webnovel

Chapter 9: I met Gibo

Nakahiga kami ngayon sa dayami nakatagilid ako pakanan habang ang kamay naman ni Rex ay nasa baywang ko. Parang nabibingi ako ngayon dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ramdam ko ang ari niya na tumutusok sa pwetan ko pati ang kaniyang paghinga ay tumatama sa leeg at taenga ko. Napakagat labi na lamang ako. Maya-maya pa ay hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin

"R-Rex uhmm u-umusog ka" alam kong sa mga oras na ito ay namumula na ang pisngi ko.

"Huwag kang mag-alala hindi kita pipilitin, yayakapin lamang kita" ang husky ng boses niya, jusko kaunti na lang baka biglang bumaba ang panty ko.

Bigla naman niya ako pinaharap sa kaniya at nagtama ang aming mga mata, wala na finish na nakita na niya yung mukha kong namumula.

"Ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko Gianna, ikaw lang ang gusto ko at wala ng iba pa" Hinalikan ako ni Rex sa labi at ramdam ko na nagpipigil ito sa kaniyang sarili.

Ako ang unang kumawala sa kaniyang halik, hindi na kasi ako makahinga, niyakap na lamang niya ako. Sigurado ako na alam niya na hindi pa ako handang makipag siping sa kaniya. Marahan na hinagod ni Rex ang aking buhok at tuluyan ng pumikit ang aking mga mata.

***

Umaga na at wala si Rex sa tabi ko, malamang ay nangahoy ito at nangaso para may makain kami. Sumilip ako sa ibaba ng puno at tila yata na ako ay nalula sa aking nakita. Napakataas naman kasi ang bahay namin wala din akong kakayahan na lumipad para makababa sa lupa, siguro sinandya yun ni Rex na hindi lagyan ng hagdan para hindi kami madaling pasukin. Natatanaw ko na si Rex na lumilipad papunta sa akin, may dala itong mga karne. Ngumiti naman ako dito at kinuha ang mga karne sa kamay niya

"Huwag na, ako na ang maghuhugas at maglilinis nito umupo ka na lang at magpahinga" napakamot naman ako sa ulo, wala talaga siyang balak na pakilusin ako dito sa bahay. Humiga na lamang ako sa dayami at hinintay na maluto ang karne.

***

Rex Pov

"Gianna kakain na" pag-aaya ko rito umupo na kami sa sahig at sinimulan ng kumain. Nakita ko naman ang bakas ng lungkot sa kaniyang mukha, siguro ay nabuburyo siya dito sa loob ng bahay. Kailangan ko na din siyang bilhan ng kaniyang masusuot.

"Pagkatapos nating kumain ay pupunta tayo sa bayan para makapamili tayo ng iyong kasuotan" kitang-kita ko ang pagkislap ng kaniyang mata napangiti naman ako.

"Talaga? Yehey! Tamang-tama ang boring dito sa loob ng bahay wala man lang akong makausap" Hindi ko maintinidihan ang kaniyang mga sinasabi ngunit batid ko na masaya siya.

"ako na magliligpit" kinuha niya agad ang buto at agad ko naman itong pinigilan.

"Hindi, ako na ang gagawa ng lahat sa bahay, magpahinga ka na lamang" Utos ko.

***

Gianna Pov

Pagkatapos mag-ayos ni Rex ay binuhat niya ako at kami ay bumaba ng puno para makapamili ng damit. Hanggang ngayon ay suot-suot ko pa din ang mahabang kumot para iwas sa atension. Huminto kami sa tindahan ng leopard, may mga damit at panakip sila ng paa pansin ko naman ang pagtitig nito sa akin kaya naman yumuko ako ng kaunti.

"Aba Rex anong maipaglilingkod ko sa iyo?" tanong nito pero panakaw ang tingin nito sa akin

"ibigay mo sa akin ang damit na ito at ito dahil para sa asawa ko ang mga damit na yan" sinunod naman ang utos nito at maya-maya pa lamang ay ibinigay na ni Rex ang damit sa akin.

"salamat, magpapalit lang ako" pumasok ako sa maliit na kweba, tinignan ko ang damit kulay puti ito at malambot sa balat maganda naman ang pagkakagawa kaya lang ay malaki ito sa akin. Biglang lumiwanag ang paligid kaya naman napapikit ako.

"Welcome to the beast world Gianna" dinilat ko ang mata ko at nakita ang isang hologram na bata.

"sino ka?" tanong ko

"ako si Gibo ang kompyuter mini hologram na tutulong sa iyo para makapamuhay ka ng maayos sa mundong ito" tumango-tango naman ako

"ang lakas ng brightness mo hindi kaya makita ka ng ibang tribo?" patingin-tingin ako sa paligid, mahirap na baka may iba pang makakita sa kaniya.

"Dont worry Gianna, they can't see me. Ikaw lang ang nakakakita sa akin kaya anytime ay pwede akong magpakita sayo" ang cute ng ulo ni Gibo sarap tirisin

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? At tsaka saan ka naman galing? wala akong naalala na may pa hologram ang librong ipinahiram ni Estella sa akin" tumawa naman ito tapos umiiling-iling pa.

"Hindi mo naman binasa ang introduction, nagbasa ka kaagad sa chapter 1 kaya hayan at di mo alam na espesyal ang librong binabasa mo, anyway mayroon kang misyon sa mundong ito"

Napapakamot na lamang ako sa ulo dahil sa mga sinasabi niya sa akin, libro na may mini hologram? Aba ang high tech naman nun.

"Anong misyon?"

"Una ay kailangan makapangolekta ka ng gemstone upang makabili ka ng mga gamit sa iyong tahanan, at para magawa iyon ay kailangan mong itanim ang pitong buto na ito, sa first round ay libre ito pero sa susunod ay hindi na"

Lumabas naman ang pitong sako na may lamang mga buto

"Ang lalaki naman ng mga ito? Saan ko naman ilalagay ito? Magtataka si Rex at yung nagtitinda kapag nakita niya ito dito" nag-aalala ako ng husto, ayaw na ayaw ko pa naman makaagaw ng atensyon sa lahat.

"Huwag kang mag-alala, itong choker na ito ay magiging storage ng lahat ng iyong pagkain, damit, toiletries at iba pa depende kung anong level mo na" nakahinga naman ako ng maluwag. Isinuot ko na ang choker at pinindot ang pendant nito lumabas ang lightblue na ilaw at itinapat ko ito sa sako, magic ! Nawala yung sako.

"hanggang dito na lmang ang ating pag-uusap, itong damit ang isuot mo, pareho lang iyan pinaliit ko lang ang size niyan" at pagkatapos ay bigla na lang itong naglaho, isinuot ko na ang damit na binigay niya. Lumabas ako ng kweba at nakita kong nakatitig si Rex sa akin, kitang-kita ang aking mapuputing legs, gayon din ang aking tyan at braso.

"Ehem pangit ba?" tanong ko

"Hindi bagay na bagay iyan sa iyo, akin na ang pang sapin sa paa" dali-dali namang kinuha ni leopard ang pansapin at isinhot ni Rex sa akin

"Napaka ganda ng iyong asawa Rex ! Saan at anong lahi ka ba nabibilang?" kitang-kita ang pagkinang ng mata nito sa akin, na weirduhan ako sa kaniya. Hinarang naman ni Rex ang katawan niya sa akin.

"Makakaalis na kami" agad naman akong sinuotan ng balabal at binuhat ni Rex sa kaniyang kanang balikat.