webnovel

Chapter 3: Everything went blank

Mayroong pitong uri ng nilalang ang nabubuhay sa mundo ng beasts world at kailanman ay hindi ito nag eexists sa mundo ng mga tao. Sila din ang pinakamayaman sa mundo ng "beasts world"

Ang una ay ang dragon sila ang tinaguriang pinakamalakas at may kakayahang bumuga ng apoy at yelo. Mayroon silang malalaking pakpak at nababalot ito ng black crystal, mayroon silang asul na mga mata, kayumanggi ang mga balat at kaya nilang magkatawang-tao anumang oras. Sila ang kinakatakutan ng ibang lahi dahil sila ang pinaka short tempered na nilalang.

Pangalawa ay ang Unicorn sila ang tinaguriang na the strong and fierce animal, kaya nilang mag manipulate ng iba para lamang makuha ang gusto nila. Mayroon silang purple na mga mata, pakpak at mapuputing balat.

Pangatlo ay ang Phoenix sila naman ang tinaguriang na "immortal" na kapag sila ay namatay ay agad silang ipapanganak. Mayroon silang pakpak na ubod ng ganda habang inawagayway ang pakpak nito ay siya namang lumalabas ang kintab nito, ginagamit din nila ito upang makapang-akit ng ibang lahi, at atake sa masasamang kalaban.

Pang-apat ay ang Mermaid/Merman sila ay matatagpuan sa ilalim ng karagatan, kalahating tao kalahating isda. May kakayahan itong umawit at umakit ng ibang lahi. Dagat ang kanilang tahana at sila ang namumuno nito.

Pang lima ay ang Fairy sila ang tinaguriang na mystical creature with magical abilities. Kagubatan ang kanilang teritoryo at pinapanatili ang kapayapaan sa mundo ng beasts.

Pang anim ay ang Manticore sila ang pinakamabilis na hayop sa balat ng lupa, ang matalas nilang pandinig at mata ay nakatutulong upang malaman kung may malaking unos na magaganap sa kanilang mundo. Lakas ng katawan ang kanilang pinangagamit sa laban at matatalas nitong ngipin at kuko.

Pang pito ay ang Minotaur, sila ang nakakatakot na nilalang na matatagpuan sa dulo ng beasts world, may malalakas na pangangatawan ngunit palagi mainitin ang mga ulo, walang humpay sila magtrabaho kung kaya naman sila ay napabilang sa pitong lahi ng mayayamang pamilya. Mayroong mga ginto at minahan sa kanilang lugar.

---

"Wow ang cool naman nito! Napatingin ako sa orasan at alas otso na pala ng gabi, bumangon ako at kinuha ang libro, bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina upang kumuha ng maiinom sa refrigerator nauhaw ako sa pagbabasa pano naman ang cool naman kasi.

Pagkasara ko ng ref ay bigla akong nagulat dahil may isang lalaki sa harapan ko, nakasuot ito ng itim na mask at may hawak itong baseball bat.

Hindi ako nakagalaw at agad niya akong hinampas ng dalawang beses sa ulo gamit ang baseball bat na siya namang ikanatumba ko. Nanghihina at nahihilo ako dahil sa hampas niya sakain, nakita ko ang librong binasa ko at lumiliwanag ito- weird.

Hinawakan ko ito at ngumiti na na parang baliw, mamatay na yata ako. Ramdam ko ang dugong dumadaloy sa mukha ko dahil sa pagkakahampas sa akin, hindi ko na maigalaw ang katawan ko, napapikit na lamang ako sa huling hampas ng lalaki sa ulo ko.