webnovel

(KABANATA 5)

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko,nakalimutan ko atang isara kagabi ang kurtina kaya nakabukas ito.

Bumangon na ko at nagpunta sa banyo at naghilamos, when i am finally done, nakatingin lang ako sa salamin at pinagmamasdan ang mukha ko, hindi ko alam kung papasok na ba ako o aabsent nalang ulit? But in the end naisipan ko nalang na maligo at mag asikaso na para maaga akong makapasok sa school, ayokong malate nakakahiya, alam kong madaming nagbago ngayon.

"Ready?" Halos kinakabahan ako, in my enter life as a college student never akong nakaramdam ng kaba tuwing papasok ako sa school,but its different now, halos lahat ng mata ng estudyante sakin nakatingin, i shook my head then  start to walk with hana, hindi ko alam kung hinuhusgahan ba nila ako?inaakusahan?o galit sila sakin?kasi wala akong nagawa, na madaming namatay,at nakakagulat na ako nalang ang Buhay. There's something in their eyes na gusto nila akong kausapin at magtanong para makakuha sila ng impormasyon dahil sa mga nangyare. But just like what others do, i shut my mouth quiet. Kahit ayokong maalala lahat dahil maiiyak lang ako at masasaktan, ayokong makarinig ng kung ano ano. Alam kong habang nakikita nila ako patuloy na magbubulungan at titingin ang mga estudyante sakin.

"You don't need to look at them Veara, don't mind them" hindi ko alam, am i happy na may pinsan akong nasa tabi ko ngayon?but it wasn't enough, i am Veara all students know me as a funny person as a kind and friendly person, but how can i smile and laughed again? When my circle of friends are now Gone? How can i forget every pieces of this place when around this school i always remind them? Jas, lianne and Wendy? Are you already happy now? Are you happy seeing me alone? Because im not. Hindi ako kompleto dahil wala kayo,mag isa nalang ako.

Then tears began to fall, agad ko itong pinunasan ng Makita ko ang prof namin sa isa naming subject.

"Ms. Lunar, Condolence," bakas sa mata nito ang awa, nakakaawa na ba ako? Well sa malamang Oo, sino bang niloloko ko?sarili ko lang naman, wala ng natira sakin aside on my relatives but parents and friends? Wala na.

Tumango lang ako, madami siyang sinasabi sakin pero walang pumapasok sa isip ko at  halos hindi ko din naman maintindihan ang sinasabi nito.

"Oh there!he is" hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito pero tinignan ko nalang  din kung saan nakatingin ang prof namin.

He's walking, holding  his black jacket in his right hand while his left hand holding his black bag na nakapatong sa balikat niya, his black jeans and grey shirt, kelan pa nagkaroon  ng mala gangster ang datingan dito sa school?but i admit it,its cool, bagay sa kanya well gwapo naman siya, malaki ang pangangatawan. Hindi ako nagulat na halos lahat ng babae nakatingin sa kanya.

"Mr. Luna!"tawag ng prof namin, agad naman itong lumapit samin at bumati kay prof.

"Veara? This is Mr. Eon Luna and Eon this is Veara and this is her cousin kilala mo namin siguro si hana magkaklase kayo,so Alis na muna ako at may meeting pa,Take care of Veara"pakilala ni prof samin at umalis na ito,nagtitigan lang kami, katahimikan. His eyes, kulay brown ang mga Ito, para akong hini-hypnotise nito,nakakailang kung paano siya tumitig sakin, ano bang problema nito?abnormal ba to? Hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa pagtitig niya sakin o maiinis. Para kasing pinag aaralan niya ko base sa mga titig niya.

"Hi Eon!" Thank god! Nagsalita ang pinsan ko kung hindi, baka hindi na bumitaw sa pagkakatitig tong Eon na to sakin!binalingan niya ng tingin ang pinsan ko at ngumiti.

"Didn't know that you have a beautiful cousin hana" halos matumba ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinasabi nito. Pinupuri niya ba ako?sa kagandahan ko? Well maganda naman talaga ako!. Umirap nalang ako rito nakakarindi! Pati ako nagbubuhat na ng sariling bangko. At ayon nanaman ang mga tingin niya,ano bang meron at ganyan siya makatingin sakin,hindi nakakatuwa.

"Well yeah,nasa lahi eh" then she laughed,are she trying to flirt Eon in front of me?. Gross!.

"Hindi ako magugulat dun, but her beauty are different from the other girls"he look at me then smirk, what with his smirk?konte nalang baka masapak ko to. Ang Weird niya!.

" Hi I am Eon"naglahad ito ng kamay pero di ko tinanggap, baka mamaya mahawakan ko lang to may mangyare ng hindi maganda knowing girls here inside our school kapag sikat at kinausap ka lang ng mga crush nila nagagalit na what more pag nahawakan pa?baka hindi kana makalabas ng school ng Buhay,who knows?ang dami ko ng problema para maging problema din ang mga estudyante na Patay na Patay sa kanya. mukha pa namang sikat ang lalaking to dahil sa mga titig palang ng mga babae sa kanya.

