webnovel

His Hidden Wish

<December 15>

PAGKAPASOK KO sa kusina ay napansin ko kaagad ang lutong pagkain na nakahain doon. Mukhang naunang nagising ulit si Farelle. Kinain ko ang niluto niya atsaka naghanda na rin ako ng pagkain na babaunin ko mamaya.

Pagkatapos kong kumain ay nakareceive ako ng text mula kay AJ. Nagpresinta ito na ihatid ako sa car wash dahil dadaan din naman daw siya dito sa amin para bumili sa bakery namin.

Tuwing Wednesday kasi ay doon ako palagi tumutulong lalo na't day off ko iyon sa shop. Sa car wash ako unang nagtrabaho bago ako matanggap sa shop. Kaya hanggang ngayon ay tumutulong pa rin ako dito kahit na hindi ko naman na kailangang pumunta pa ulit dahil may stable na trabaho na ako sa shop at sa supermarket. Pero may utang na loob ako sa may-ari ng car wash na si Boss Arlie, dahil siya ang tumanggap sa akin noong panahon na naghahanap ako ng p'wede kong pagtrabahuhan. Sinusubukan kong makabisita man lang sa car wash kahit isang beses lang sa buwan. Tuwing may hinihingi ring tulong sa akin ang may-ari ay buong puso ko itong tinatanggap.

Paglakad ko sa may sala ay natanaw ko mula sa bintana na nasa loob pala ng bakery shop si Farelle. Mukhang may kausap pa ito sa cellphone.

Pumasok muna ako sa kwarto para makapagbihis, bago ako dumiretso sa bakery para kamustahin si Farelle. Pagkapasok ko sa bakery ay kaagad kong naamoy ang pinapainit ni Farelle na pandesal. Sakto lang din na kakatapos niya lang sa kausap niya kaya naman napansin niya pa kung paano ako dumukot ng isang tinapay.

"Hindi ka ba kumain ng almusal at itong tinapay na dapat ibebenta ang tinitira mo?"

"Ang tinapay ay andiyan para kainin" depensa ko habang nginunguya ang kinakain kong tinapay.

Naiiling ito habang binubuksan na ng tuluyan ang bakery. "Oo nga pala. Gusto raw ni Cassey ng pandesal. Makakapunta ka ba doon?" tanong niya na paniguradong may halong malisya.

"Siya ba kausap mo kanina?" pag-iwas ko sa pang-aasar niya.

Nakita ko kung paano siya tumango. Pinagmasdan ko ng ilang segundo si Farelle. Siguro, dahil kakambal ko siya ay madali para sa akin para malaman ko kung ano ang nasa isip niya. Hindi man niya sabihin o banggitin ay alam ko na kaagad kung ano ang nararamdaman niya.

"Sure kang gusto mong ibigay natin 'to?" tanong ko habang inuubos ang tinapay na hawak ko,

"I mean, the taste is not that bad and not that good. Considering her, she probably won't mind. Sige, pabigay na lang natin kay AJ mamaya. Dadaan siya dito eh" dugtong ko.

Dalawa ang gusto kong iparating doon. Gusto ko iparealize at ipaalala sa kanya na ang mga bagay na niwo-worry niya ay hindi niya ganoon kailangan iworry. She's already great as she is. The people around her appreciates her the way she is.

Ang isa ko pang gustong ipunto ay ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya namin ngayon. Alam ko sobrang bilis ng mga pangyayari at kapansin-pansin din ang madaming pagbabago sa loob ng bahay. Pero nito ko lang din narealize na, our family does not have to be perfect. They really did not do anything that would harm us, it's just how the circumstances went. But, they also did not do anything for us during those bad days. I guess, it was also because all of us were too busy worrying a lot of different things at the same time.

"Bakit?" tanong niya.

Ngumiti ako atsaka sumandal sa pader. Naalala ko tuloy bigla ang sinabi ni Cassey sa akin nitong mga nakaraang araw. Malamang, katulad ni Cassey ay mayroon na ring napapansin sa akin si Farelle. Cassey might already know, while Farelle is always scared to ask me about it.

