webnovel

Ulan: Island Series 1

Ulan was a cheerful, playful and go lucky girl, smart yet prankster, what she wants she always gets, but there this one person who caught her attention, Ms. Sinaya, she is willing to do everything just to get her professor's attention.

Magdalene_Verallo · Fantasy
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 2

Ulan

Kasalukuyan akong nasa cafeteria, pagkatapos kasi nung usapan namin ni Ms. Sinaya, e iniwan niya nalang ako bigla sa room. Kaya naisipan ko nalang na umalis na din at dumiretso sa cafeteria, Bumibili ako ngayon ng makakain ng may biglang kumalabit sa akin, pag lingon ko ay si Avril pala

"Oh?" Sabi ko dito

"Musta? Nabugahan ka ba?" Sabi nito, nagtaka naman ako sa sinabi niya

"Nabugahan?" Takang tanong ko

"Oo, balita ko kasi dragon iyong si Ms. Sinaya e, strikto ba ganon." Sabi nito, hindi ko nga maipagkakaila na strikto nga itong tunay

"K lang" tipid sagot ko dito, at umorder na ng kakainin ko

"Anong k lang?" Sabi nito hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya at naglakad na para humanap ng mauupuan, pero sadyang makulit talaga itong kaibigan kong to kaya sinundan ko, may dala na rin siyang pag kain niya, tinatanong pa rin niya ako

"Huy ano nga? Anong k lang?" Sabi nito "Ulan! Ano na? Mag kwe– tangina..."

Tangina talaga, dahil yung dala kong pagkain ay natapon dahil sa naka bunggo ko.

Ang mahal non huhuhu!

Natapon ang pagkain ko dahil sa biglaan kong pag lingon kay Avril para sana ay sigawan siya na tumigil na, pero kung mamalasin ka nga naman, iba pa nabunggo ko. Pag angat ko ng tingin ay gusto ko na lamang magpakain sa lupa. Si Ms. Sinaya, kasama ang iba pa naming teacher. Shet! Siya yung naka bunggo ko. Tila na istatwa naman ako sa kinatatayuan ko at takot na takot gumalaw, pakiramdam ko ay lahat na ng mata ay naka tingin sa amin

"M-m-ma'am, S-s-sorr-y ma'am" sabi ko dito nang nauutal, tiningnan ko ang suot nitong damit ngayon, dahil nga first day ay hindi sila naka uniform kaya hindi ko agad napansin kanina na teacher pala siya, naka suot siya ng faded high waste skinny jeans na tinernuhan niya ng white sleeveless crop top, at stilettos.

Bakas na bakas sa damit ni Ms. Sinaya ang dumi ng lasagna ko

Huhuhu favorite ko iyon e, pero lagot ako nito kay ma'am.

Nag angat naman ako ng tingin sa kanya at kita ko nanaman ang malalamig at wala niyang emosyon na mga mata. Walang pag aalinlangang hinila ko siya palabas ng cafeteria at dali daling pumunta sa parking lot.

"Ulan!!!" Dinig ko pang sigaw ni Avril pero di ko na ito pinansin pa.

Nang makarating sa parking lot ay agad ko siya pinapasok sa kotse ko

"M-ma'am." Tawag ko dito at nilingon siya, gulat ko ng makitang nakatingin din siya sa akin

"Ms. Rivera, why did you bring me here?" Cold niyang sabi

"E sumama ka naman ma'am e" sabi ko dito

"Syempre hinila mo ako." Sabi niya, at dahil nga si Ulan Rivera ako, hindi ako magpapatalo

"Nagpahila ka naman." Sabi ko at ngumisi, akmang lalabas na siya ng kotse ko pero nilock ko iyon

"Ms. Rivera, open this door! Magpapalit na ako ng damit ko, malagkit na." Sabi niya pero malamig pa rin ang boses

"Yes ma'am, you will. You'll change your clothes, pero hindi dito. Its my fault anyway and for sure wala kang dalang extra na damit." Sabi ko dito

"Dadalhin kita sa bahay ko." Dugtong ko at nag simula ng paandarin ang makina "Hindi ka man lang mag tatanong kung bakit?" Tanong ko dito

"You said its your fault. So its your responsibility." Tipid niyang sabi, ibang klase talaga itong teacher na to, mahihiya si Elsa sa kanya e

Sinimulan ko ng mag drive papunta sa bahay, nang makarating kami ay agad kong inanyayahan si Ma'am na pumasok, sumunod naman siya.

"Ma'am" tawag ko dito "Wala ka bang sasabihin sa bahay ko ma'am?" Tanong ko kahit na hindi niya ako nilingon.

"Hindi ako interesado Ms. Rivera" sabi nito, ngumuso naman ako dahil sa pagiging straightforward nito.

