webnovel

Kabanata 1

Yohan's po.v.

Araw ng sabado, ito ang pinakahihintay ng lahat na trabahador namin kasi ito ang araw ng sahod nila. Hawak ko na sa aking kamay ang pera na pampasahod sa kanila.

Ako nga pala si Yohan Dee na mas kilala sa tawag na Hanz. Ang tumatayo na safety officer na diretso Timekeeper ng isang Sub. Contractor. Ako ang humahawak sa lahat na mga trabahador namin. Ako rin ang kumukontrol sa kanila lalo na kapag wala ang boss namin.

Nakaupo ako sa mesa na nagbibilang ng pera na hawak sa aking kamay ng dumating ang aking boss. Tumayo siya sa aking harapan.

"Hans, mamaya may darating na isang trabahador. Ikaw na bahala mag-assist sakanya sa hihigaan niya after mo magpasahod." Ang bilin niya saakin. Napatingin ako sakanya ng diretso bago sumagot.

"Opo sir. Ako na bahala sakanya pagdating niya." Ang magalang ko na sagot sakanya.

"Sige, may lakad kami ng asawa ko at baka gabihin na kami dumating." Ang sagot naman niya. Tumango muna ako bago sumagot.

"A, sige po. Ingat nalang po kayo sa daan." Ang muling sagot ko sakanya. Tumalikod na ang boss ko at naiwan na ako na bumalik na sa ginagawa ko bago dumating siya, ang magbilang ng pampasahod sa mga trabahador.

Ilang minuto pa ang dumaan at nagsidatingan na ang mga trabahador namin galing sa trabaho nila sa working site. Nagpila na sila sa harapan ko para kuhanin ang kanilang mga sahod. Habang ako naman ito na nagsisimula na sa pamimigay ng mga sobre na naglalaman ng sahod ng bawat isa sa kanila.

"Ariel Motil"

"Christian Manalo"

"Joseph Castilla"

"Eric Primavera"

Ang pag-isa-isa na pagtatawag ko sa pangalan nila para ibigay ang kanilang mga sahod hanggang sa natapos na ako. Nasa mahigit isang daan din ang tao namin kaya inabot na ako ng kalahating minuto bago natapos.

"Sir Hans, excuse me lang po." Ang biglang singit ng isang trabahador namin. Napatingin ako sakanya.

"O, bakit? May kailangan ka po ba?" Ang balik tanong ko na sagot sakanya saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko at inayos ang aking suot na damit sa may parteng balikat.

"May naghahanap po kay boss. Bagong aplikante daw po." Ang sagot naman niya saakin.

"A, sige. Nasaan ba siya?" Ang tanong ko sa trabahador namin. Nagsign siya ng kanyang kamay na nasa baraks daw nila.

"Sa may baraks po namin." Ang sagot niya saakin.

"Tara, samahan mo ako." Ang pagyaya ko sakanya saka magkasama na kami naglakad na pumunta sa may baraks nila.

Pagdating sa baraks nila, may nakita ako na isang lalaki. Hindi ko alam pero may naramdaman agad ako sakanya na kakaiba. Ang pakiramdam ko na para ba na ang gaan ng loob ko agad sakanya. Wari ko ba ay may kumukunekta sa aming dalawa.

Nasa may pintuan lang ako na nakatayo habang nakatingin ng titig sakanya. Napatingin naman siya saakin saka nakangiti na lumapit ng paghakbang sa kinatatayuan ko.

"Hoy! Ikaw pala yan." Ang wika niya na nagpamulat saakin sa reyalidad ng buhay. Nakangiti lang siya saakin.

"A, oo. Nagkita na ba tayo? Para kasing pamilyar ka sa akin." Ang tanong ko sakanya. Ang itsura niya kasi parang nakita ko na dati pa. Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Ay, tinatanong pa ba yan. Oo na, dati pa. Isa ako sa steelman sa kabilang Sub. Con. pero umuwi ako sa amin ng ilang buwan para magpahinga muna sa trabaho. At ngayon, gusto ko na ulit magtrabaho kasi kailangan ng pamilya ko." Ang pagkwento niya na sagot saakin. Saka ko lang naalala na nagkita na nga talaga kami sa work site. Hindi lang kami nagkakapansinan.

"A, oo. Pasensiya ka na at nakalimutan ko." Ang paghihingi ko sakanya ng paumanhin.

"Ayos lang iyon. Ikaw naman kasi hindi mo ako iniimikan kapag nagkakasalubong tayo." Ang pagsisisi niya pa saakin. Nginitian ko na lamang siya.

Naalala ko na siya pala iyong lalaki na palagi ko tinitingnan araw-araw sa kabilang Sub. Con. na para bang gusto ko laging makita tapos bigla na nawala ng hindi ko alam ang rason. At ngayon alam ko na kung bakit siya nawala bigla ay dahil sa umuwi siya sa pamilya niya.

"Ano nga pala ulit pangalan mo?" Ang tanong ko sakanya saka direktahan na napatingin ako sa mukha niya na nakangiti lang siya. Nakikita ko sa itsura niya ang masayahin na tao.

"Jimuel Cabañog, ikaw? Lagi na tayo nagkikita dati pa pero hindi natin alam ang pangalan ng bawat isa." Ang pagpapakilala niya pa sa akin na may halong reklamo.

"Yohan Dee, pwede ko ba mahingi ang FB name mo?" Ang pagpapakilala ko naman sakanya kasabay ng pag-abot ko ng aking cellphone para hingin ang kanyan pangalan sa facebook. Kinuha niya naman agad at isinulat ang pangalan niya saka in-add niya na rin diretso.

"Bumili ka na ba ng grocery mo? Tara, sabay nalang tayo kasi lalabas din ako. May bibilhin din ako para makatipid lalo pa at sisimula lang ako bukas sa trabaho." Ang pagyaya niya sa akin.

Hindi ko alam pero nawalan ako ng rason para tumanggi sa inaalok niya. Napatango nalang ako bago sumagot sakanya.

"Sige ba. May malapit diyan na puregold, doon nalang tayo bumili." Ang sagot ko sakanya saka nauna na siya na humakbang papunta sa labas ng pintuan habang ako naman itong sumunod na lamang din sakanya.