webnovel

Chapter 4: Beast world

Shit bakit may nagsisigawan?, parang ang ingay naman yata ng paligid. Ganito ba sa langit maingay? Iminulat ko ng dahan-dahan ang aking mata, nakadapa ako sa mga oras na ito at pinapakiramdaman ang aking sarili, hinawakan ko ang ulo ko at wala ng dugo. Umupo ako at kinusot-kusot ang mata, bumungad sa akin ang mga halaman at puno. Tumingala ako sa langit, kulay light blue ito na may halong purple. "Nasaan ang mga angels?" tanong ko sa aking sarili maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga kalansing ng espada at sigawan ng mga tao. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa ingay. Nagtago ako sa malaking puno at laking gulat ko sa aking nakita ay ang mga nilalang na nabanggit sa libro ay naririto sa aking harapan, nakikipaglaban! Agad kong isiniksik ang aking sarili sa likod ng puno.

"Mahabaging diyos! To-too pala talaga sila!" kailangan ay makaalis ako sa lugar na ito bago pa man na may makakita sa akin.

******

Third Pov

Ang lahat ng nilalang ay naglaban-laban ngayon upang makuha ang teritoryo ng Eratus. Ito ay isang patimpalak ng mga makikisig na prinsipe mula sa iba't-ibang lahi, nakikipaglaban sila upang lumawak ang kanilang lahi at mapanatili ang lakas ng kanilang nasasakupan.

Tumunog na ang trumpeta ito ay hudyat na tapos na ang labanan sa teritoryo. Ni-isa ay wala man lang nanalo dahil sila ay magkakapantay ng lakas at galing sa pakikipaglaban. Nagsiuwian na ang ilan sa kanila at ang natira na lamang ay ang dragon. Si Rex ay isang kilalang prinsipeng mainitin ang ulo at strikto sa lahat ng bagay. Hinahangaan niya ang kaniyang ama dahil sa galing nitong mamuno sa bayan at galing sa pakikipaglaban. Kailangan niyang mag-ensayo upang siya ay maging karapat-dapat na mamahala kapag yumao ang kaniyang ama.

"mahal na prinsipe, halina't bumalik na tayo sa palasyo nag-aalala na ang inyong ina" tinitigan ng masama ni Rex ang kaniyang tauhan

"manahimik ka Kai, huwag mo muna akong gambalain sa aking ginagawa" iwinasiwas ni Rex ang hawak nitong espada at itinutok kay Kai, napaluhod ito sa takot at agad na humingi ito ng tawad sa prinsipe.

"Kahit kailan talaga Rex, mainitin ang iyong ulo, pati ba naman si Kai tatakutin mo" Si Elliot ay ang matalik na kaibigan ni Rex, siya rin ang kanang kamay nito magaling ito sa payo at mag-isip ng istratehiya pagdating sa pakikipaglaban.

Maya-maya pa lamang ay naramdaman ni Rex at Elliot na may ibang lahi sa kanilang paligid. Gumamit sila ng invisible upang maitago ang kanilang sarili ginagamit nila ito upang depensahan ang kalaban at malaman ang paparating na kalaban.

****

Gianna Pov

Tumatakbo ako pabalik sa puno dahil hinahabol ako ng maliliit na alupihan, nakakadiri at nakakatakot silang hayop. Umiiyak ako sa takot habang tumatakbo. "waahh wag niyo akong sundan" Hindi ko namalayan na nalagpsan ko na ang puno at tinignan ang nasa paligid, wala na yung mga nilalang na nakikipaglaban. "mabuti naman" Nakita kong bigla na lamang tumigil ang mga alupihan sa paghabol sa akin maya-maya ay kaniya-kaniya na silang balikan pabalik sa loob ng gubat.

Napaupo ako sa takot at walang tigil sa kaiiyak. Sa tanang ng buhay ko ay ngayon pa lang ako natakot ng husto. Mga isang oras din akong umiiyak pinunasan ko ang luha sa mata ko at tumayo. Pinagpagan ko ang shorts ko at ang sandong itim "ang dungis ko na" paglingon ko ay nakita ko sa harapan ang itim na dragon, nakatitig ito at lumalabas ang usok sa bibig nito, dahil sa takot ko ay bigla na lamang akong nawalan ng malay.