webnovel

Ulan: Island Series 1

Ulan was a cheerful, playful and go lucky girl, smart yet prankster, what she wants she always gets, but there this one person who caught her attention, Ms. Sinaya, she is willing to do everything just to get her professor's attention.

Magdalene_Verallo · Fantasy
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 1

Ulan

"Hoy!" Rinig kong may tumatawag sa akin, papasok na ako ngayon sa classroom, kaya mas lalo kong binilisan, malapit na ako sa pintuan ng may humawak sa braso ko

"Ikaw! Tatakasan mo pa ako ha!" Sabi nito "bakit mo ako iniwan?"

"Ano ba Avril, ang ingay ingay mo naman. Umagang umaga e" piningot naman nito ang tenga ko

"Talaga?! Iniwan mo ako don kasama yung praning na naghahabol sayo, gumawa pa ako ng kung ano anong dahilan para maka alis, leche ka talaga" sabi nito

"Di ka ba mananahimik? Sasapakin kita." Sabi ko

"Eto naman di mabiro, lika na nga pasok na tayo" sabi nito at hinila ako papasok, pero bigla siyang tumigil at dahil nga hila niya ako ay nabunggo ako sakanya.

"Aray! Ano ba!!" Sigaw ko dito

"U-u-ulan" tawag nito sa akin habamg inaayos ko ang mga nalaglag kong gamit

"Ano leche, bakit ka ba bigla big–" napatigil ako ng makita ko ang nasa harap namin ngayon, isang magandang babae, matangkad siya at maputi, matangos ang ilong at manipis ang mapula niyang labi dahil sa lipstick, hanggang bewang ang kulay brown niyang buhok, balingkinitan ang katawan, malamig ang kanyang kulay brown na mata at wala kang mababasang emosyon dito. Nabalik ako sa ulirat ng paluin ni Avril ang noo 'ko

"Masakit!" Sabi ko dito, narinig naming tumikhim ang babaeng nasa harap namin kanina pa

"Why are you late?" Pati boses niya ay malamig rin, pero doon ko lang napag tanto na teacher namin itong kaharap namin ngayon

Shet, ang ganda mo ma'am. Sabi ko sa isip ko, naramdaman ko naman ang pag siko sa akin ng katabi ko.

"Ah, ah Ma'am kasi" nag isip ako ng dahilan iniiwas ko ang tingin ko at saktong nakita ko si Migz, yung manliligaw kong obsses papalapit sa akin, kaya agad akong dumikit kay ma'am ganda

"Ma'am, Ma'am!! Hinahabol niya kasi ako kanina pa, ni hindi ko nga siya kilala e." Sumbong ko dito at kumapit sa braso niya, umaktong takot na takot, nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko ay napangiti ako. 1 point

"Excuse me Mr. Anong kailangan mo sakanya?" Tanong nito, ngumisi naman na parang aso si Migz.

"Ma'm nililigawan ko po kasi siya e, Huy Ulan! Bakit mo naman ako tinakbuhan, lagi ka nalang tumatakbo pag nakikita ako." Sabi nito at akmang hahawakan ako, kaya agad akong nagpanggap na natatakot, agad namang hinarang ni Ma'am ganda si Migz.

"Don't you see? You're scaring her Mr. You better leave her alone or else, isusumbong kita sa Admin" sabi ni ma'am ganda sa malamig at striktong boses, nakita ko namang natakot si Migz, kaya umatras ito at bago pa siya umalis ay sumulyap muna siya sa akin. Tantanan mo na ako kumag!

"Get inside." Sabi ni ma'am, grabe maganda sana strikta naman.

Pumasok naman kami ni Avril at agad na umupo sa may bandang likuran, at dahil dalawang upuan by table ay tabi kami, sa bintana ako banda at siya naman ay sa kanan. Nang makaupo ay agad kaming nag ayos ng gamit at tumingin sa harapan, pansin din naming tahimik ang lahat.

Anong meron?

Narinig naman namin ang mga yabag ni ma'am ganda, dinig na dinig ang kanyang black stiletto kapag naglalakad, nakakatakot.

"I am Ms. Sinaya Eleanor Madrigal, your adviser for this school year and i will be your history teacher. Call me Ms. Sinaya" sabi nito, so ang ganda ng pangalan niya, kasing ganda niya.

