webnovel

Ulan: Island Series 1

Ulan was a cheerful, playful and go lucky girl, smart yet prankster, what she wants she always gets, but there this one person who caught her attention, Ms. Sinaya, she is willing to do everything just to get her professor's attention.

Magdalene_Verallo · Fantasy
Not enough ratings
3 Chs

Prologue

Ulan

"Pasukan na sa susunod na linggo" sabi ng kausap ko, kasalukuyan kami ngayong nasa bahay 'ko, at nagmemeryenda

"Alam ko" sagot ko sa kaibigan kong si Avril.

"May papagawa ako sayo." Sabi nito, tinaasan ko naman siya ng kilay

"Bakit mo ako inuutusan?" Sabi ko ng nakataray

"Arte mo, simple lang naman gagawin mo e." Sabi nito "kasi for sure, ngayong school year may matitipuhan ka nanamang babae, take note teacher pa, tapos pag lalaruan mo nanaman. Please lang Ulan tama na, andami ng napatalsik na teacher dahil sa ginagawa mo, hindi ka pa rin ba nakaka move on don sa ginawa sayo nila Shane at Ms. Renz?" Sabi nito

Agad naman akong nag iwas ng tingin, oo tuwing school year ay may pinapatalsik akong teacher, sinasadya kong mahuli kami ng Head admin para walang takas. At yung kay Shane at Ms. Renz naman? Tss, mga traydor yon, lalo na si Shane, akala ko pa naman kaibigan ko siya, tapos aahasin niya lang pala sa akin si Ms. Renz, nawala lang ako ng 2 buwan dahil nag bakasyon ako pag balik ko sila na.

"Ano pa bang gusto mo ha Ulan?" Saad ni Avril, bakas sa tono ng boses niya ang pagka dismaya at pag aalala. "Gusto mong mag higanti sa kanila, pero ayaw mo naman silang isumbong." Dugtong nito

"Paano ko sila isusumbong kung wala akong pruweba?" Pag sisinungaling ko, dahil sa totoo lang napaka dami kong pruweba laban sa kanila, sadyang ayoko lang, dahil kahit na niloko at sinaktan nila ako, kaibigan pa rin ang turing ko sakanila, at may pinag samahan pa rin naman kami

"Wag ako Ulan, lokohin mo na iba wag ako, ikaw? Sa lakas ng kapit mo imposibleng di mo sila mapatalsik. Naduduwag ka lang, may pumipigil sayo, at yan yung damdamin mo." Sabi niya at tumayo. "Tama na Ulan, umusad ka na. Sila masaya na, ikaw? Kelan ka sasaya? Kelan mo palalayain ang sarili mo?" Sabi niya pa

Napaisip ako sa sinabi niya, oo nga, tama pa ba ang ginagawa ko? Andaming tao na ang nadadamay dahil sa kasakiman ko, dahil gusto kong iparamdam sakanila yung sakit.

"Hindi ko alam Av" tanging sagot ko

"Alam mo Ulan, alam mo ang gagawin. Matuto ka ng magpatawad, patawarin mo na sila sa nagawa nila, at patawarin mo na ang sarili mo kasi pinilit mong masaktan ng matagal kahit na pwede ka namang magpatawad na lang." Sa tinagal tagal naming magkaibigan ni Avril, ay ngayon ko lang narinig ang sinseredad sa boses niya, seryoso nga talaga siya.

"Susubukan ko." Sagot ko dito "ang hirap kasi Av, nag tiwala ako, nag mahal ako, tapos ganto? Matatanggap ko pa kung ibang tao e, pero hindi! Si Shane pa! Si Shane na kaibigan ko pa. Tangina!" Sabi ko

"Wala ka ng magagawa doon Ulan, please lang, habang maaga pa tumigil ka na, dahil baka isang araw makaharap mo ang karma mo, tapos na ang laban Ulan e, tapos na, ikaw na lang tong naghahanap pa ng igegera. Sila sumuko na, ikaw? Kelan ka susuko? Kapag nasaktan ka ulit? Kapag umiyak ka ulit? Wag mong hayaang kainin ka ng galit at paghihinti, Ulan. Nag bago ka dahil sa kanila, doon pa lang talo ka na e, kasi hinayaan mong Kontrolin nila ang buhay mo ng dahil sa galit mo sa kanila. Tama na, hayaan mo na sila, katulad ng pag wa-walang bahala nila saiyo. Marami pang iba jan ulan, makikilala mo rin siya. Dadating din siya" sabi nito "Hintayin mo lang ako" dugtong niya, kaya nasampal ko siya

"Gago, di tayo talo!" Sabi ko na ikinatawa niya ng malakas, hay praning talaga.

Pero tama siya, antagal na rin, antagal ko na ding nagdudusa, oras na nga at tama na. Palalayain ko na ang galit na matagal ko ng tinanim, magpapatawad na ako hindi para saa kanila kundi para sa sarili ko. Meron pang bukas para sa panibagong pag sikat ng araw at pag asa.