"You ouch me!" Sabi ko at nagpanggap pang nasasaktan, kita ko namang umirap siya dahilan para matawa ako.

"Ma'am halika." Sabi ko dito

"Where are we going?" Tanong niya habang cold ang tingin sa akin

"Up to my bedroom ma'am." Inosenteng sagot ko, kita ko namang namula siya sa sinabi ko

Huh? May mali ba sa sinabi ko?

"A-anong gagawin natin don?" Sabi niya at tumingin sa akin

"Ma'am? Edi magpapalit ka ng damit, mag shower ka na din kasi sabi mo diba nanlalagkit ka na?" Sabi ko, kita ko namang tumango siya "halika na ma'am" sabi ko dito at iginayak siya sa daan.

Nang makarating sa kwarto ko ay bigla akong nahiya, nakalimutan kong Mickey Mouse nga pala ang theme ng kwarto ko, masisisi nyo ba ako e favorite ko si Mickey Mouse.

"Ah hehe, ma'am pasensya na sa kwarto ko ah, masiyadong pambata" nahihiyang sabi ko at napakamot sa batok

"No its okay, its cute." Sabi niya, nagulat naman ako sa sinabi niya

"Talaga ma'am? Naku cutan ka kay Mickey Mouse? Hala! Favorite mo din ba siya ma'am?" Maligalig na tanong ko dito.

"Paliliguin mo ba ako o tatanungin mo lang ako?" Malamig na sabi nito, kahit kelan talaga tong teacher na to paka kill joy

"Sabi ko nga ma'am hehe, pasok ka na sa c.r ma'am, re ready ko lang yung damit mo po." Sabi ko at itinuro sa kanya ang c.r, tumango naman siya at pumasok na

Naghahanap ako ngayon ng damit para kay Ma'am, puro silky hanging sando't croptop ang mga pang itaas ko, skirt at shorty shorts naman sa pambaba.

Hala paano to?

Kahit nag aalinlangan ay kinatok ko si Ma'am sa c.r

"Ma'am?" Tawag ko dito at idinikit ang tenga sa pinto, narinig ko naman pinatay niya ang shower

"Yes?" Sabi niya, ang lamig pa rin ng boses niya.

"A-ano kasi ma'am, nag susuot ka po ba ng mga hanging sando and croptop? Yun po kasi mga damit ko e and also skirts and shorty shorts?" Nahihiyang tanong ko, bakit ako yung nahihiya diba dapat siya kasi siya mang hihiram?

"Its okay." Sabi nito

Niready ko naman yung undergarments niya bago ito at di ko pa nagagamit, kinuha ko din yung bagong bili kong sando and skirt terno mitch na maroon. Narinig ko ang pag bukas ng pinto, at pag lingon ko ay nakita ko ang teacher ko na naka tapis lamang at basa ang buhok, napalunok naman ako ng makita ko siya.

"Akala ko nasa labas ka Ms. Rivera" sabi nito na tila wala lang

"A-ah ma'am niready ko po kasi y-yung damit mo, sige po labas na ako." Sabi ko at lumabas na

Bakit ganun? Bakit ako nag iinit? Naka aircon naman, bumaba na ako sa kusina at kumuha ng isang basong gatas, favorite ko to e bakit ba. Kumuha din ako ng cookies at kumain, maya maya pa ay ay narinig ko na ang mga yabag ng stilettos ni Ms. Sinaya, pag angat ko ng tingin ay muntik ko ng maibuga ang kinakain ko. Shet na malagket! Mader pader! Ebriwan, ang ganda ni ma'am!! Lalo siyang gumanda sa suot niya, fit na fit sa kanya yung damit at bagay sa kulay niya, lalo siyang nagmukhang maputi.

"Ms. Rivera!" Sabi nito na ikinabalik ko sa huwisyo

"P-po? Ma'am?" Sabi ko at nakatingin pa rin sa kanya.

"Sabi ko bumalik na tayo sa Campus, may klase pa ako, at ganun ka rin. Home room lang ang meet up natin kanina, hindi pa yun subject hours" sabi nito.

"O-okay ma'am." Sabi ko at niligpit ang pinagkainan ko at nag toothbrush.

Pagkarating namin sa school ay agad na pinag tinginan si Ma'am ng mga studyante maski teachers at school staffs, pero parang wala lang iyon kay Ma'am.

Sanay sa atensyon

Bago pa man kami mag hiwalay ng landas dahil siya ay papunta sa faculty at ako naman ay sa classroom bigla niyang sinabi

"Don't forget to review Martial Law. You'll recite it tomorrow." Sabi nito

"Seryoso ka don ma'am?" Sabi ko na may bakas ng gulat at kaba ang boses.

"Hindi ako nag bibiro, Ms. Rivera" sabi niya pa at umalis na

Paktay!