webnovel

Chapter 1: Ang KJ ko

"Gianna tama na yang trabaho, may inuman tayo sa Bagwis nag aya si tl libre niya" nilingon ko agad si Estella at isa-isa nitong inilalagay ang mga make-up niya sa pouch. Napatingin naman ako sa computer, October 13th, 6:30 AM na pala.

"Malapit na ito, isesend ko lang itong files." Pagkatapos kong i-sent ang files ay iniligpit ko na rin ang gamit ko, isa-isa kong kinuha ang mga balat ng biscuit at candy sa desk ko. Kinuha ko na rin ang wipes at tumbler ko saka sumunod kay Estella.

"Himala yata nagpainom si tl anong meron?" nasa locker na kami ngayon at inilalagay ko ang mga ibang gamit sa loob, everytime na papasok ako sa trabaho ay wala akong dinadalang bag. May extra akong damit at toiletries sa loob incase of emergency.

"Good mood yun dahil ang taas ng score card natin, hindi mo ba narinig kanina na tayo ang BEST TEAM?" paano ko naman maririnig yun eh nasa comfort room ako nung time na yun. Hindi ko na lang sinagot yung tanong ni Estella at nagkunwari na tumitingin ng pagkain sa pantry.

"Estella, arat na sa baba! Gianna sunod ka doon sa bagwis" malamang si Jude yun

"Ge" tipid kong sagot.

Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak sumama sa get-up nila, wala ako sa mood para magsaya ang gusto ko lang ay humiga, matulog, at kumain mag-isa.

"ate magkano lahat?" tanong ko.

"100 lahat"

Binayaran ko na yung mga binili ko para kasi ito mamayang gabi. Todo tipid ako ngayon dahil ako na lang mag-isa sa buhay. Wala na akong pamilya. Libre naman daw ngayon ng tl namin kaya for sure may maiuuwi din akong pagkain.

"Gianna anong floor ka?" napaangat ako ng tingin at nakita ko si Primo na nakangiti, naaamoy ko din yung pabango niyang Aficionado.

"Sa 3rd floor" agad naman niyang pinindot yun at nagpasalamat ako sa kaniya. Si Primo ay katrabaho ko rin kaya lang sa ibang account siya naka-assign kung kaya't bihira lamang kaming magkausap, katulad ngayon kaunting kamustahan lang bilang magkaibigan.

Ang building na pinagtatrabahuan ko ay nasa 13th floor, ang parking naman ay nasa 3rd floor. Sa edad na 23 ay nakapundar na ako ng kotse kung hindi ako nagsumikap ay hindi ko makukuha ang pinapangarap kong sasakyan.

Naglalakad na ako papunta sa kotse at tatak honda-civic white ito. Pumasok na ako sa loob at pinaandar ito, gustong-gusto ko na makauwi sa bahay. Naalala ko bigla na manglilibre pala si tl, kinuha ko ang cellphone ko at nagleave ako ng voice recording kay Estella na hindi muna ako makakasama dahil may mahalaga akong pupuntahan. Nagreply agad ito sa chatbox at sinabihan pa akong "_KJ mo kamo_" nag HAHA react na lang ako sa chat nito at pagkatapos ay inilagay ko na ang cellphone ko sa bag, sabay na pinaandar ang kotse ko pauwi ng bahay.