webnovel

Chapter 8: Tinamaan ako

Pagkatapos namin kumain ay dinala ako ni Rex sa isang malinis na ilog. Sinabi ko kasi sa kaniya na gusto kong maligo bago matulog nanlalagkit na ang buo kong katawan. Pumayag naman ito ngunit dapat ay kasama siya sa pagligo, nahampas ko naman ito sa kaniyang braso dahil ibang level na ang pag-iisip ko sa mga oras na ito.

"Sasamahan kita sa iyong pagligo paano na lamang kung may ibang lahi ang makakita sayo" napahinto ako dahil sa sinabi niya, oo nga pala nasa beasts world ako dapat mas maingat kami dahil baka mapukaw ko yung atensiyon nila at kunin nila ako kay Rex!

Sa huli ay pumayag na ako dahil nangamba rin ako na baka kunin nil ako Rex. Hindi ko alam kung namalik-mata ako pero parang nakita kong ngumiti ng kaunti si Rex.

"Pwede bang tumalikod ka ka-kasi maghuhubad ako" nahihiya akong maghubad kung nandyan siya.

"Kukuha lamang ako ng kahoy" tinignan ko naman ito hanggang sa makalayo. Hinubad ko na ang suot kong malaking kumot na tumatakip sa buo kong katawan, sunod naman ay tinanggal ko na ang damit na ibinigay sa akin ni Rex, ngayong hubo't hubad ako ay pumunta na ako sa ilog at sinimulan ang pagligo. Ang sarap ng aking pakiramdam parang wala akong nararamdamang stress sa lugar na ito hindi kagaya sa mundo ko ang daming intindihin at wala akong kasama sa buhay puro na lang trabaho-trabaho. Naka floating ako ngayon maya-maya pa lamang ay umahon ako sa tubig.

Paglingon ko ay nandyan na si Rex sa likod ko naka hubad at nakatitig sa akin. "aah" napasigaw ako at dali-daling tinakpan ang dibdib ko, nilubog ko aagad ang aking sarili sa tubig. Binuhat ako ni Rex at nakita kong nakangiti ito.

"akin ka lamang" sambit niya at ako'y kaniyang niyakap. Naramdaman ko ang init ng kaniyang katawan, ramdam ko din ang malaking ano niya sa kaniyang pagkakalaki na tumutusok sa aking puson, nanigas ang aking dibdib. Hinawakan niya ang aking likod at hinimas-himas ito. Kung hindi siya titigil ay mawawalan ako ng ulirat.

"Rex!" sigaw ko sa kaniyang pangalan, natigilan naman ito sa kaniyang ginagawa at kumawala sa yakap. Ngayon ay may ngiti itong nakakaloko.

"bakit?" tanong nito na animoy musmos na bata

"g-gusto ko na umuwi, huwag kang titingin!" todo takip naman ako sa aking dibdib

"nakita ko na ang lahat Gianna, wala kang dapat na ikahiya mag-asawa na tayo" binuhat ako nito ng pang bridal style at umahon na kami sa tubig.

Binalutan ako nito ng tuyong kumot at saka binuhat ulit. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib para maitago ang ngiti ko sa labi.

Tinamaan na talaga ako sayo ng husto Rex.