webnovel

Night Walk

<December 1>

PAPUNTA AKO ngayon sa bahay nina AJ para samahan ulit ito. Baka mamaya makita ko na lang kasi ito na nagpapakamatay na pala. Siyempre, biro lang 'yun. Gusto ko lang siyang damayan dahil naranasan ko na rin naman kung paano ma-heartbroken.

Mabuti na lang ay wala akong pasok ngayong gabi sa supermarket na malapit sa amin. 5 PM - 10 PM kasi ang pasok ko dito parati.

Habang naglalakad ako papunta sa may sakayan ay natanaw ko sa hindi kalayuan si Cassey. Mukhang galing ito sa bahay ng mga magulang niya dahil sa apartment na ito ng tita niya usually nakatira.

"Cassey!" malakas na tawag ko sa kanya. Saglit siyang nalito kung sino ang tumawag sa kanya, pero mabilis niya rin naman ako natanaw. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya.

"Ronan! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin nang makalapit na ako sa kanya.

"Malamang diyan lang ako nakatira. Parang hindi tayo naging magkapit-bahay ah?"

"Hindi 'yun, ang ibig kong sabihin. Wala ka bang trabaho ngayon?" natatawa niyang sabi.

Sinabayan ko siya sa paglakad papunta sa may sakayan dahil mukhang doon din naman ang daan niya.

Umiling ako. "Wala. Papunta nga ako kina AJ ngayon eh. Alam mo na ba nangyari sa kanila ni Divine?"

Napabuka siya ng bibig atsaka malungkot na yumuko. "Oo." Tumingala ito sa akin, tila may awa sa mga mata niya.

Ngumiti ako para iparating na okay lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ba nila ako inaalala tuwing sina Divine at AJ ang pinag-uusapan.

"Ikaw ba? Kamusta ka?" pangangamusta ko.

Tumigil ito sa paglakad dahilan para tumigil din ako. Tinignan niya ako katulad dati na para bang gulat na gulat sa tanong ko. Tila ba nagdadalawang isip kung ano ang isasagot niya. Mahina siyang tumawa sa sarili niya bago sumagot.

"Alam mo, mayroon kaming isda noon eh. Pero namatay din. Siguro parang nakikita ko siya sa sarili ko dahil siguro napamahal ako doon. Isang isda na sa isang fishbowl. I don't know how to swim. I may be a model pero I don't want to remain as a picture. Minsan gusto ko na lang mawala ng parang bul---" tumigil siya saglit sa pagsalita para takpan ang bibig niya, "Ah--!Namiss ko lang siguro yung isda na yun at gusto ko rin pumunta kung nasaan siya." sabi nito habang nakangiti.

Lumingon ito sa akin nang hindi niya ako narinig na magsasalita. Napansin niya siguro ang malungkot na pagtingin ko ulit sakanya dahil mahina itong tumawa, na tila ba paraan niya iyon para takpan ang lungkot sa mga mata nito.

"Biro lang, sobrang seryoso mo naman. Inaalala ko lang yung linya ni ate Leann. Hindi mo pa ba napanood 'yun?"

Sinubukan kong hindi bumuntong hininga at sundan na lang ang lead ni Cassey. "Hindi pa. Late na ako nakakauwi sa bahay eh." sagot ko kahit na alam ko naman na ang linyang yun ay hindi talaga linya ng tinutukoy niya. Madalas niya lang itong gawing dahilan. Iyon ang napapansin ko sa kanya nitong mga nakaraang buwan na madalas kaming magsama at mag-usap.

Nagulat ako ng nawala ang ngiti na pinapakita niya sa akin kanina at napalitan ito ng mapait na ngiti. "Ronan... I'm really fine. Nabobother ako sa tingin mo, hahaha" nahihiyang sabi niya habang nakayuko.

Hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksiyon ko sa sinabi niya kaya nanahimik na lang ako.

"Alam mo naman na galing ako sa bahay diba? Wala, my mom is just being herself again. Oo nga pala, speaking of... Ano itsura ng nanay mo?"

Nagulat ako sa biglaang tanong niya. Hindi ko inaasahan na io-open up niya ang tungkol doon. Siguro ay paraan niya ito para ibahin ang topic at pagaanin ang pag-uusap namin.

Sinubukan ko maging normal at gawing cassual ang boses ko. "I don't know. I don't have one" pagkibit-balikat ko.

"Oh..." natahimik ito. Mukhang doon niya lang naalala kung ano ang tinanong niya. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa ekspresyon niya dahil mukhang naguilty talaga ito sa tanong niya.

Did she ask this because something is going on with her family, as well? Ang alam ko lang ay may step mom ito, pero hindi ko alam kung ano ang nangyari sa tunay niyang nanay. Noong nakilala ko kasi ito ay ang step mom na nito ang kasama niya.

Matapos ang ilang segundo ng pag-aalinlangan ay nagsalita ulit si Cassey. "But...umm... do you sometimes wish that you have one?"

Do I wish to?

Mabilis akong umiling habang nakangiti. "I don't think I need one. I mean, It's because I already got up to this point where I don't rely on them so I don't there's any more reason to wish I had one"

Sa pagkakataon na 'yun, doon ko naman nakita kung paano tumingin sa akin si Cassey na para bang naaawa sa akin. Is that really something to pity for?

"You..." bulong niya na para bang may gustong sabihin pero umiling din ito.

"You're an amazing guy and everything pero minsan nakakalimutan ko na tanga ka nga rin pala" pabiro niyang sabi na tila ba inaasar ako.

"Anong ibig mong sabihin, huh?"

"Wala" pag-iling niya atsaka nagsimula na ulit maglakad.