Hindi palatanong si Farelle. Minsan ng hinihintay ko siyang magtanong sa akin pero mukhang nawawalan ito bigla ng lakas ng loob. Kaya ngayong nagtanong siya ay hinayaan ko ang sarili ko na aminin sa kanya ang lahat. She's my sister, my twin, and other half. I guess, I could be honest with her.

"Alam mo ba, sinabihan ako ni Cassey na h'wag ko raw kimkimin lahat at tanggapin ko na lang. Noong una ay hindi ko talaga nakuha ang gusto niya iparating. Kasi alam ko sa sarili ko na tanggap ko naman na ang lahat. Naka-move on na ako at okay na ako. Pero, I guess, deep inside ay hindi pa rin pala talaga ako okay. I knew in myself since way before that there's something wrong, but I guess I already got used in trying to deceive myself that there was none. Which is really wrong.

Noong iniwan tayo ni mama para sa ibang lalake, I was really really sad about it. Gusto kong umiyak, pigilan siya, o magreklamo man lang. Pero kung may natutunaan man ako kay mama, 'yun ay ang hindi tumitigil ang mundo para lang sa'yo. Kaya naman kaysa isipin ko kung bakit ganoon ang nangyari sa atin at bakit nasira na lang bigla ang pamilya natin, naituon ko na lang lahat ng atensyon ko para masiguradong makasabay pa rin tayo sa ikot ng mundo.

Pero kahit ganoon ay may mga pagkakataon pa rin talaga na susulpot siya sa isip ko kung ano nga ba tayo kung buo pa rin tayo? Makakapag-aral din kaya ako katulad ng isang normal na estudyante? Anong kurso kaya ang kukunin ko rin sa college?

It's just a thought, pero kung iisipin ko ay naging maayos naman ang buhay natin. We learned a lot from those experiences. I'm happy with what we have right now. I actually don't regret anything.

Aaminin ko, hiniling ko rin talaga na magka-ayos ang pamilya natin. But, I didn't expect it to be this way. Paano kasi, parang ang dating sa akin kung bakit bumalik si mama sa atin ay dahil wala na itong makapitan sa bago niya.

Katulad mo, hindi na ako sigurado kung ano ang tama sa mali. That's why, I did what I thought was the easiest solution. I decided not to care about it. Pero habang pinagmamasdan ko si papa, napansin ko na wala rin pala itong pake. Wala siyang pake sa ibang paraan. He didn't care about what our mother did, it just looked like he was trying to live the moment.

That's when I thought, there are really just some times that we have to focus on the present than worrying about the past or future too much, since you'll miss the opportunity by thinking about it too much. Sometimes, you just have not to think at all." mahabang sabi ko.

Nilingon ko siya at napansin ko na umiiyak na pala ito. Natawa na lang ako sa itsura niya. I wanted to talk about it more, but I guess this is enough for now.

"Ngayon, nakita rin kitang umiyak sa umaga. Kala ko tuwing gabi lang eh" pagpapagaan ko sa usapan namin.

Ayokong nakikitang umiiyak ang kapatid ko pero mas ayokong sinasarili niya lang lahat. Alam ko na matagal na itong may mabigat na binibitbit sa likuran niya, pero hindi ko kayang tulungan siya sa pagbuhat nito dahil hindi naman niya sinasabi sa akin. Kaya natutuwa ako tuwing napapansin ko na nakakapagkwento na ito ng problema niya kay Cassey. At least ngayon ay alam niyang may masasandalan ito at hindi na siya nag-iisa.

Just like the other volumes, I would like to ask your thoughts on this volume especially about Ronan.

We are getting nearer to the last volume. I hope you enjoyed reading the story so far. Your votes and comments are always welcome and will be always appreciated. It would really make my whole day brighter if I know that someone is supporting the story.

Last two volumes are up next! See you and Enjoy reading~!

ZelkyieAnncreators' thoughts