahil naalala ko na naman ang letter.

"Hello" pagsagot ko sa tawag.

"Hello. Good morning. Umm, tanong ko lang kung alam mo ba kung nasaan na naman ang best friend mo? Hinahanap sa akin ni kuya Kurt eh", pagbati pabalik sa akin ni Cassey mula sa kabilang linya.

Napangiti ako atsaka binulungan si AJ ng, "lagot ka. Hinahanap ka na"

"Eto na kamo, papunta na. Mauna na ako" paalam ni AJ atsaka lumabas na ng shop.

"Ayun, papunta na raw" sagot ko kay Cassey.

"Sige, salamat"

"Ah, Cassey?" mabilis kong tawag sa kanya nang mukhang papatayin niya na ang linya.

"Hmm?"

Nagdalawang isip ako kung babangitin ko ba ang tungkol sa letter o hindi. Lumipas ang halos dalawang segundo nang hindi ako nagsasalita.

"Ano 'yun?" tanong niya ulit.

Umiling ako at napagpasiyahan ko na itago na lang muna sa kanya. Ayokong uuwi siya na may takot at kaba sa dibdib niya. It's probably just a prank anyway.

"Wala lang. Ah, oo nga pala. Bumalik na nanay namin" pagkwento ko.

"Isn't that great?"

Napaisip ako pero nagkibit-balikat lang din ako. "Probably? I don't know, but isn't funny how she returned right after we talked about her before?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. "The stars that night heard your deepest wish" sabi niya na tila ba siguradong-sigurado siya.

"Haha, I didn't wish for it though", tuyo akong tumawa sa sinabi niya. Was she kidding? Pero parang simula noong nakaraang gabi pa lang ay may gusto na itong iparating at gustong iparealize sa akin.

"You know, it wouldn't hurt to let it all out and accept as it is"

Napangiti ako sa sinabi niya atsaka naiiling, "Are you talking to yourself?"

"Yeah. Maybe" mahinang pag-amin niya.