"Introduce yourself, ayoko ng pang grade 1, grade 10 na kayo so make sure na maayos ang Introduction ninyo." Sabi nito.

Nag simula namang mag introduce na ang mga kaklase ko, ang ilan pa ay nauutal dahil sa takot at kaba, nang makarating sa amin ay agad na tumayo ang katabi ko upang magpakilala.

"I am Clio Avril Santos, 16, my name Clio came from 1 of the 9 greek muses Clio, the muse of History, and Avril cause i was born on April 21" sabi nito at umupo, nakita ko namang napatingin si Ms. Sinaya sa kanya

"I like your name, Clio huh? Sana lang ay magaling ka sa klase ko." Sabi nito sa ma awtoridad na boses, ramdam ko namang nanginig si Avril, ako na ng sunod kaya tumayo na ako.

"I'm Mayari Ulan Rivera everyone, 16 years of age, yeah i know masiyadong unique pangalan ko, unique din kasi ako." Sabi ko ng may pagmamayabang na ikinatawa nila maliban ng guro namin, nakita kong umiling nalang ito, uupo na sana ako ng may marinig akong mag salita.

"Is that all Ms. Rivera? Diba sabi ko Introduce yourself base on your grade level." Sabi nito kaya napalunok naman ako

"E-e ma'am, wala na po akong masasabi e, gusto niyo po bigyan niyo nalang ako bio data sasagutan ko." Sabi ko dito, narinig ko namang nag hagikhikan ang mga kaklase ko, pag tama ng paningin ko kay ma'am ay ganun na lamang ang sama ng tingin niya sa akin.

"Pinipilosopo mo ba ako?" Sabi nito, umiling naman ako bago sumagot

"H-hindi po ma'am"

"Take your seat. Maiwan ka mamaya" sabi nito, at walang sabi sabi ay nag simula ng magklase, luh? First day na first day nag klase? Pero hindi iyon ang pino problema ko, kundi ang mangyayari mamaya, bakit ko ba kasi sinabi iyon? Lagot ako nito, baka hindi ako makapag move up, first day na first day may offense agad ako.

Huhu mommy, daddy, sorry, pilosopo kasi anak niyo e.

Natapos ang klase at naiwan nga ako dito sa classroom kasama si Ms. Sinaya, nakayuko lang ako habang nasa harap niya

"Rain." Sabi nito, di ako lumingon, malay ko ba sinong tinatawag niya, mamaya masabihan akong assumera.

"Rain." Sabi ulit nito, sino ba yang Rain na yan at di pinapansin si Ma'am.

"Ms. Rivera" sabi nito kaya napaangat ako ng tingin, lumingon lingon pa ako kung ako nga.

Tanga, ikaw lang naman Rivera dito at isa pa dalawa lang kayo nandito sa room. Sabi nang mahadera kong isip

"M-m-ma'am, b-bakit p-po?" Nauutal utal na sabi ko.

"I was calling you thrice ni hindi ka lumilingon." Sabi nito napakunot naman ako ng noo, ah Rain? Ako ba si Rain? E Ulan pangalan ko e

"Ma'am? E hindi naman po ako si Rain e, Ulan po ang pangalan ko" sabi ko dito, nakita ko namang umirap siya.

Luh? Atishud

"Slow." Sabi niya

Aba?!! Sinong slow?! Ako?! E totoo naman e, Ulan ang pangalan ko hindi Rain!

"Anong slow dun? E Ula–" napatigil ako ng marealize ko kung ano ang ibig niya sabihin.

Ulan=Rain, shunga. Oo nga pala, english ng Ulan ay Rain. Sabi ko sa isip ko, mag po protesta pa sana ako ng biglang mag salita si ma'am.

"Narealize mo na? Oh ngayon aralin mo Martial Law, i re recite mo yan bukas." Sabi nito at umalis na

Iniwan niya ako dito na hindi nag si sync in sa utak ko ang sinabi niya,

Ano? Martial Law? Buhay na ba ako non? Bakit ko aaralin?

Inalis ko nalang iyon sa isip ko, at naglakad na palabas ng may ngiti sa labi.

Binigyan ako ni ma'am ng nickname, sabi nila when you give someone a nickname, that means they are special. Napangisi ako sa sarili kong pag iisip.