webnovel

Prologo

Magkasama kaming tatlong magkakaibigan na kumakain ng lomi sa isang lomi house dito sa Batangas, nagyaya kasi ang kaibigan namin na Chris, may gusto lang daw siya i-celebrate. Sobrang bakas nga sa mukha niya ang saya. Syempre dahil libre niya at minsan lang siya manglibre, hindi na namin pinalampas pa ni Yohan total Sabado naaman ngayon at bagong sahod kaming magkakaibigan.

"Pre, ano ba kasi naisipan mo at nanlibre ka ngayon?" Ang nagtatakang tanong ni Yohan sakanya habang tuloy lang kami sa pagsubo ng pagkain.

"Kaya nga naman pre, anong mabuting hangin ba ang nalanghap mo ngayon at parang sobrang saya mo yata?" Ang pag-uusisa ko naman sakanya. Hindi naman sa kinokuntra namin ang pagiging masaya niya ngayon kasu lang naninibago lang kami sakanya.

"Kasi ganito 'yon pre, sinagot na ako ng babaeng nililigawan ko." Ang masayang pagsagot niya saamin. Nailuwa tuloy bigla ni Yohan ang kinakain niya. Hindi rin kasi namin alam na may nililigawan pala siya.

"Weh? Sigurado ka ba na sinagot ka na ng nililigawan mo? E, bakit wala ka man pang nabanggit saamin tungkol sakanya?" Ang nagtatakang tanong ko sakanya. Kinuha naman niya ang kanyang cellphone saka may ipinakita siya saamin na larawan ng isang babae.

"Hindi ko sinabi agad sainyo kasi baka mabasted lang ako. Baka pagtawanan niyo pa ako." Ang pagpapaliwanag niya naman saamin saka niya itinago ang kanyang cellphone sa bulsa ng suot niya na short.

"Alam niyo, huwag na natin pag-usapan yan. Kumain nalang tayo at marami pa akong gagawin pagkatapos nito." Ang palusot ni Yohan na pag-iiba niya ng aming usapan.

Nagpatuloy na nga kang din kami sa pagkain na para bang may ihip ng katahimikan ang mayroon ang paligid na tanging mga dumadaan na sasakyan lang ang maririnig. Nasa harapan lang kasi ng daan ang kinakainan namin.

"Teka lang pre, bayaran ko lang kinain natin." Ang paalam ni Chris saka siya tumayo sa inuupuan niya para magbayad ng kinain namin. Naiwan naman kami ni Yohan.

"Ayos ka lang ba? Bakit parang bigla na lamang nag-iba ang itsura mo ng sinabi niya na may girlfriend na siya? Hindi ka ba masaya para sakanya?" Ang pag-uusisa ko kay Yohan. Tumingin siya saakin ng direktahan sa mata.

"Masaya naman ako para sakanya pero hindi ko rin maiwasan na masaktan para saakin kasi alam mo naman kung ano ang nararamdaman ko para sakanya kasu hindi ko naman pwede sabihin sakanya dahil ayaw kong masira pagkakaigan natin tatlo." Ang sagot naman niya saakin. Halata din sa mga mata niya ang lungkot na kanyang nararamdaman.

Binuhat ko ang aking plastik na upuan at tumabi ako sakanya. Inakbayan ko siya sa balikat saka hinimas ang kanyang buhok sa ulo.

"Alam mo naiintindihan naman kita. Alam mo rin na parang kapatid na ang turing natin dalawa sa bawat isa pero sana intindihin mo nalang din siya. Alam naman natin na palagi ka nandiyan kapag kailangan ka niya. Mabuti kang kaibigan sakanya kaya nga minsan nagseselos na ako sainyong dalawa kasi tayo 'yong higit na may pinagsamahan kaysa sakanya pero mas inuuna mo siya kaysa saakin." Ang tanging mga salita na nasabi ko sakanya habang nakaakbay ako sa balikat niya. Humarap siya saakin.

"Yun na nga eh. Ikaw 'yong palaging nandiyan kapag kailangan ko pero siya ang mas iniisip ko. Pasensiya ka na rin sa mga pagkukulang ko sayo bilang kaibigan mo ah." Ang sagot naman niya saka ko tinanggal ang aking kamay sa balikat niya.

"Ay sus, ano ka ba. Ayos lang 'yon. Saka alam mo ba na masaya din naman ang asawa ko na isa ka sa kaibigan ko dito kasi mabait ka daw saakin saka mabuting kaibigan ka daw." Ang pagbabawi ko sakanya. Hindi naman kasi ako sanay sa madrama na buhay. Hindi rin naman kasi teleserye ang buhay ng tao.

"Wee, talaga ba?" Ang parang hindi niya makapaniwala na sagot saakin. Tumango lang ako bilang sagot. Napalitan naman ng maaliwalas na saya ang lungkot na nararamdaman niya kanina. Bilang kaibigan ay alam ko na din kasi kung paano ko siya mapapasaya sa tuwing may malungkot siya. Ako lang din kasi ang katrabaho at kaibigan niya na nilalabasan niya ng problema at saakin lang din siya umiiyak kapag hindi niya na kaya ang problema niya. Minsan nga napagkakamalan na kami ng aming katrabaho na magjowa daw kaming dalawa pero ang totoo ay hanggang magkaibigan lang kami at kung may hihigit pa man sa turingan na iyon ay ang pagiging magkapatid na lamang iyon kahit hindi kami magkadugo. May asawa din naman akong tao. Alam din namin na hindi kami magkakagusto sa bawat isa.

"Oyh, ang saya niyo naman yata. Pwede ba akong sumali sa usapan ninyo?" Ang singit bigla ni Chris ng makabalik na siya sa kanyang upuan. Napatingin kaming dalawa ni Yohan sakanya.

"Tara na? Uwi na tayo?" Ang pagyaya ko sa kanilang dalawa. Tumayo na kaming tatlo at magkakasama na naglakad palabas ng lomi house.