webnovel

Unexpected Reality

Expectation versus Reality. Who will win? Truth versus Dare. Maybe it'll be hard for us to decide. But is it possible that what you expect will happen in reality? Or what if its too far than what you expect? Expect the Unexpected It's Unexpected Reality 08•28•18 Revised Edition: 05•06•19

MissShoyan · Teen
Not enough ratings
3 Chs

Unang Umaga

Zairah's Point of View

Kung kaibigan nga naman ang pag-uusapan, mahina ako diyan. Dalawang taong kong tiniis at pinilit ang sarili sa mga kaibigan kong nabubuhay sa plastic world ni barbie.

Make-up 'don make-up diyan, sa totoo lang 'di ako fan ng make-up. Bully dito, bully diyan. Isa ako sa mga naging manika nila na ginagamit at pinaglalaruan lang.

Nasa ikasiyam baitang na ako't wala na akong balak bumalik sa kanila.

"Zairah!", si nanay naman nakakagulat

"Ah eh... Po?" Natanto kong huli na pala ako sa pagpasok. Madali kong kinuha ang bag at lunch box ko sabay ng pagtawag sa'kin ng nakatatanda kong kapatid, si ate Zereen.

"Bunso! Tara na, aba! Mahuhuli din ako sa trabaho! Bilis bilisan mo naman!" Sigaw nito. Lagi siyang nagmamadali. Time is gold nga daw kasi. Palibhasa may trabaho kasi.

Kinuha ko na lang ang helmet ko sabay harurot niya ng motor. Agad kong napansin ang isa pang motor na para bang nakikipag-unahan sa amin. Tila bumagal ang paligid ng makita ko si Lavorre na hinahawi ang buhok niya. Marahil malapit lang ang bahay niya sa amin. Nakarating naman ako sa paaralan at binigyan ako ng allowance ng napakabait kong kapatid.

Pumasok agad ako sa loob ng campus at dumeretso sa CR. Para naman makapaglagay ako ng kahit pulbos lang. Naaaninag ko na ang mga nagkukumpulang estudyante sa Bulletin Board namin nang-

"Watch it, Binibini!" Guess who? Sa lahat ng makakabangga ko bakit kailangang siya pa, bakit kailangang si ginoong Lavorre pa?

Hindi ako pabebe sa harap ng mga nagiging crush ko. At hindi porket crush ko, mabait ako dito

"Ay sorry ha, kahit ikaw 'yung nakabangga, tsk"

"Oh sorry? You're the one who's not looking at the hallway" Oo nga pala, englishero 'tong asaw- I mean crush ko.

"Hindi man ako nakatingin sa dinadaanan ko pero sino kaya 'yung tumatakbo diyan at walang pake sa makakasalubong niya? Tapos siya pa may ganang magalit? Sinong hindi maiirita 'don, tsk, panira ng araw 'yung mga ganoon" Mas naramdaman ko ang dark aura niya't nakadama na ako ng kaba.

Imbes na magbigay ako ng maayos na impression sa kanya, wala na, wala na 'yung chance na 'yon.

Gaya ng sinabi ko dati, masungit ako, oo, kahit sa tinitingala kong tao.

Mas kinabahan ako ng unti-unti siyang napa-ngisi't tumingin sa gilid. Hindi ko talaga 'yon inaasahan.

"You're a fierce one, I like it. Sorry for fighting." Anito sabay tabig ng malakas sa balikat ko't kita sa kaniya ang gwapo niyang ngiti.

Agad na uminit ang pisngi ko dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari. Madalang siyang ngumiti kaya naman laking gulat ko ito.

*BELL RINGS*

Tumakbo agad ako sa bulletin board at hinanap ang room namin.

"9A...9A...9A" I muttered...

"Room 132?!" Napakapalad nga naman. Kumaripas ako ng takbo sa pagkaka-alam na nasa panglimang palapag ito.

"AH SORRY MISS! NAGMAMADALI DIN PO AKO! TERRIBLY SORRY!" Sigaw ng nakasalubong kong babae. Nabangga niya ako ng bahagya at mukang parehas kami ng pupuntahan. Mahaba ang buhok niya, mukang rebonded. Black na black ang mata at attractive para sa'kin ang ganung mata. Cute...

Pagkarating ko sa panglimang palapag, naaninag ko ang pamilyar na tindig at doon ko nakita si ginoong Lavorre. Napalingon siya sa aming direksyon habang may dinidilaang lollipop...ang cute. Parang kanina lang inaaway ko 'to ah

Bahagya siyang ngumiti sa akin, at siyempre kunwari wala akong imik pero kilig na kilig na ang lola mo.

Nasilayan ko ang mga naging kaibigan kong nasa 9B at agad ko namang inalis ang tingin ko at baka sa akin mapunta ang mga mata nila. Hindi magagandang memorya ang naranasan ko sa kanila.

