webnovel

Chapter 5: I met a dragon his name is Rex

Iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang isang lalaking may -- PAKPAK? Bumalikwas ako at lumayo.

"sino ka?" tanong ko dito, nakatitig lamang ito sa akin. Tinignan ko ang katawan ko, laking gulat ko na iba na ang kasuotan ko.

"Hoy sumagot ka! Sino ka at bakit iba na ang damit ko!" isang segundo lang ay nasa harapan ko na siya, hindi ako makakilos dahil sobrang lapit ng kaniyang mukha, mayroon siyang asul na mga mata, mahahaba ang pilik-mata, matangos na ilong. Malapit na niya akong mahalikan kung kaya naman ay agad ko siyang itinulak ng malakas, para namang napaso ang ang aking kamay dahil naka-topless ito kitang-kita ang abs nito at ganda ng katawan. Nakita ko rin na nakangisi ito at talaga naman ang pula ng labi. Napalunok ako ng laway kasi ang nasa harapan ko ay isang dragon na ubod ng gwapo!

"Ako dapat magtanong sa iyo, sino ka at anong ginagawa mo sa gubat" naging seryoso ang mukha nito at nakaramdam ako ng takot at nginig sa balat.

Inalala ko ang lahat ang nangyari at ang huli kong naalala ay nahimatay ako sa takot.

"A-ako si Gianna" pagpapakilala ko hindi ko sinagot ang isa pa niyang tanong, hindi naman niya ako paniniwalaan kung sasabihin kong galing ako sa mundo ng tao. Nakita ko naman na umalis ito at kinuha ang tray, napatakip ako ng bibig dahil ang ipapakain niya sa akin ay hilaw ng ulo ng baboy. Bigla namang pumasok ang isang lalaki naka-topless din ito at magandang lalaki. Nakita kong tumngin ito at ngumiti.

"Hindi ako kumakain ng hilaw"

"Anong ibig mong sabihin? Lahat ng nilalang ay kumakain ng hilaw, diyan tayo lumalakas at nagkakaron ng ganang kumilos araw-araw" pagpapaliwanag ni uhm di ko kilala ito.

"Elliot, dalhan mo siya ng prutas" ah si Elliot pala, ano raw prutas? Tinignan ko naman si Rex ang gwapo talaga kung nasa mundo ito ng tao ay instant celebrity ito.

"Nasaan ba ako?" panimulang tanong ko rito, mukha kasing walang balak makipag-usap nito sa akin.

"Narito ka sa aking teritoryo at simula ngayon ikaw ay akin na" lumaki ang aking mata sa gulat dahil sa sinabi niya.

"Sandali, hindi pwedeng pagmamay-ari mo agad ako dahil hindi naman tayo mag-asawa!" kaloka ito.

"Wala ka ng magagawa, narito ka sa aking poder hinding-hindi kita pababayaan lahat ng gusto mo ay ibibigay ko kahit buhay ko pa ang kapalit" napanganga naman ako sa mga sinabi niya. Huminga ako ng malalim at napahawak sa aking sentido.