Mukha namang napansin nito na di ko pinansin ang sinabi niya at ang kamay niya kaya kusa nalang niya itong binawi at tumawa ng mahina,seriously may gana pa siyang tumawa. Hindi ko alam pero hindi ako Komportable sa kanya,Ayoko sa mga titig na binibigay niya sakin.

"I guess your cousin don't like my presense" buti naman napansin mo, ang dami ng nanlilisik na mata ang nakatingin sakin no!Ayoko lang dagdagan ang mga sakit sa ulo ko,dami ko ng problema para pansinin pa siya.

"Ah eh sorry Eon ah,madami lang talagang pinagdadaanan to sa ngayon kaya masungit,maybe next time nalang kayo mag getting to know each other?" Ngumiti nalang si hana dito a at hinila ako,i rolled my eyes on Eon then to my cousin,as if naman na magpapakilala ako sa lalaking yun 'getting to know each other ' ? No way.

"Veara stop for being brat!"

"Sino ba siya?ang creepy niya,hindi ako kimportable sa mga tingin na binibigay niya" gagraduate nako lahat lahat,pero ngayon ko lang nakita ang Eon na yun, ni hindi ko nga alam na may nag eexist palang Eon sa school,imposibleng kasi lahat ng sikat sa school kilala ko except of that Eon, lalo pat halatang sikat siya sa school,pero ngayon ko lang siya nakita.

"Actually nung araw na nawala ka yun yong araw na dumating sila" sila??????so hindi lang si Eon meron pang iba.

"Eon and his cousins" pagpapatuloy nito.

Ang dami ko na atang nakaligtaan nung panahon na wala ako, hinila ko nalang ang kamay ko na hawak ni hana kaya napahinto ito sa paglalakad.

"I can handle myself,at last go to your room,may klase ka pa, at please ibang building ang course mo sa course ko, doon ang daan ko"sabay turo kung nasan nakatayo si Eon, siguro iniisip ng lalaking yun na pinag uusapan namin siya.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at naglakad na ko pabalik,kahit Ayoko mang daanan ang Eon na yun,i had no choice.

Nang halos katapat ko na siya, tinignan ko ito, his smile turn to smirk,whats with this guy?, kung tumingin siya para ka niyang sinusuri,Parang pati kaluluwa mo pinag aaralan niya, nakakatakot!.

Veara

_______________________

Hindi ko magawang makapag focus sa klase dahil sa mga pumapasok sa isip ko.

Ano bang problema?i don't know what to feel, its like a gossip, am i really crazy na ba talaga? But the way he looked, the ways his eyes directly looking in my eyes,the way he call my name, Parang kilala niya ko?.

"Veara"

tumaas lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang pangalan ko, hindi siya malakas,hindi rin mahina, Tama lang para marinig ko.

He whispering my name, para bang malungkot ang pagkakatawag nito sa pangalan ko.

"Veara"

Hindi ko alam pero huminto ako matapos kung marinig ulit ang pagtawag niya sa pangalan ko, sa boses nito puno ng sakit, at  lungkot.

"To este o fata fromoasa----------as always"

Halos bulong nalang ito sa pandinig ko, ano bang sinasabi nito?alien ba ito? Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng diretsyo sa mata. Pero halos lumuwa ang mata ko ng Makita ko siyang ngumiti ng malapad, hanggang sa lumakad na ito palayo at naiwan akong nakanganga mag isa.

____________________

Hindi ko maalala ang sinabi niya, tanging 'as always' lang ang naintindihan ko sa sinabi niya.

Ang weird ng araw na'to! Para na kong mababaliw ang dami dami na ngang problema na dapat kung pagtuonan ng pansin Tapos dumagdag pa tong Eon na to na hindi ko maintindihan ang mga sinasabi!.

Pinatong ko nalang ang ulo ko sa desk at pumikit, mukhang wrong timing ang biglaang pagpasok ko sa school ngayon sana pala next week nalang ako pumasok,nakakastress.

"Okey class, dahil malapit na ang intramurals and other events i want you all na makipag participate sa kahit na anong activities sa school at least one activity! Dagdag grade niyo iyon sa PE thats all see you tomorrow"

Hindi ko alam, kaya ko bang sumali sa kahit anong activities sa school?wala na kong close na iba unlike Lianne,jas and Wendy,sila lang ang super close sakin, yung iba kasi nakakausap ko naman pero hindi yung sobrang kaibigan, ang hirap ng ganito, nakakamiss na ang mga Kaibigan ko.

Kung nailigtas ko lang kayo edi sana andito pa din kayo at kasama ko, kung sana gumawa ako ng paraan para hindi nalang natuloy yung pagpunta natin sa party na yon edi sana buhay pa kayo. Patawad.

Ramdam ko nanaman ang mga luha na lumalabas sa mata ko.

Vampires.