webnovel

Chapter 2: Hiram na libro

Alas otso na ng umaga at hindi pa ako natutulog abala kasi ako sa paglilinis ng bahay. Sabado naman ngayon kaya pwede akong magpuyat ng magpuyat. Mabuti na lamang ay tumapat ng weekend ang 14th Saturday dahil ngayon darating ang order kong libro sa Lazada. Mahilig kasi ako sa kwentong transmigration, reincarnation, villains, step-mother, at sex.

Naligo na rin ako at nag-ayos sa sarili kasi maya-maya ay darating na ang order ko.

"ding dong"

Lumabas ako ng bahay at nawala ang ngiti ko sa labi.

"Hello Gianna" si Estella lang pala akala ko si manong driver na.

"Oh akala ko ba nasa bagwis ka?"

"kaunti lang ang sumama kanina, kumain lang tapos kaniya-kaniya na kaming layas nga pala dumaan lang ako para ipahiram ito sayong libro, I highly recommend this book because it's all about beasts world!"

"beasts world? Ngayon ko lang narinig yan" napahawak naman ako sa aking baba kasi sa dinami-rami kong nabasa ay itong beasts world ang nakapukaw ng aking atensiyon, kinuha ko sa kamay niya ang beast world at tinignan ang harap at likod nito.

"Nakasealed pa yan bes, nabasa ko na kasi yan lahat sa online, binili ko talaga ito kasi naalala kita, tsaka galing yan sa ibang bansa nuh at alam kong adik kang magbasa haha" kahit kailan talaga nakakatuwa tong si Estella.

"Sige salamat dito, pumasok ka muna sa loob" pag-aaya ko.

"hindi na, may lakad kami ng sugar daddy ko kaya baboo" nagpaalam na rin ako at maya-maya ay narito na si manong driver.

"P250 pesos po" kinuha ko ang wallet sa aking bulsa at ibinayad ang pera sa kaniya. Tuwang-tuwa ako dahil matagal ko rin hinintay ang librong ito.

"Salamat po"

Pumasok na ako sa loob ng bahay at pumunta sa kusina magluluto ako ng ramen at tinapay. Alas-singko na ng hapon akong natapos sa binabasa kong libro, tungkol kasi ito sa transmigration, isang babae na napunta sa parallel universe. Nakakaexicte talaga ang mga ganoong klaseng libro kasi may adventure feels kang nararamdaman.

Napatingin naman ako sa libro na ibinigay kanina ni Estella, _"mamayang ala-siete ito naman babasahin ko"_ Iniligpit ko na ang mga pinagkainan ko at hinugasan pagkatapos ay nagwalis naman ako sa sala, sa kusina, pati na rin sa labas ng bahay para bukas wala na akong masiyadong gagawin pa.

***

Nakahiga na rin ako sa wakas, kinuha ko sa lamesa ang libro na ipinahiram ni Estella. Tinanggal ko ang plastik na nakabalot dito at pagbuklat ko ng libro ay napakabango nito at parang kumikinang, I found it weird pero baka sa effects lang yun ng lights ko.

Beasts World tungkol ito sa mundo ng mga kakaibang nilalang o hayop na may katawang-tao

Aba, mukhang maganda nga itong basahin, ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.