webnovel

Chapter 7: Fire in my heart

Natatanaw na namin ang isang malaking bundok marahil ay dito na kami maninirahan ni Rex. Papikit-pikit at umiiling-iling ako sa mga kahalayan na nasa isip ko. Sinandal ko ang aking ulo sa dibdib ni Rex at naririnig ang tibok ng puso nito, lihim kong inaamoy yung katawan niya dahil napaka bango nito.

"bababa na tayo" napahigpit naman ang yakap ko sa kaniya.

Napanganga naman ako dahil bumungad sa amin ang isang dambuhalang puno, mayroon itong hugis bilog sa gitnang taas marahil ay iyon ang magsisilbing pintuan. Lalakad na sana ako subalit pinigilan ako ni Rex

"sandali, hindi ka maaaring makita ng ibang lahi isuot mo ito upang matakpan ang iyong kabuuan" isinuot niya sa akin ang kumot na tumatakip sa buo kong katawan at saka ako binuhat ni Rex at inilagay niya ako sa kaniyang kaliwang balikat. Mula sa itaas ay nakikita ko ang iba't-ibang uri ng hayop, nakikipagpalitan sila gamit ang kanilang mga pagkain o anumang bagay na maaaring tanggapin ng isang seller.

Wala din naman sila pinagkaiba sa totoong tao, nagtatrabaho din sila para makapamuhay ng maayos. Ang makakain lang sa buong araw ay sapat na para hindi sila magutom. Naalala ko bigla ang nangyari sa akin bago ako nawalan ng malay, marahil ay hindi na ako makakabalik sa mundo ko dahil patay na ako. Tanggapin ko na lang na ito na ang ikalawang buhay ko, sisiguraduhin ko na mamumuhay ako ng masaya.

"nandito na tayo" ibinaba ako ni Rex at pansin ko na malaking espasyo ang nagawa niya, madami akong naiisip na materyal na bagay na maaaring paglayan pupunuan ko ito ng gamit. Sa kaliwang banda ay mayroong dayami yun yata ang magsisilbing tulugan namin. Hala! magtatabi kami matulog?

"Gianna dumito ka muna kukuha lang ako ng makakain natin" nginitian ko ito at gayon din siya sa akin. Lumapit ako sa dayami para makahiga ng sandali nakakaramdam din ako ng panlalamig dahil iba ang temperatura sa labas, wala man lang pangharang niyakap ko na lang ang sarili ko at dahil sa pagod ko ay nakatulog ako.

****

Rex PoV

Pagbalik ko galing sa pangangaso ay naabutan ko si Gianna na natutulog sa dayami, yakap-yakap nito ang kaniyang sarili, kinuha ko ang isang makapal na kahoy at nilagyan ng apoy. Pansin ko na hindi na siya nilalamig at payapa na uli ang kaniyang tulog.

Unang kita ko pa lang sa kaniya ay alam kong kakaiba na siyang nilalang. Maliit na babae, maputi, singkit ang mata, kulot at mahaba ang buhok, balingkinitan ang katawan. Kung iisipin ay isa siyang babaeng mahina at matatakutin na babae. Naalala ko noong hinahabol siya ng alupihan naawa ako dahil umiiyak siya sa takot mabuti na lamang ay nandoon ako kung hindi ay pinagpyestahan na siya ng mga iyon. Hindi ko naaamoy kung ano at saang lahi siya napapabilang, napapangiti na lang ako dahil siya ang napili kong maging asawa. Lahat ay gagawin ko para mapasaya ka.

Lumapit ako kay Gianna at binigyan ng halik sa kaniyang tenga "uhmm" umungol ito ng bahagya ipinagpatuloy ko ang paghalik mula sa kaniyang taenga hanggang sa kaniyang pisngi, napaka bango ni Gianna, hinalikan ko na ito sa kanyang labi. Mmhh ang lambot sobrang kinis din ng kaniyang mukha, itinigil ko ang paghalik sa kaniyang labi dahil naalala ko na hindi pa pala ito kumakain. "Gianna gumising ka na"

***

Gianna Pov

Nararamdaman ko na parang may humahalik sa akin at alam kong si Rex iyon. Hindi ko maimulat ang mata ko at hindi ako makagalaw dahil ibang sensasyon ang dinadala niya sa buong sistema ko. Narinig ko naman ang sinabi niya, iminulat ko ang aking mata at nagkunwari na wala akong alam sa paghalik nto. May gusto na yata ako kay Rex!

"kakain na" inilalayan ako nito sa pagtayo at kada dikit ng aming balat ay para akong napapaso.

Sinimulan na niyang paapuyin ang karne manghang-mangha ako sa ginawa niya dahil itinutok lang niya ang kaniyang daliri at lumabas na doon ang apoy. Naalala ko sa aking nabasa na ang mga dragon ay may kakayahang bumuga at maglabas ng apoy. Akala ko kailangan niya pa maging dragon figure para lang bumuga ng apoy yun pala ay mali ang inakala ko.