Kaklase ko pala si Lavorre dahil napunta na ako sa star section. Dati nasa second section lang ako, pero dahil sa pagiging high-honored student last school year, nalipat ako dito. Nalamangan ko ang top student last school year o top 1, ang bigkas ng ilan.

Sino pa ba ang nalamangan ko last year, eh nakaaway ko lang 'to kanina. Oo, si Lavorre ang nalamangan ko, at dahil 'don malamig ang pakikitungo niya sa'kin. Sa lahat naman malamig siya makitungo, pero ibang level ang sa'kin. Kaya ko lubos na tinitingala 'tong lalaking 'to. Gwapo na, matalino pa, 'san ka pa?

Pero anong laban ng isang tipikal na babae na nagkakagusto sa isang ginoong hindi siya magugustuhan? Realidad nga naman, mapanakit. Wala pa naman ako sa yugto na kailangan kong maghanap ng makakasama. Kaya kahit wala akong pag-asa, susulitin ko pa ding umasa.

Napakabait sa kanya ng mga babae, kaya siguro sinulit ko na ang pagkakataon ko kanina na sungitan siya, para kahit papaano, masabi niya na hindi lahat ng babae mabait sa gwapo.

Pumasok ako sa room namin at mukhang wala pa naman ang guro namin. Umupo ako sa pinakalikuran malapit sa bintana nang makapagpahinga matapos kong umaakyat ng apat na palapag. Kitang kita mo dito yung bukid. Sasampalin ka ng malamig na simoy ng hangin at maaamoy mo pa ang mababangong mga palay.

Sa gitna ng pagmumuni-muni, hindi ko napansing nasa harap na upuan lamang si ginoong Lavorre. Hindi ko pinansin ang pag-init ng mga pisngi ko't pinagpatuloy ang pagtingin sa magandang kalangitan.

Kahit breadwinner si ate, gusto ko po ding patuloy na suportahan sina nanay at tatay. Maganda naman ang buhay namin, normal at simple lang. Ang gusto ko lang naman ay ang kami na ni ate ang magta trabaho sa kanila. Kung papayagan nga lang ng pagkakataon ay mananatili kaming walang asawa, pero ayaw ni nanay.

Dahil 'don, naging grades-freak ako. Pero sinisikap ko na i-balanse. Dahil sa wala na ang mga kaibigan ko, kailangan ko ding magkaroon ng mga bagong kaibigan. Ngunit 'di ko na alam kung saan magsisimula.

"Good morning, class" Bungad ng class adviser namin na kakapasok lang at mukhang nagmadaling makarating dito.

Naka-low ponytail siya at kitang kita ang ganda niya.

"I'm Ms. Jonnalyn Martinez o Binibining Martinez. My old students call me Ma'am or Ms. Jonna, depends on you." Sa totoo lang, napakaganda ng english accent niya. At napakapalad naman namin ngayon at meron kaming magandang adviser. Mukhang strikto pero hindi terror.

Hindi ko namamalayang may tumabi pala sa akin. At 'yon si Lavorre. Hindi ko alam kung nagpapapansin 'to o ano, eh. Kanina binangga niya ako, nag-aasar sa ngiti niya, pagkatapos tatabi ngayon sa'kin?

Nang sabihin ni Ma'am Jonna na may kukunin lang siya sa faculty, sinikap kong lumipat ng upuan. Kaya lang hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na lumipat dahil sa nakaharang niyang bag at nakataas na paa.

Nasa bahay ka ba, ginoo?

Napansin kong nasa harapan ko ang babaeng nakabangga din sa akin kanina. Sinubukan akong pigilan ni Lavorre sa paglipat sa paghaharan ng kamay at paa niya, pero sinikap ko pa ding tumabi sa babae na nakasalubong ko kanina.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko, ramdam kong nakatingin siya sa'kin, "Hi", sambit nito.

"Hello din" Sambit ko sabay hawi sa buhok ko.

"Matagal ka nang student?" Umiling ako sa tanong niya't ipinaliwanag kong dati akong section B. Sabi niya din sa'kin na gusto niyang makipag-kaibigan dahil bagong lipat siya sa paaralan namin.

"'Yung father ko kasi nasa abroad, then kami lang ni Mama ang andito" Sambit niya. gaya ng sabi ko kanina, ang cute niya. Sobra. Para siyang living anime character.

"Wala din akong masyadong kaibigan dito, kaya ok lang sa'kin" Sagot ko kasabay naman ng pag-ngiti niya.

Pumasok naman si Ms. Jonna sa room namin, "I'm back, so introduction tayo."

Introduksyon? Ang pinakanakaka inip at nakakakabang bagay kapag pasukan.

09•04•2020