webnovel

Unexpected Reality

Expectation versus Reality. Who will win? Truth versus Dare. Maybe it'll be hard for us to decide. But is it possible that what you expect will happen in reality? Or what if its too far than what you expect? Expect the Unexpected It's Unexpected Reality 08•28•18 Revised Edition: 05•06•19

MissShoyan · Teen
Not enough ratings
3 Chs

Ikalawang Pasimula

Intro...intro...intro...

Tipong nasa ikasiyam na baitang na ako pero andito pa din 'yung kaba, at isa pa, nasa ibang seksyon na ako kaya dumo doble ang kaba..

Zai, hinga.

*Phew

"Zairah Rivera?"

Ah ako na pala

"Zairah Rivera. Labing Limang taong gulang. Paborito ko pong kulay ang maputlang kahel." Bago pa man din ako umupo...

"I think nakalimutan mo yung talent na part. What are your talents?", kaya nga wala akong sinabi kasi wala eh...

"I don't usually dance but..uhm..I can learn steps..and sing a little", napangiti lang ang guro namin sa'kin at 'saka nagtungo sa katabi ko

"Next, Keira Isabelle?", nataranta siyang tumayo at agad na nagpakilala, "Keira Isabelle. 14 years old. My fave color is Red. I dance a little. Transferred Student.", parehas kami sumasayaw.

Next na si Lavorre

"Clark Avriel Rene Lavorre?" Tinaas niya ang kamay niya at tumayo...

"Present. Please call me Clark or Lavorre. 16 years old and loves the orange color. I do dance a bit and I know how to play a guitar. Also sings.", 'yan lang ang sinabi niya sabay upo. Tila tumataginting ang mga mata ng ibang mga binibini dahil lang sa pagpapakilala ni Lavorre. Bago pa man maayos ang upo niya, nagkatagpo ang mga mata namin na dahilan ng agad na pagtingin ko pabalik sa harapan.

Parehas pala kami ng favorite na kulay. Maputla lang ang sa'kin. Malamig ang aura niya. I mean, lagi naman.

"Pili kayo. I'll do the seating arrangement, or kayo na?" Kayo na po...kayo na po...kayo na po...

Dahil sa tanong na iyan ng guro namin, nagkagulo ang buong klase. Madaming gusto ng sila ang pipili, at kagaya ko, meron ding gustong ang guro na lang ang pumili ng mauupuan namin.

Napabuntong hininga ang guro namin sabay hampas ng malakas sa mesang nasa harapan niya.

"Are you done? Since mabait naman ako, I'll let you sit where you want for this quarter only. Pero pagdating ng second and third, I'll choose kung saan kayo uupo, maliwanag?", sabi niya ng may pagkamalumanay pero halata ang inis sa boses niya.

"Binibining Isabelle, lilipat ka ba?", tanong ni Lavorre kay Keira. Aba aba, may naaamoy akong chemistry, ah

"Makikipagpalit ka?", tumango lang si Lavorre at saka ngumisi ng nakakaloko

"Gusto ko lang kasi makatabi yung kina aayawan kong tao sa campus na to. Tsk",

"Meron po ba akong ginawa na dapat niyong ikagalit, Ginoo?", mataray na tanong ko. Siyempre kunwari cold din ako. Hehe

"Mukhang may nakakalimutan ka, Binibining Rivera. Papalit palit tayo ng pwesto simula 'nung Grade 7, at naagaw mo sa'kin 'yon nitong nakaraang school year. You know-", agad akong kinabahan sa tono ng boses niya, "I'm kind of a grade-freak myself", kasabay ng pagngisi nito sa'kin.

Ginaya ko ang aura niya't sinabi, "Well you know, too, ginoong Lavorre, I'm just holding back", sabay ng pagngisi ko sa kanya at hindi ko man tignan ang mukha niya ay alam kong nagagalit na 'to.

Siguradong may inis at inggit 'to sa'kin dahil sa pag-agaw ko sa posisyon niya. Buong school year ng grade 7 siya ang top 1 hanggang 1st to 3rd quarter ng grade 8. Pero nawala 'yon pagkatungtong ng 4th quarter.

Naging tatlo na lang ang upuan bawat row, nang magsalita si Keira, "I think tatatluhin bawat row. Tabi tabi na lang tayong tatlo. Gitna ka na lang Zairah", sabi niya para bumaba ang tensyon sa'ming dalawa ni Lavorre.

Napakalamig ng nasa kanan ko habang ang bubbly naman ng nasa kaliwa ko. Yes, katabi ko si Lavorre sa kanan habang nasa kaliwa ko si Keira.

Hindi ko mapigilang mapatungo dahil kanina ko pa napapansing nag-iinit ang mga pisngi ko. Humigit kumulang dalawang taon ang pagkakagusto ko sa kanya, paanong hindi ako kikiligin?

Ano ba self, hinga hinga, phew.

Ok, back to reality na tayo.

Madaldal si Keira, at kagaya ng sabi ko kanina, bubbly siya. Friendly siya't masiyahin. Sana maging kaibigan ko siya.

"Binibining Isabelle, may panulat ka?", sambit ni Lavorre sa gitna ng pag-uusap naming dalawa.

Agad namang kumuha ng lapis si Keira at saka ngumiti.

"Salamat", anito. Bahagya akong nagulat dahil sa genuine na ngiti nito. Napakadalang lang na ngumiti siya ng ganoon.

Dahil sa wala gaanong ginagawa, nag-uusap-usap lang kami. Napansin ko ding lumipat na ang mga dating kaibigan o tropa ni Lavorre na dati'y lagi niyang kasama.

*BELL RINGS

"Ok, class. You heard the second bell. Recess na. Natalakay ko na din naman 'yung schedule natin kanina, sana i take note niyo, okie? Bye class.", sambit ng guro namin sabay labas ng pintuan.

Rinig na rinig ang pagtunog ng mga upuan dahil sa pag-alis ng mga estudyante habang nakapirmi lang ako dito sa kinauupuan ko't napagdesisyonang manatili. Ramdam ko ang pagtingin sa'kin ni Keira't nagtanong, "Hindi ka bababa? Magugutuman ka. Tara sa canteen.", nag-aalalang tanong nito

"Wala akong gana, pero sasamahan na lang kita.", sabi ko kasabay ng pagngiti nito.

"Pwedeng sumama?", maikling tanong ni Lavorre. Sa isa na namang pagkakataon, nagkatagpo ang mga mata namin na puno ng katamlayan.

Tumugon naman si Keira sa pagsasabing, "Okie lang po, ginoong Car-este ginoong Lavorre", ngumisi lang si Lavorre, "I'm fine for you two to call me Carl". Agad ko na namang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko at agad akong umiwas ng tingin sa kanila.

Sabay sabay na lang kaming nagtungo pababa sa canteen. Pansin ko din ang pag-iwas ni Lavorre-este Carl kay Keira. Umiiwas siya ng tingin at kanina pa ito ngumingiti.

Kung panibago na naman itong kwento, baka sa mga susunod na mga araw ay magiging tagapagsalaysay na naman ako.

9•14•2020